Madalas sabihin ng mga tao na maaaring mayroon silang mabilis o mabagal na metabolismo, na dahilan upang payat o mataba. Pero, totoo nga ba ito? Angkop din ba ang ideyang ito kung mayroon kang metabolic disorder? Ano ang metabolic disorder? Ano ang mga sintomas nito at paano ito mapipigilang magkaroon ng epekto sa katawan? Alamin sa artikulong ito.
Pinoproseso ng metabolismo ang enerhiya na maaaring makuha ng tao mula sa pagkain, maging itoman ay taba, protina, o carbohydrates. Kalaunan, tutunawin ng mga kemikal sa digestive system ang compounds na ito ng pagkain at gagawing sugars at acisd. Ito, sa bandang huli, ay nagiging enerhiya ng katawan upang gawin ang mga araw-araw na aktibidad.
Ano Ang Metabolic Disorder?
Ano ang metabolic disorder? Ito ay tumutukoy sa grupo ng mga kondisyong nangyayari kasabay ng iba pa. Kaya naman, tumataas ang tyansa upang ang isang tao ay magkaroon ng alinman sa mga sumusunod na sakit:
Nangyayari ito kapag may pagkagambala sa normal na reaksyon ng katawan sa kemikal. Sa ilang mga kaso, ang lahat ng tatlong mga kondisyon ay maaaring mangyari sa parehong oras.
Inilista ng National Heart, Lung, and Blood Institute (NHLBI) ang metabolic factors:
1. Abdominal obesity
Kabilang dito ang pagkakaroon ng circumference ng baywang na higit sa 35 pulgada para sa mga kababaihan at 40 pulgada para sa mga kalalakihan. Ang ganitong uri ng obesity ay lubhang may kaugnayan sa metabolic disorder.
2. Presyon ng dugo na 130/80 mm Hg (o mas higit pa)
Ang obesity ay lubhang nauugnay sa mataas na presyon ng dugo, na madalas na napapansin sa mga indibidwal na resistant sa insulin.
3. Problema sa fasting blood glucose
Ito ay katumbas ng lebel na 100 mg/dL o mas mataas pa.
4. Mataas na lebel ng triglyceride (150 mg/dL o higit pa)
Ang triglycerides ay tumutukoy sa uri ng fat na makikita sa daluyan ng dugo. Ang mas mataas value ay nagpapakita ng mas mataas storage ng fat na maaaring makaapekto sa pagdaloy ng dugo at iba pang sustansya.
5. Mababang lebel ng HDL cholesterol
Nangangailangan ang isang tao ng sapat na dami ng high-density lipoprotein o magandang kolesterol. Ito ay upang mapanatili ang lebel ng kolesterol na pumapasok at lumalabas sa daluyan ng dugo. Para sa mga kalalakihan, ito ay dapat mas mababa sa 40 mg/dL habang mas mababa naman sa 50 mg/dL para sa mga kababaihan.
Ano Ang Metabolic Disorder? Mga Sintomas Nito
Ang mga senyales at sintomas nito ay maaaring nakadepende sa partikular na metabolic disorder, ngunit ang ilang mga karaniwang ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Mataas na body mass index (BMI) at circumference ng baywang
- Mataas na lebel ng triglyceride
- Mababang HDL cholesterol
- Mataas na fasting blood sugar
- Acanthosis nigricans (pangingitim ng balat bilang senyales ng insulin resistance)
Sa mga sanggol at bata, ang hindi sinasadyang pagbaba ng timbang o hindi pagtaba at pagtangkad ay karaniwan. Ang ilang mga kaso ay nagpapakita rin ng mga senyales ng pagkapagod at pagkawala ng gana.
[embed-health-tool-bmi]
Ano Ang Metabolic Disorder? Mga Mapanganib Na Salik Nito
Narito ang ilang salik na nagpapataas ng tyansa ng pagkakaroon ng metabolic disorder:
- Edad (habang tumatanda, mas mataas ang tyansang magkaroon ng metabolic disorder)
- Lahi
- Obesity
- Diabetes
- Iba pang mga sakit (halimbawa: nonalcoholic fatty liver disease, polycystic ovary syndrome, at maging ang obstructive sleep apnea)
Ano Ang Metabolic Disorder? Paano Maiiwasan
Maraming mga paraan upang maiwasan ang pagsisimula ng metabolic disorder. Dahil ang kawalan ng pisikal na aktibidad at ang labis na timbang ay ang pangunahing iba pang salik, maaaring gawin ang mga sumusunod:
- Pagsasagawa ng regular na ehersisyo
- Pagsisimula na magkaroon ng malusog na gawi sa pagkain
- Pagsasaalang-alang sa ilang mga pagbabago sa diet
Ang lahat ng ito at ang iba pa ay maaaring makatulong upang mapanatili ang isang malusog na timbang upang maiwasang magkaroon ng metabolic disorder.
Key Takeaways
Kailangan ng panghabambuhay na commitment upang mapanatili ang isang malusog na paraan ng pamumuhay at maiwasan ang pagkakaroon ng metabolic disorder.
Siguraduhing kumonsulta sa iyong doktor kung nababahala tungkol sa alinman sa mga senyales na ito o sa mga mapapanganib na salik kaugnay ng iyong metabolic rate.
Matuto pa tungkol sa Masustansyang Pagkain dito.