backup og meta

Ano ang Health Benefits ng Mani? Alamin Dito!

Ano ang Health Benefits ng Mani? Alamin Dito!

Health benefits ng mani, na may scientific name na Arachis hypogaea, ay hindi alam ng karamihan. Di naman kataka-taka dahil marahil ang naiisip palagi ay ang  malutong at masarap na lasa ng mani. Isa ito sa pinakasikat na oilseed sa mundo kahit noong nagdaang mga siglo. Lingid sa karamihan, ang mga butil ng mani ay nagtataglay ng maraming sustansya na kapaki-pakinabang sa kalusugan.

Ang katotohanan, ang mani ay mga legumes na nagtataglay ng halos lahat ng katangian ng iba pang mga sikat na mani tulad ng pistachio and almonds. Ayon sa botanika, ang mga mani ay maliit na fruit pods ng isang halaman na tumutubo sa ilalim ng lupa. Ang ilan sa mga karaniwang pangalan nito ay groundnut at earthnuts.

Health benefits ng mani at saan ito nagmula

Ang mga mani ay tumutubo sa ilalim ng lupa at ito ay bunga ng halamang mani. Noong unang bahagi ng 1800s, sinimulan ng mga Amerikano ang pagtatanim ng mani bilang isang komersyal na pananim. Sa karaniwan, ang mga Amerikano ay kumakain ng higit sa anim na libra ng mani bawat taon. Ngayon, 50 porsyento ng mga mani na kinokonsumo sa Estados Unidos ay kinakain sa anyo ng peanut butter.

Mga health benefits ng mani

Kalusugan ng puso

Sumikat ang walnuts at almonds bilang mga pagkaing “malusog sa puso” dahil sa mataas na antas ng unsaturated fats nito. Ngunit ang pananaliksik ay nagmumungkahi na ang mga mani, katulad ng mga mas mahal na mani, ay mabuti rin para sa kalusugan ng puso.

Nakakatulong ang mani sa pag-iwas sa sakit sa puso sa pamamagitan ng pagpapababa ng mga antas ng kolesterol. Maaari rin nitong pigilan ang maliliit na pamumuo ng dugo mula sa pagbuo at bawasan ang panganib ng atake sa puso o stroke.

Ang mani ay mayaman sa mga unsaturated fatty acid, lalo na ang mga monounsaturated fatty acid. Mayaman dito ito sa mga polyunsaturated fatty acid o linoleic acids, na nagpapabuti sa lipid profiles at nagpapababa ng mga antas ng presyon ng dugo.

Nagpapababa ng panganib ng gallstones

Ang pagkonsumo ng mani ay nauugnay sa mas mababang panganib ng mga gallstones. Natuklasan ng isang pag-aaral na isinagawa ng Harvard Medical School at Brigham and Women’s Hospital sa Boston na ang pagkonsumo ng mani ay maaaring magpababa ng panganib ng gallstones. Ang mga lalaking kumonsumo ng lima o higit pang halaga ng mani sa isang linggo ay may mas mababang panganib ng sakit sa gallstone

Ang mga mani ay mataas sa hibla at malusog na taba. Mayroon din silang maraming mga sterol ng halaman, mga compound na humaharang sa pagsipsip ng kolesterol. Ito ay maaaring makatulong sa pagprotekta laban sa gallstones.

Tumutulong sa pag-kontrol ng blood sugar

Ang pagdaragdag ng mani o peanut butter sa pagkain ay hindi nagpapataas ng antas ng blood sugar. Maaaring magpatatag ng antas iyong blood sugar ang mani o peanut butter kapag isinabay ito sa mga pagkaing may mataas na glycemic index (GI) tulad ng bagel o juice. Pinangalanan ng American Diabetes Association ang mani bilang superfood ng diabetes. 

Proteksyon laban sa kanser

Ipinakita ng mga pananaliksik na ang mga mani ay naglalaman ng mataas na konsentrasyon ng polyphenolic antioxidants, partikular na ang p-coumaric acid. Sinasabing binabawasan nito ang panganib ng kanser sa tiyan sa pamamagitan ng paglilimita sa pagbuo ng mga carcinogenic nitrosamines sa tiyan.

Ang mani ay isang mahusay na mapagkukunan ng resveratrol, isa pang polyphenolic antioxidant. Napag-alaman na ang resveratrol ay nagbibigay proteksyon laban sa:

  • Kanser
  • Sakit sa puso
  • Degenerative nerve disease
  • Alzheimer’s disease
  • Viral at fungal na impeksyon

Health benefits ng mani at bakit dala nito ay allergy

Ang mga mani ay kabilang sa mga pinakakaraniwang pagkain na nagdudulot ng allergy. Ang nakapagtataka, madalas silang naktitikman sa mga bagay na hindi mo inaasahan. Halimbawa na lamang ang chili, na maaaring pinalapot ng giniling na mani. 

At kahit hindi ito tunay na mani,  ang mga protina sa mga mani ay katulad ng istraktura ng mga nasa tree nuts. Dahil dito, ang mga taong allergic sa mani ay maaari ding maging allergic sa tree nuts tulad ng almonds, Brazil nuts, walnuts, hazelnuts, macadamia nuts, pistachios, pecans, at cashews. Kung minsan kusang nawawala ang ilang mga allergy sa pagkain tulad ng allergy sa itlog o gatas, sa paglipas ng panahon. Ngunit may mga allergy na tulad ng sa mani at tree nut ay panghabambuhay sa maraming tao. Kung kaya’t dapat mag-ingat parin sa pagkain ng mani, lalo na kung may naging ganap sa buhay na allergic dito. 

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.webmd.com/diet/health-benefits-peanutshttps://www.nationalpeanutboard.org/wellness/what-is-benefit-eating-peanuts-every-day.htmhttps://www.medicalnewstoday.com/articles/325003https://kidshealth.org/en/parents/nut-peanut-allergy.htmlhttps://www.ahajournals.org/doi/10.1161/STROKEAHA.120.031212#:~:text=Peanuts%20are%20rich%20in%20unsaturated,reduced%20risk%20of%20cardiovascular%20disease.

Kasalukuyang Version

06/14/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement