Marami ang curious kung nakakataba ba ang pagpupuyat dahil marami sa atin ang conscious pagdating sa usaping “taba” at “timbang.” Bukod pa rito, napakaraming tao rin na gising sa gabi dahil sa nature ng kanilang trabaho na dapat nagpapahinga na. Kaya naman napakagandang masagot ang katanungan kung nakakataba ba ang pagpupuyat upang magkaroon tayo ng awareness sa mga bagay na hindi natin dapat gawin na makakasama sa’ting kalusugan.
Basahin ang artikulong ito upang malaman ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa pagtaba ng tao sa pagpupuyat.
Ang sobra at madalas na pagpupuyat ay hindi maganda para sa ating kalusugan. Ayon sa mga eksperto, pwedeng makaapekto ito sa ating overall health at development.
Narito ang mga sumusunod na masamang epekto ng pagpupuyat:
- Nagiging madali ang pagkapit ng mga sakit
- Paghina ng immune system
- Pagtaas ng presyon ng dugo
- Sakit sa puso
- Stroke
- Iregular na heartbeat
- Diabetes
- Pagiging slow o mabagal mag-isip
- Pagkakaroon ng kahirapan sa pagpopokus
- Pagtaas ng tyansa na pagkakaroon ng behavioral at academic problems
- Pagkabalisa
- Mood-related problems
- Depresyon
- Pagtaas ng tyansa na mag-commit ng suicide
- Pananakit sa sarili
Nakakataba ba ang pagpupuyat?
Ayon sa isang board certified expert sa pediatric sleep na si Jessica Brown, ang pagpupuyat ay maaaring magresulta ng pagtaba ng isang tao at maging sanhi ng obesity. Kung saan ang pahayag ni Jessica Brown ay naging tugma sa lumabas na pag-aaral mula sa Northwestern Medicine, na ayon sa pananaliksik ang pagpupuyat ay pwedeng maglagay sa isang tao sa risk ng pagtaba dahil sa pagtaas ng cravings sa pagkain ng maraming calories.
Ang paliwanag ng mga eksperto rito kung bakit nakakataba ang pagpupuyat ay dahil habang nanatiling gising ang isang tao, mas lalong tumataas ang tyansa na makaramdam sila ng gutom na dahilan para maisipan at gustuhin nilang kumain nang kumain.
“The extra daily calories can mean a significant amount of weight gain – two pounds per month – if they are not balanced by more physical activity,” pahayag ng co-lead author na si Kelly Glazer Baron, isang health psychologist at neurology instructor sa Northwestern University Feinberg School of Medicine.
Ayon pa sa pag-aaral maraming pagkakataon na ang mga option na pagkain lamang na available sa panahon ng pagpupuyat ay hindi healthy gaya ng soft drinks at iba pa. Kaya naman hindi nagiging balanse ang diet at nauuwi sa pagtaas ng timbang ng isang indibidwal.
[embed-health-tool-bmi]
Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na tulog?
Lagi mo dapat tandaan na mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na tulog para sa pagbuti ng ating kalusugan, at narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit mahalaga ito:
- Napapalakas ang ating immune system
- Nabibigyan ang ating katawan na makapagpahinga at relax
- Naiiwasan ang anumang medikal na problema at sakit
- Nagiging handa ang ating katawan para sa paggawa ng mga gawain at aktibidad sa umaga
- Mas nagiging mabilis ang ating recovery kung tayo ay nagpapagaling mula sa isang sakit
- Nagiging mas klaro ang ating pag-iisip dahil hindi tayo gaanong aantukin sa umaga
Key Takeaways
Kung gaano kahalaga ang ating pag-eehersisyo at diet, gano’n rin kahalaga ang pagtulog ng isang tao. Dahil ang pagtulog ay isa sa mga paraan ng ating katawan upang bumawi ng lakas at magpalakas. Lagi mo ring tatandaan na dapat mong iwasan ang pagpupuyat upang hindi makaranas ng mga mga sakit na pwede mong makuha dahil sa pagpupuyat. Pero kung sa iyong trabaho ay hindi maiiwasan ang pagpupuyat, ipinapayo sa’yo na magsikap pa rin na humanap ng oras ng pahinga at pagtulog para sa pagpapabuti ng kalagayan at iyong kalusugan. Maganda rin kung magpapakonsulta ka sa doktor. Doktor lamang ang makapagbibigay ng medikal na payo at diagnosis sa’yong sitwasyon.
Matuto pa tungkol sa Mabuting Pagtulog dito.