backup og meta

Ano ang healthy fats? Heto ang lahat ng dapat mong malaman tungkol dito

Ano ang healthy fats? Heto ang lahat ng dapat mong malaman tungkol dito

“Ano ang healthy fats?” Isa ito sa makabuluhang tanong na dapat masagot sapagkat ang “taba” ay mahalaga sa isang nutritious diet ng tao. Ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa bagay na ito ay makakatulong upang makamit ang malusog na lifestyle. Sa katunayan, dapat makakuha ng angkop na healthy fats ang isang indibidwal dahil malaki ang impluwensya nito sa pag-unlad at development ng isang indibidwal. Dapat na wastong naibibigay ang healthy fats lalo sa mga bata sapagkat malaki ang gampanin nito upang magkaroon ng normal brain development ang isang tao.

Ngunit, ang sobrang taba ay hindi rin maganda sa kalusugan kung kaya’t dapat balanse ang pagkain nito. Maraming uri ng taba ang maganda para sa atin at mahalaga para sa healthy diet. Subalit, bago natin pag-usapan ang healthy fats, alamin muna natin ang ibig sabihin ng “fats”.

Ano ang fats?

Ayon sa artikulong narebyu ni Dr. Mary Gavin, ang fats ay sustansya sa pagkain na ginagamit ng katawan para makabuo ng cell membranes, nerve tissue (kabilang ang utak) at hormones. Ginagamit din ng katawan ng tao ang taba bilang fuel o enerhiya. Subalit, dumarating din ang mga pagkakataon na ang fats na kinakain ng tao ay hindi nasusunog bilang enerhiya. Kapag ganito ang nangyayari, iniimbak ito ng katawan sa fat cells para makapagimbak ng taba at magamit sa hinaharap lalo na sa oras na mahirap makakuha ng pagkain. 

Ang paraang nabanggit ay nagpapakita ng “way of thinking” ng katawan ng tao. Huwag din kakalimutan na ang taba ay isang uri ng sustansya na kailangan ng katawan upang maka-absorb din ng vitamins upang maproteksyunan ang kalusugan ng puso at utak ng isang indibidwal.

Bad fats vs Healthy fats

Magandang malaman ng bawat isa ang pagkakaiba ng bad fats at healthy fats. Ang pagkakaroon ng kamalayan sa bagay na ito ay malaking bagay para sa pagkakamit ng wastong nutrisyon. 

Kapag sinabing “bad fats”, pumapasok dito ang 2 uri ng tabang dapat iwasan – ang saturated at trans fatty acids. Ang mga ito ay ilan sa mga bagay na tumutulong sa pagpapataas ng timbang at risk sa isang partikular na sakit. Kapwa rin ito nagpapataas ng cholesterol level at mga bara sa artery.

Habang ang “healthy fats” naman ay tumutukoy sa unsaturated fats at omega-3 fatty acids na nagtataglay ng opposite effect, kumpara sa “bad fats”. Dagdag pa rito, nakakatulong din ang healthy fats sa pag-manage ng iyong mood, mapabuti ang mental game, malabanan ang fatigue — at makontrol ang iyong timbang.

Ano ang healthy fats: Mga Benepisyo

Mainam na limitahan ang mga pagkaing naglalaman ng bad fats dahil sa mga negatibong epekto nito sa kalusugan. Mas importante sa diet ng isang tao ang pagkain ng healthy fats lalo’t marami itong benepisyo na makakabuti para sa isang indibidwal. 

Ang monounsaturated at polyunsaturated fats ay kilala rin bilang “good fats” sapagkat maganda ang mga ito para sa overall health ng tao. Sinasabi na ang pagdaragdag nito ay makakatulong para mas maramdaman ang satisfaction pagkatapos kumain. Tumutulong din ito para ma-promote ang weight loss at mabawasan ang pagkagutom. Narito pa ang mga sumusunod na benepisyo na dapat mong malaman:

  • Pagbaba ng presyon ng dugo
  • Pag-iwas sa abnormal heart rhythms
  • Napapababa ang panganib ng stroke at sakit sa puso
  • Naiiwasan ang atherosclerosis kaugnay ang pagtigas at pagliit o narrow ng arteries
  • Napapataas ang good HDL at napapababa ang bad LDL
  • Pagbaba ng triglycerides na nauugnay sa sakit sa puso at paglaban sa pamamaga

Ano ang healthy fats: Mga pagkain na pwedeng subukan

Narito ang listahan ng mga monounsaturated fat na maaari mong kainin para sa’yong diet:

  • Avocado
  • Peanut butter
  • Almond butter
  • Nuts gaya ng almonds, pecans, mani, kasoy
  • Vegetable oils tulad ng olive oil at peanut oil

Ang uri ng taba na ito ay taglay din ng iba’t ibang pagkain at oil. Nakakatulong ito para mapabuti ang blood cholesterol level at mapababa ang panganib ng cardiovascular disease.

Habang ang polyunsaturated fats ay kilala bilang “essential fats” sapagkat hindi kayang gawin ng katawan ang mga ito — at nakukuha lamang ito ng tao sa pagkain. Pinababa rin nito ang risk ng sakit sa puso at napapaba ang cholesterol levels. Madalas na primary source ng “fats” na ito ang plant-based foods at oils.

Dagdag pa rito, ang isa pang partikular na taba ay tinatawag na “omega-3 fatty acids”. Kung saan narito ang mga iba’t ibang benepisyo nito:

  • Pagpapababa ng risk sa coronary artery disease
  • Napapababa ang presyon ng dugo
  • Nalalabanan ang irregular heart rates

Narito naman ang mga pagkaing nagtataglay ng omega-3 fatty acids:

  • Walnuts
  • Canola oil
  • Salmon
  • Sardines
  • Herring
  • Chia Seeds
  • Trout
  • Flaxseed

Key Takeaways

Maganda na magkaroon ng balanseng diyeta para sa pagkakaroon ng malusog na lifestyle. Para makamit ito, dapat malaman ang healthy fats na pwedeng kainin dahil marami itong benepisyo sa kalusugan ng isang tao. Nakakatulong din ito para maiwasan ang mga sakit at komplikasyon. Maganda na magkaroon din ng konsultasyon sa isang doktor para sa medikal na payo at pagtingin.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Fats and Cholesterol https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/what-should-you-eat/fats-and-cholesterol/#:~:text=%E2%80%9CGood%E2%80%9D%20unsaturated%20fats%20%E2%80%94%20Monounsaturated,nuts%2C%20seeds%2C%20and%20fish. Accessed May 27, 2022

Choosing Healthy Fats https://www.helpguide.org/articles/healthy-eating/choosing-healthy-fats.htm Accessed May 27, 2022

Yogurt and dairy product consumption to prevent cardiometabolic diseases: epidemiologic and experimental studies https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/24695891/ Accessed May 27, 2022

Fats https://kidshealth.org/en/parents/fat.html Accessed May 27, 2022

Are all saturated fats equally bad for the heart https://www.escardio.org/The-ESC/Press-Office/Press-releases/Are-all-saturated-fats-equally-bad-for-the-heart Accessed May 27, 2022

Kasalukuyang Version

06/29/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Dexter Macalintal, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement