backup og meta

Benepisyo Ng Avocado Sa Kalusugan: Gaano Ka-sustansya Ang Avocado?

Benepisyo Ng Avocado Sa Kalusugan: Gaano Ka-sustansya Ang Avocado?

Maraming klase ng prutas ang araw-araw natin nakikita sa mga pamilihan. Bawat prutas ay may iba’t ibang panahon ng kanilang pagtubo. At isa ang avocado sa kinahihiligang prutas ng mga Pilipino. Ang tanong, ano-ano nga ba ang benepisyo ng avocado na hatid sa ating katawan?

Mineral at Bitamina ng Avocado

Ang avocado ay mayaman sa iba’t ibang benepisyong maihahatid sa ating kalusugan. Kabilang na rito ang mga bitamina at mineral na C, E, K at B6.

Potassium

Ang potassium ay nakatutulong upang makontrol ang blood pressure at maibaba ito. Ito rin ay mahalagang mineral para sa kalusugan ng ating puso. Ang mineral na ito ay isa sa mga benepisyo ng avocado. Mayaman sa potassium ang avocado kung ikukumpara sa saging.

Sa katunayan, 14 porsyento ng inirerekomendang dietary allowance ng potassium ay naibibigay ng avocado. Samantalang 10 porsyento lamang ang sa saging.

Vitamin C

Mayaman din sa vitamin C ang avocado. Ang vitamin C ay tumutulong sa wastong gawain ng immune system. Ito rin ay nakatutulong sa kalusugan ng ating balat.

Vitamin E

Isa rin sa benepisyo ng avocado ang vitamin E. Tumutulong ang vitamin E upang mapigilang masira ang mga cell sa ating katawan.

Vitamin B6

Ang vitamin B6 ay tumutulong upang gawing enerhiya ang mga pagkaing ating kinakain.

Fiber

Ang inirerekomendang konsumo ng fiber sa araw-araw ay 25 grams para sa babae at 35 grams naman para sa lalaki. At isa ang fiber sa naibibigay ng avocado. Sa katunayan, ang isang buong avocado ay naglalaman ng humigit-kumulang na 10 grams.

Tumutulong ang fiber sa pagpapababa ng blood sugar at pagbabawas ng cholesterol. Pinaliliit din nito ang tyansa na magkaroon ng cancer ang isang tao tulad ng colon cancer. 

Vitamin K-1

Ang vitamin K-1 ay mahalagang bitamina pagdating sa blood clotting. Ito rin ay nagbibigay ng benepisyo para sa kalusugan ng ating mga buto.

Fats

Tandaan na mayroong nakabubuting taba at hindi nakabubuti sa ating katawan. Ngunit ang ibinibigay na taba ng avocado ay mabuting taba. Sa katunayan, nakatutulong ito upang maiwasan ang cholesterol.

Bukod sa mga nabanggit, nagbibigay rin ang avocado ng folate, magnesium, vitamin B2 at B3. Tumutulong din ang ito na ma-absorb nang mabuti ng ating katawan ang sustansyang hatid nito. 

Mga Benepisyo ng Avocado

Pinoprotektahan ang ating Mata

Naglalaman ang avocado ng mga mahahalagang sustansyang kailangan upang maging mabuti ang kalusugan ng ating mga mata. Ito ay ang lutein at zeaxanthin, na kapwa nag-a-absorb ng mga light wave na maaaring makapinsala sa ating paningin. Nababawasan nito ang panganib sa macular degeneration at katarata.

Tumutulong sa Pagbabawas ng Timbang

Naglalaman ng fiber ang avocado. Ang mga ito ay nakatutulong upang ikaw ay mabusog kaagad. Sa kadahilanang ito, mas maliit ang tyansa na ikaw ay kumain pa nang labis.

Pinagaganda ang ating Mood

Nakapagbibigay ang avocado ng vitamin B na nakatutulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng depresyon. Dagdag pa rito, mayroon din itong folate na tumutulong sa pag-iwas ng mga problema sa panganganak.

Mabuti sa Puso

Sa pag-aaral, sinasabing ang avocado ay nakatutulong sa pagpapababa ng masamang kolesterol, triglycerides, at blood pressure.

Nakabubuti sa Utak

May dala rin na benepisyo ang avocado pagdating sa ating utak. Nakatutulong ito na maiwasan ang pagkakaroon ng Alzheimer’s disease. Ito ay dahil sa vitamin E na naibibigay ng avocado. Dagdag pa rito, tumutulong ito na labanan ang pagkasira ng mga cell sanhi ng polusyon at radiation sa araw-araw.

Pinalalakas ang mga Buto

Naglalaman ng vitamin K ang avocado na tumutulong sa pagpapabuti ng ating mga buto upang maiwasan ang pagkabali nito. 

Paglaban sa Cancer

Isa pa sa benepisyo ng avocado ang paglaban sa leukemia. Ito ay dahil naglalaman ang avocado ng avocatin B.

Mabangong Hininga

Nakatutulong ang pagkain ng avocado upang maging malinis at maalis ang bakterya na nagiging sanhi ng pagbaho ng hininga.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o panggamot.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Why Avocados are a Healthy and Delicious – Addition to your Diet

https://health.clevelandclinic.org/why-avocados-are-a-healthy-addition-to-your-diet/

Accessed August 10, 2022

An Avocado a Day is Good for your Heart Health

https://utswmed.org/medblog/avocado-a-day/

Accessed August 10, 2022

Health Benefits of Avocado

https://www.webmd.com/diet/ss/slideshow-avocados-health-benefits

Accessed August 10, 2022

In Case You Need a Reason to Eat More Avocado

https://www.cedars-sinai.org/blog/healthy-and-delicious-avocado.html

Accessed August 10, 2022

6 Health Benefits of Avocados

https://selecthealth.org/blog/2018/03/ode-to-the-avocado

Accessed August 10, 2022

Everything You Need to Know About Avocados +15 Science-Backed Reasons to Eat These Fabulous Fruits

https://foodrevolution.org/blog/avocado-health-benefits/

Accessed August 10, 2022

Avocados can Provide Heart Health Benefits

https://www.aarp.org/health/healthy-living/info-2022/avocado-heart-health-benefits.html

Accessed August 10, 2022

Kasalukuyang Version

07/24/2024

Isinulat ni Marenila Bungabong

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Marenila Bungabong · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement