backup og meta

Madalas Ka Bang Puyat? Heto Ang Posibleng Epekto Nito Sa Iyong Kalusugan

Madalas Ka Bang Puyat? Heto Ang Posibleng Epekto Nito Sa Iyong Kalusugan

Masamang epekto ng laging puyat ang pagkaramdam ng antok at pagod kahit alas otso pa lang ng umaga. Siguro, dahil kulang ang tulog mo hindi lamang kagabi, kung hindi sa mga nagdaan pang gabi. 

Tinatayang 50 hanggang 70 milyong Amerikano ang patuloy na nagdurusa mula sa sleep disorder o laging pagpupuyat. Ito ay humahadlang sa pang-araw-araw na gawain, nakakaapekto sa kalusugan, at nagpapaikli ng buhay. 

Ayon sa 2016 Healthy Living Index Survey, ang mga Pilipino ang isa sa may pinakamataas na antas ng pagpupuyat sa Asya. Mahigit 46%  ng mga Pilipino ang hindi nakakakuha ng sapat na tulog. Habang 32% ang nagsabing sila ay natutulog nang wala pang anim na oras sa isang araw.

Oras ng pagtulog at masamang epekto ng laging puyat

Ang kawalan ng tulog ay isang pangkalahatang termino na naglalarawan ng isang estado kung saan hindi sapat ang oras o kalidad ng pagtulog. Kabilang na dito ang boluntaryo o hindi sinasadyang kawalan ng tulog at mga circadian rhythm sleep disorders.

Ang pagtulog ay isang mahalagang function na nagbibigay-daan sa pag-recharge ng iyong katawan at isip. Sariwang pakiramdam at pagka-alerto ang dulot ng tamang oras at kalidad ng pagtulog. Tinutulungan rin nito ang iyong katawan na manatiling malusog at malayo sa mga sakit. Kung walang sapat na tulog, hindi maaaring gumana ng maayos ang utak. Ito ay maaaring makapinsala sa iyong mga kakayahan upang tumutok, mag-isip nang malinaw, at magproseso ng mga alaala.

Masamang epekto ng laging puyat sa kalusugan

Ayon sa National Sleep Foundation, ang matatanda da ay nangangailangan ng 7 hanggang 9 na oras ng pagtulog bawat gabi. Ang mga sanggol, maliliit na bata, at mga kabataan ay nangangailangan ng higit pang tulog upang lumaki sila.. Ang mga taong higit sa 65 anyos ay dapat ding makakuha ng 7 hanggang 8 oras bawat gabi. 

Narito ang ang mga hindi magandang epekto kapag kulang ka sa tulog:

Aksidente

Ang kawalan ng tulog ay sanhi ng mga pinakamalaking sakuna sa kasaysayan tulad ng:

Ang kakulangan sa tulog ay inihalintulad sa drunk driving na malaking panganib sa kaligtasan ng publiko araw-araw sa kalsada. Maaari itong makapagpabagal ng bilis ng reaksyon na kailangan kapag nagmamaneho. Sa tantya ng National Highway Traffic Safety Administration sa Amerika, ang pagkapagod ay sanhi ng 100,000 car crashes at 1,550 deaths na nauugnay sa pag-crash sa loob ng isang taon. Ang problema ay pinakamalaki sa mga taong wala pang 25 taong gulang.

  • 1979 nuclear accident sa Three Mile Island, 
  • Ang napakalaking Exxon Valdez oil spill
  • Ang 1986 nuclear meltdown sa Chernobyl

Isa sa masamang epekto ng laging puyat at kawalan ng kalidad ng pagtulog ang mga aksidente at pinsala sa trabaho. Sa isang pag-aaral, ang mga manggagawa na nagreklamo tungkol sa labis na pagkakatulog sa araw ay nagkaroon ng mas maraming aksidente sa trabaho. Nagkaroon din sila ng mas maraming sick days kada aksidente.

Mabagal na pag-iisip

Ang kawalan ng kalidad sa pag-iisip ay masamang epekto ng laging puyat. Ang kakulangan sa tulog ay nakakaapekto sa prefrontal cortex, na responsable sa pangangatwiran, at ang amygdala, na tumatalakay sa emosyon. Maaari ring maging mas mahirap para sa isang tao ang pagbuo ng mga bagong alaala, na maaaring makaapekto sa pag-aaral.

Kung walang sapat na tulog, hindi maaaring gumana ng maayos ang utak. Ito ay maaaring makapinsala sa iyong kakayahang tumutok, mag-isip nang malinaw, at magproseso ng mga alaala.

Ang utak ay umaasa sa koneksyon at neuronal responsiveness upang gumana nang maayos. Posible na ang hindi gaanong seryosong chronic sleep loss ay magdulot ng:

  • Pinsala at pagkamatay ng neurons sa utak
  • Makapinsala sa pag-andar at pagtakbo ng utak
  • Makasira sa connectivity ng utak

Pagkawala ng sex drive

Sinasabi ng mga sleep experts na isa sa masamang epekto ng laging puyat ang pagkawala ng sex drive o libido. Itinuturong dahilan nito ang pagkaubos ng enerhiya, pagkaantok, at pagtaas ng tensyon. Mas nakakaapekto ito sa sekswal na kalusugan ng isang lalaking may sleep apnea  problema sa paghinga na nakakaapekto sa pagtulog.

Ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa Journal of Clinical Endocrinology & Metabolism,  karamihan sa mga lalaking may sleep apnea ay mayroon ding mababang antas ng testosterone. 

Mabilis na pagkulubot ng balat at pagtanda

May mga taong nagsabi na nagkaroon sila ng puffy eyes at eye bags pagkatapos ng ilang gabing hindi nakatulog. Ngunit ang masamang epekto ng laging puyat sa balat ay maaaring mauwi sa pagkulubot at pagkatuyo nito. Kapag hindi ka nakakakuha ng sapat na tulog, ang iyong katawan ay naglalabas ng stress hormone na cortisol. Sa sobrang dami, maaaring sirain ng cortisol ang collagen ng balat, ang protina na nagpapanatili sa balat na makinis at nababanat.

Diagnosis ng masamang epekto ng pagpupuyat 

Sinasabi ng mga espesyalista sa pagtulog na ang isa sa mga palatandaan ng kawalan ng tulog ay ang pagkaramdam ng antok sa araw. Kung madalas kang makatulog sa loob ng 5 minuto ng paghiga, malamang na mayroon kang matinding kakulangan sa tulog. Kung nakakaranas ka nito, magpatingin sa iyong doktor o humingi ng referral sa isang espesyalista sa pagtulog.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Here’s What Happens When You Don’t Get Enough Sleep (and How Much You Really Need a Night)

Kasalukuyang Version

07/11/2024

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Para Saan ang Melatonin at Ano Ito?

Ano ang Sleep Apnea at ang Iba't-ibang Uri Nito


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement