backup og meta

Sobra sa tulog? May masama ba itong epekto sa ating kalusugan?

Sobra sa tulog? May masama ba itong epekto sa ating kalusugan?

Maganda sa pakiramdam ang paggising mula sa masarap na tulog sa gabi. Dahil nakapagpahinga nang mabuti, maaaring harapin ang araw nang may malinaw na pag-iisip at masiglang katawan. Sa lahat ng magagandang epekto ng pagtulog, mas mabuti ba para sa mga tao ang sobra sa tulog? Narito kung paano nakakaapekto sa katawan ang sobrang tulog.

Paano Nakakaapekto sa Katawan ang Sobra sa Tulog

Ang pangangailangan sa pagtulog ay naiiba sa bawat tao. Gayunpaman, maraming mga eksperto ang nagrerekomenda na ang mga matatanda ay matulog ng 7 hanggang 9 na oras bawat gabi.

Kung regular na kailangan mo ng 8-9 na oras ng pagtulog bawat gabi para makaramdam ng pahinga, maaaring may problema.

Kung gaano nakakaapekto ang kakulangan sa tulog sa katawan, maaaring magkaroon din ng epekto sa ating kalusugan ang sobrang pagtulog. Magbasa pa upang malaman kung paano nakakaapekto sa katawan ang sobra sa tulog. 

Function ng Utak

Nagising ka na ba mula sa 12-oras na pagtulog at napansin mo na medyo malabo ang iyong isip? Iyon ay marahil dahil ang labis na pagtulog ay maaaring makaapekto sa ating cognitive function.

May isang pag-aaral ng mga researcher mula sa University College London Medical School Department of Epidemiology and Public Health. Ang data ay nakolekta mula sa higit sa 5,000 lalaki at babae na may edad na 35 hanggang 55.

Nagpakita na sa pagitan ng 7 hanggang 8% ng mga kalahok na natutulog nang higit sa 6 hanggang 8 oras sa isang gabi ay nakakuha ng mas mababang score sa cognitive function tests. Ito ay kaysa sa mga mas kaunti ang tulog. Sakop ng cognitive function tests ang bokabularyo, reasoning, at memorya.

Metabolism

Hindi natin maaaring pag-usapan kung gaano karaming pagtulog ang nakakaapekto sa katawan nang hindi tinatalakay ang epekto nito sa metabolismo.

Sa simpleng mga termino, ang metabolismo ay ang pangkalahatang proseso kung saan ang ating katawan ay gumagawa o pinipiraso ang mga substance para mag bigay enerhiya at mapagana ang iba’t ibang sistema ng katawan.

Isang pag-aaral na nagsuri ng data ng hindi bababa sa 130,000 lalaki at babae na may edad 40 hanggang 69 taong gulang. Nalaman na ang pagtulog nang wala pang 6 na oras bawat gabi ay maaaring maiugnay sa metabolic syndrome. Kapansin-pansin, nakita din ng mga mananaliksik ang link nito sa sobrang pagtulog (10 oras o higit pa).

Ang Metabolic Syndrome ay isang pangkat ng risk factors na maaaring magpapataas ng panganib na magkaroon ng mga sakit sa puso at iba pang mga problema sa kalusugan tulad ng diabetes at stroke.

Kapansin-pansin, nakita ng ilang pag-aaral ang mga link sa pagitan ng sobra sa tulog at diabetes, pati na rin ang stroke.

Diabetes

Kung paano nakakaapekto ang labis na pagtulog sa katawan ay maaaring makita sa isang mas mataas na risk para sa ilang mga kondisyon. Ito ay  tulad ng mas mataas na panganib ng diabetes.

Sa isang pag-aaral sa 9,000 Amerikano, nalaman ng mga mananaliksik na ang mga kalahok na natutulog nang higit sa 9 na oras ay may 50% na higit na panganib na magkaroon ng diabetes. Ito ay kumpara sa mga may 7 oras na pagtulog bawat gabi.

Hindi pa rin mahanap ng scientist ang isang matibay na koneksyon sa pagitan ng oversleeping at diabetes, ngunit may hinala sila. Posible na ang labis na pagtulog ay “nagpapahiwatig” ng isa pang health condition. Kaya nagiging sanhi ng mas nasa panganib ng diabetes.

May isa pang bagay na dapat tandaan. Ang mas mataas na panganib ay maaari ding makita sa mga taong natutulog nang wala pang 5 oras sa isang gabi.

Mga Sakit sa Puso at Stroke

Pagdating sa kung gaano nakakaapekto ang sobra sa tulog sa katawan, ang stroke ay isa pang alalahanin.

Sa isang pag-aaral na itinampok sa journal ng American Heart Foundation (AHA), nalaman ng mga mananaliksik na ang mga taong natutulog ng higit sa 10 oras bawat gabi ay 56% na mas nasa panganib na mamatay dahil sa stroke.

Bukod pa rito, ang mga kalahok na nasobrahan sa pagtulog ay 4% na mas nasa panganib na mamatay dahil sa cardiovascular diseases.

Sinuri ng pag-aaral na ito ng AHA ang 74 na pag-aaral na may higit sa 3 milyong kalahok.

Muli, ang matatag na koneksyon sa pagitan ng sobra sa tulog at stroke at mga sakit sa puso ay hindi pa na-establish.

Gayunpaman, iniisip ng mga siyentipiko na ito ay may kinalaman sa metabolic at endocrine function.

Fertility

Alam ng karamihan ang tungkol sa posibleng epekto ng kawalan ng tulog sa fertility. Pero ano nga ba ang tungkol sa sobra sa tulog?

Sinuri ng isang pananaliksik ang mga gawi sa pagtulog ng 650 kababaihan bago sumailalim sa pamamaraan ng IVF o ang in vitro fertilization. Nalaman nila na ang mga katamtamang natutulog ay may mas mataas na rate ng pagbubuntis kaysa sa mga natutulog nang higit sa 10 oras bawat gabi.

Timbang

Ngayon, talakayin natin kung paano nakakaapekto ang sobrang tulog sa timbang ng katawan.

Habang walang tiyak na koneksyon sa pagitan ng pagtaas ng timbang at labis na pagtulog, ang mga resulta ng isang pag-aaral ay nagpapakita na ang mga taong mas natutulog ay mas prone sa obesity. Ito ay kung ihahambing sa mga natutulog sa pagitan ng 7 hanggang 9 na oras bawat gabi.

Maaaring ipalagay na ang dahilan nito ay ang kakulangan ng ehersisyo. Ang isang taong mas natutulog ay may mas kaunting oras upang mag-ehersisyo.

Gayunpaman, tinitingnan din ng pag-aaral ang pisikal na aktibidad at hindi nagbago ang mga resulta. Bukod dito, kasama rin sa tiningnan ang food intake ng mga kalahok.

Mga Posibleng Dahilan ng Oversleeping

Kadalasan, nagigising tayo kapag nakapagpahinga na tayo. Sinasabi pa nga ng mga eksperto na kung mananatili tayo sa isang tiyak na iskedyul, madali tayong magising nang walang tulong ng alarm clock.

Tulad ng nabanggit kanina, kung regular na kailangan ng isang tao ang mas maraming oras upang matulog kaysa sa benchmark na 7 hanggang 9 na oras, maaaring may ilang mga problema.

Tandaan na alam natin kung gaano nakakaapekto ang sobra sa tulog sa katawan, ano ang sanhi nito?

  • Hypersomnia. Ang kondisyon na nagpapahirap sa isang tao na manatiling gising, ang hypersomnia ay ang kabaligtaran ng insomnia.
  • Obstructive Sleep Apnea. Ang isang taong may obstructive sleep apnea o OSA ay maaaring gumising maya’t maya sa isang gabi. Sa bawat paggising nila, nahihirapan silang huminga. Ang nangyayari ay kapag sila ay natutulog, ang kanilang muscles sa lalamunan ay nagre-relaks, nagko-collapse ang mga tisyu at humaharang sa daanan ng hangin. Sa kabilang banda, maaari ding mangyari ang OSA kapag lumalaglag ang dila sa lalamunan, na humaharang sa daanan ng hangin.
  • Bruxism. Ito ay isang kondisyon kung saan ang tao ay nagngangalot ng kanilang mga ngipin habang natutulog.
  • Restless leg syndrome. Ito ay isang brain disorder. Nagdudulot ito sa isang tao ng napakalaki at kung minsan ay hindi komportableng urge na igalaw ang kanilang mga binti habang sila ay nagpapahinga.

Mahalagang unawain na depende sa sanhi kung paano nakakaapekto ang sobra sa tulog. Kung may alinman sa mga kondisyon sa itaas, huwag mag-atubiling humingi ng medikal na tulong.

Key Takeaways

Wala pa ring tiyak at matibay na data kung gaano nakakaapekto sa katawan ang sobra sa tulog. Ngunit ang mga pag-aaral na naka-highlight sa itaas ay mahirap balewalain. Kung naghihinala ka na ang isang underlying condition ay nagiging sanhi ng labis na pagtulog mo, kumunsulta sa iyong doktor.

Sa kabilang banda, kung hindi ka naghihinala ng anumang medikal na isyu, subukang i-manage ang labis na pagtulog sa pamamagitan ng pagtatakda at pagsunod sa iyong iskedyul at pag-iwas sa mahabang naps sa hapon.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Are you tired from…too much sleep?
https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/are-you-tired-from-too-much-sleep
Accessed July 10, 2020

The Effects Of Oversleeping On Your Health
https://www.sleepclinicservices.com/effects-of-oversleeping
Accessed July 10, 2020

Metabolic Syndrome
https://www.nhlbi.nih.gov/health-topics/metabolic-syndrome#:~:text=Metabolic%20syndrome%20is%20the%20name,in%20the%20body’s%20normal%20functioning.
Accessed July 10, 2020

Physical Side Effects of Oversleeping
https://www.cbsnews.com/news/physical-side-effects-of-oversleeping/
Accessed July 10, 2020

How Excessive Sleep Can Affect Your Metabolism
https://www.sleepfoundation.org/articles/how-excessive-sleep-can-affect-your-metabolism
Accessed July 10, 2020

The Surprising Risks of Sleeping Too Much
https://www.psychologytoday.com/us/blog/sleep-newzzz/201901/the-surprising-risks-sleeping-too-much
Accessed July 10, 2020

Kasalukuyang Version

11/30/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Tamang Oras Ng Pagtulog? Narito Ang Sagot Ni Dr. Willie Ong!

Pagtulog Ng Walang Underwear: Top 5 Benefits Para Sa Iyo!


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement