backup og meta

Anong isda ang mababa sa uric acid? Heto ang mga dapat mong kainin!

Ang pagkakaroon ng mataas na lebel ng uric acid sa katawan ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng tinatawag na gout. Kaya naman, ganito na lamang kahalaga ang pag-alam sa lebel ng uric acid na makukuha natin sa isang pagkain. Katulad na lamang sa mga isda. Ang tanong, anong isda ang mababa sa uric acid?

Anong isda ang mababa sa uric acid? Heto ang mga dapat mong kainin!

Gout

Madalas bang manakit ang iyong kasukasuan? Maaaring ito ay sanhi ng isang sakit, ang gout.  Isang masakit na anyo ng arthritis ang gout na nangyayari kapag mataas ang antas ng uric acid sa dugo. Maaaring makaramdam ng matinding pananakit o pamamaga ng kasukasuan ang isang taong may gout. Ang mga kristal ay nanubuo at naiipon sa loob at paligid ng isang kasukasuan. At ilan sa mga kinakain at iniinom natin ang nagiging dahilan na ma-trigger ang pag-atake ng gout.

Mataas na Lebel ng Uric Acid

Ang uric acid ay isang dumi ng katawan na makikita sa ating dugo. Nabubuo ito kapag sinisira ng katawan ang mga kemikal na tinatawag na purine. Kadalasan, ang mataas na lebel ng uric acid ay nangyayari kapag ang ating mga bato ay hindi nakapag-aalis ng uric acid nang maayos. 

Madalas na nagiging sanhi ng mataas na lebel ng uric acid ay ang pagiging sobra sa timbang, diabetes, at pag-inom nang sobrang alak. Isa pang maaaring sanhi ay ang pagkain ng mga pagkaing mataas sa purine.

Iba pang Sanhi ng Mataas na Lebel ng Uric Acid

Maraming maaaring makaapekto sa pagkakaroon ng mataas na lebel ng uric acid sa ating katawan. Ilan nga rito ay ang sumusunod:

  • Pag-inom ng labis na alak
  • Namana
  • Hypothyroidism
  • Obesity
  • Pagkain na mayaman sa purine
  • Hindi maayos na nakasasala ng dumi ang bato

Paraan ng Pag-alam sa Lebel ng Uric Acid

Maaaring masuri ang lebel ng iyong uric acid sa pamamagitan ng pagkuha ng dugo upang ito ay suriin. Ngunit tandaan, ang gout ay hindi kaagad nalalaman sa pagsusuring ito. Kaya naman, mahalagang magkaroon ka nang mas malalim na pagkonsulta sa iyong doktor.

Mga Maaaring Kainin

Kung ikaw ay may gout ngunit mahilig sa isda, mahalagang maunawaan at malaman mo ang mga maaaring kainin lamang. Makatutulong ito upag maiwasan na lumala ang iyong sakit.

Unang dapat tandaan kung ikaw ay may gout, lahat ng isdang kakainin ay dapat katamtaman lamang ang dami. Ito ay upang hindi maging malaki ang problema pagdating sa gout. Ang mga isda na maaari mo lamang kainin ay ang mga may mababang lebel ng purine. Ibig sabihin lamang nito na mababa sa 100 milligrams.

Ilan sa mga may isda na maaaring kainin ay japanese eel, sablefish at karne ng monkfish na kapwa hindi mataas sa 100 milligrams ang purine. Maaari mo rin kainin ang tofu, na mayaman sa protina.

Mga Dapat Iwasang Pagkain

Bukod sa pag-alam ng mga pagkaing may mababang uric acid, mahalagang malaman din ang mga dapat iwasang pagkain. Ang mga ito ay may mataas na lebel na hihigit sa 100 milligrams ng purine. Kabilang dito ang sumusunod:

  • Alimango
  • Tuna
  • Mackerel
  • Sardinas
  • Scallops
  • Salmon
  • Lobster

Mahalagang Tandaan

  • Ang gout ay masakit na anyo ng arthritis na maaaring makaapekto sa ating pang-araw-araw na gawain.
  • Hindi nakabubuti ang pagkakaroon ng mataas na antas ng uric acid sa ating katawan.
  • Mahalagang malaman ang mga pagkaing dapat iwasan at maaaring kainin kung ikaw ay may mataas na uric acid.
  • Ilan sa mga isdang may mababang uric acid ay japanese eel, sablefish at karne lamang ng monkfish.
  • Ang pag-alam sa mga naibibigay ng mga pagkain sa ating katawan ay kasinghalaga ng pangangalaga sa ating kalusugan.
  • Komunsulta sa iyong doktor kung kakaiba ang nararamdamg sakit o pamamaga sa iyong mga kasukasuan.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o panggamot.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

High Uric Acid Level

https://my.clevelandclinic.org/health/symptoms/17808-high-uric-acid-level#:~:text=Uric%20acid%20is%20a%20waste,the%20level%20of%20uric%20acid.

Accessed July 15, 2022

High Uric Acid Level

https://www.mayoclinic.org/symptoms/high-uric-acid-level/basics/causes/sym-20050607

Accessed July 15, 2022

Fish and Gout: What to Eat, What to Avoid

https://www.verywellhealth.com/fish-and-gout-5093098#:~:text=The%20best%20options%20include%20Japanese,but%20are%20good%20options%2C%20too.&text=Purine%20Content%20per%20100%20g,boiled%2C%20roasted%2C%20or%20barbecued.

Accessed July 15, 2022

Eating to Prevent Gou

https://www.fairview.org/Patient-Education/Articles/English/e/a/t/i/n/Eating_to_Prevent_Gout_87513

Accessed July 15, 2022

Purine Table and Information

https://elevatehealthaz.com/wp-content/Purine%20Table.pdf

Accessed July 15, 2022

Kasalukuyang Version

02/25/2026

Isinulat ni Marenila Bungabong

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

7 Pagkain Na Mayaman Sa Protina! Idagdag Ang Mga Ito Sa Iyong Diet

Vitamin A: Para Saan Ang Vitamin Na Ito? Alamin Dito!


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Marenila Bungabong · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas