Ang pagkakaroon ng katuwang sa buhay ay isang “blessing”. Kaya malaking hamon ang pagharap sa stress ng single parent. Hindi biro ang mga responsibilidad at tungkulin sa tahanan at mga anak. Lalo na kung mag-isa ka — at walang asawa at kasama na masasandalan sa mga pagsubok.
Mula sa pagharap sa financial problem, pagpapalaki ng anak at pagsasaayos ng mga bagay-bagay sa tahanan, masasabing hindi madali ang pagtugon sa mga pangangailangan — at stress na kaakibat nito. Sapagkat, pwedeng maging nakakapagod at masalimuot ito para sa isang single parent.
Ngayon, sa artikulong ito pag-usapan natin ang mga stress na kinakaharap ng single parent. Maging ang mga tips na pwedeng gawin ng solong magulang para harapin ang mga ito.
Basahin at matuto dito.
Hindi Ka Nag-iisa
Ayon sa Australia Bureau of Statistics (ABS), lumabas noong Hunyo 2021 sa kanilang statistics na 1 sa 7 pamilya ay mayroong “one parent families”. Ito’y nasa 15% o 1.1 million — at 79.8% mula dito ang single mother. Habang sa United States, karaniwang tumataas ang single-parent families.
Saan Karaniwang Nanggagaling Ang Stress Ng Single Parent?
Maaaring maging solo parent ang isang tao sa iba’t ibang factor at dahilan tulad ng pakikipaghiwalay o pagkamatay ng asawa. Ayon sa artikulong nailathala sa American Psychological Association, ito ang mga sumusunod na dahilan ng stress ng single parent:
- Pagnanais ng solong magulang na makipagrelasyon muli.
- Visitation at custody problems.
- Kawalan ng oras sa bonding at pagsasama ng anak at magulang.
- Mga hindi magandang epekto ng paghihiwalay sa school performance at peer relations ng anak.
- Epekto ng patuloy na alitan sa pagitan ng dating magkarelasyon
- Disruptions ng extended family relationships.
Kinakailangan din na maka-adjust ng single parent sa kanilang sitwasyon. Maging sa iba’t ibang aspeto ng buhay, gaya ng pag-handle ng mga sumusunod dahil maaari din itong maging factor sa stress ng single parent.
- financial problem
- health care
- childcare
- household chores
- introduksyon sa bagong parental figures
- co-parenting issues
- paraan ng pagtanggap sa pagkawala o pagkamatay ng asawa
Narito naman ang mga sumusunod na emosyon na pwedeng maramdaman ng isang solong magulang batay sa artikulong nailathala sa The Australian Parenting Website:
- Galit
- Kalungkutan
- Pighati o grief
- Frustration
- Takot
- Pagkagulat
- Pagkakasala o guilt
- Pagkahiya o shame
Ang lahat ng mga nabanggit ay normal lamang na maramdaman ng single parent. Partikular na kung bago pa lang siya sa pagiging solong magulang. Ngunit, sa ibang mga pagkakataon — maaaring makaramdam ng kaginhawaan o relief ang isang tao sa pagiging single parent, dahil pwede silang maging “hopeful” at “excited” sa kanilang bagong buhay. Sinasabi na ang ilan sa mga bagong single parent ay nakaramdam ng kalayaan. Mula sa hidwaan at stress sa pakikipag-ayos sa kapareha.
Mga Tips Sa Pagharap Ng Stress Ng Single Parent
Narito ang ilang mga payo na maaaring i-aplay ng mga single parent. Para matagumpay nilang maharap ang stress na dala ng pagiging solong magulang. Mula sa iba’t ibang artikulong at payo ng mga doktor at eksperto:
Humingi ng suporta
Maaari maging “lifelines” ng single parent ang kanilang pamilya at mga kaibigan. Mas mainam kung makikipag-usap sila sa ibang tao. Pwedeng subukan ng solong magulang na makipag-usap sa mga indibidwal na kapareha ng kanyang kalagayan para makakuha ng emotional support.
Sikaping mag-isip ng positibo para sa kinabukasan
Payagan ang sarili na patuloy na pangarap. Magdebelop ng bagong goals para sa anak at sarili dahil makakatulong ito para mas maging malinaw ang iyong rason sa pagpapatuloy. Mag-set ng realistic goals.
Magpokus sa kalakasan ng sarili
Mas mararamdaman ng single parent ang kalakasan ng loob. Kung matutunan nilang i-recognize ang kanilang kalakasan. Magandang alalahanin ang mga pagsubok na nalagpasan noon at isipin ang bagay na lubos na maipagmamalaki.
Alamin ang tamang pag-handle sa finances o gastos
Para mabawasan ang stress ng single parent pagdating sa usaping pera. Mainam na matutunan o makaisip ng mahusay na paraan paano i-manage ang finances. Ang simpleng pagtukoy sa kung ano ang dapat bilhin sa hindi ay malaking bagay na. Para makontrol ang gastusin sa bahay at pamilya.
Paglalaan ng oras sa pamilya at sa sarili
Totoong maaari na maging overwhelming ang pagiging single parent. Kaya makakatulong kung maglalaan ng oras ang solong magulang para makasama ang anak. Pwede ring gawin ang mga bagay na pinapangarap at mga hilig. Ang pag-aalaga sa sarili ay makakatulong upang mas gabayan ang mga anak.
Huwag maging malupit sa sarili
Hindi dapat laging sisihin ng single parent ang kanilang mga sarili. Kapag may mga bagay silang hindi magawa para sa pamilya. Maging mabuti sa sarili at i-acknowledge na ang lahat ng bagay ay nagdadaan sa proseso.
Tandaan na may sarili kang desisyon
Maraming bagay na hindi kontrolado ang tao. Subalit, bilang solong magulang may kakayahan pa rin sila na gumawa ng sariling mga desisyon. Kahit wala na ang kanilang kapareha. Pwedeng piliin ng single parent na maging positibo at supportive people. Makikita na ang mga pagpipilian na ito ay may malaking impact sa kanilang magiging damdamin.
Kumuha o maglaan ng oras para makapag-adjust
Maganda kung bibigyan ng panahon ng single parent ang sarili na makapag-adjust. Lalo’t hindi madali ang transition ng mga pagbabago dahil iba ang bigat at responsibilidad kapag solo parent na ang isang tao. Mainam na iproseso ng solong magulang ang mga kaganapan sa kanilang buhay — at tanggapin ang bagay na dapat para makapag-adjust. Sapagkat, makakatulong ito sa kanilang pagsisimula at pagpapatuloy sa buhay.
Key Takeaways
Sa oras din na makakaramdam ng pagkabalisa na nakakasagabal na sa pang-araw-araw na pamumuhay, maganda na magpakonsulta na sa doktor para sa medikal na payo at diagnosis na kailangan upang matugunan ang anumang pangangailangan.