backup og meta

11 Na Senyales Ng Burnout Sa Trabaho Na Dapat Mong Malaman!

11 Na Senyales Ng Burnout Sa Trabaho Na Dapat Mong Malaman!

Ang burnout sa trabaho ay isang uri ng stress na may kaugnayan sa trabaho. Ito’y isang estado ng physical o emotional exhaustion na kinabibilangan din ng pakiramdam ng pagkawala ng personal na pagkakakilanlan at tagumpay. Maaaring ma-burnout ang isang tao kapag nakakaranas siya ng stress sa kanyang working place loob ng mahabang panahon. 

Kapag hindi matutugunan, ang pagka-burnout ng isang indibidwal, pwedeng maging mahirap para sa kanya ang mag-function bilang tao. Para maiwasan ito mahalaga na alamin ang mga pisikal at mental na senyales ng burnout sa trabaho, mga factor na maaaring magpataas ng iyong risk, at ilang mga paraan paano harapin ang pagka-burnout.

Kaya naman patuloy na basahin ang article na ito.

May senyales ba ko ng burnout sa trabaho?

Ayon sa World Health Organization (WHO) ang pagka-burnout ng empleyado ay isang problema. Maaari kasi silang makaramdam ng pagkaubos ng enerhiya o pagkahapo, pag-unlad ng mental distance mula sa trabaho ng isang empleyado, o negatibo at mapang-uyam na damdamin sa trabaho. Ang mga damdamin na ito ay pwedeng maging factor para mabawasan ang professional efficiency at productivity ng isang indibidwal.

Bukod pa rito, ang mga stressor mula sa trabaho na nagdudulot ng pagka-burnout ay maaaring makaapekto sa buhay ng isang tao sa iba’t ibang paraan. Pwedeng magkaroon ng ilang posibleng sintomas ng pisyolohikal at sikolohikal na nakakaapekto sa kalidad ng pamumuhay ng isang indibidwal.

Ang pag-recognize sa mga senyales ng burnout sa trabaho ay makakatulong para mas maunawaan mo kung ang stress na iyong nararanasan ay nakakaapekto na ba sa iyo sa negatibong paraan. 

Narito ang mga senyales ng burnout sa trabaho, ayon sa nirebyung medikal na article ni Amy Morin, LCSW:

Physical burnout symptoms

  • gastrointestinal problems
  • altapresyon o high blood pressure
  • mahinang immune function (mas madalas magkasakit)
  • paulit-ulit na pananakit ng ulo
  • fatigue
  • mga isyu sa pagtulog
  • mga isyu sa konsentrasyon

Mental burnout symptoms

  • malungkot na pakiramdam
  • pakiramdam na wala kang halaga
  • pagkawala ng interes o kasiyahan
  • suicidal ideation
  • fatigue

Bakit nga ba nabu-burnout ako?

Tandaan mo na ang burnout ay isang reaksyon sa matagal o matagal na job stress. Ito ay nailalarawan sa pamamagitan ng tatlong pangunahing dimensyon: 

  • pagkahapo
  • Pangungutya o cynicism (mas kaunting pagkakakilanlan sa trabaho)
  • pakiramdam ng pinababang propesyonal na kakayahan

Ibig sabihin lang nito kung sa tingin mong pagod na pagod ka na sa trabaho, at nagsisimula ka na kamuhian ang iyong trabaho, at mawalan ng gana sa iyong ginagawa— maaaring burnout ka na. Maraming factors din ang pwedeng maka-contribute sa pagka-burnout mo sa trabaho— at ayon sa Mayo Clinic narito ang mga sumusunod na factors:

  • mayroon kang mabigat na workload at mahabang oras ng pagtratrabaho
  • nahihirapan ka sa pagwo-work-life balance
  • nagtatrabaho ka sa isang “helping profession”, tulad ng health care
  • pakiramdam mo ay kakaunti o wala kang kontrol sa’yong trabaho

Paano ko pwedeng harapin ito?

Narito ang ilang tips na pwede mong gawin para harapin ang burnout sa trabaho:

  • mag-explore ng less stressful position o gawain sa loob ng iyong kumpanya.
  • magpahinga ng regular
  • matuto ng meditasyon o iba pang mindfulness techniques
  • talakayin ang mga problema sa trabaho sa company’s human resources ng iyong kumpanya o sa supervisor ninyo
  • magbakasyon kung kinakailangan
  • magkaroon ng healthy diet
  • mag-ehersisyo
  • magsanay ng malusog na gawi sa pagtulog

Payo ng mga doktor

Kapag nakakaranas ka ng mga senyales ng burnout sa trabaho at naghihinala ka na may kondisyon ka sa kalusugan ng isip gaya ng depression, humingi agad ng professional treatment sa eksperto. Ang pakikipag-usap sa isang mental health professional ay makakatulong sa iyo na matuklasan ang mga strategies na kailangan mo, para matamang harapin ang pagka-burnout sa iyong working place o trabaho. Huwag ka ring mahihiya sa pagpapakonsulta sa eksperto, dahil isa itong mahusay na hakbang para mapangalagaan ang sarili.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Job burnout: How to spot it and take action, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/in-depth/burnout/art-20046642 Accessed May 9, 2023

Strategies used by individuals to prevent burnout, https://onlinelibrary.wiley.com/doi/10.1111/eci.12494 Accessed May 9, 2023

Examining reactivity patterns in burnout and other indicators of chronic stress, https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0306453018311569?via%3Dihub Accessed May 9, 2023

Burnout–depression overlap: A review, https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0272735815000173?via%3Dihub Accessed May 9, 2023

Mediating Effect of Burnout on the Association between Work-Related Quality of Life and Mental Health Symptoms, https://www.mdpi.com/2076-3425/11/6/813 Accessed May 9, 2023

Chronic Stress, https://www.yalemedicine.org/conditions/stress-disorder Accessed May 9, 2023

Motivational Incongruence and Well-Being at the Workplace: Person-Job Fit, Job Burnout, and Physical Symptoms, https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fpsyg.2016.01153/full Accessed May 9, 2023

Understanding the burnout experience: recent research and its implications for psychiatry, https://onlinelibrary.wiley.com/doi/10.1002/wps.20311 Accessed May 9, 2023

How to Douse Chronic Workplace Stress Before It Explodes into Full Burnout, https://www.shrm.org/resourcesandtools/hr-topics/people-managers/pages/how-managers-prevent-workplace-burnout.aspx#:~:text=Workplace%20stress%20can%20cause%20mental,%2C%20can%20lead%20to%20burnout.%22 Accessed May 9, 2023

Work Burnout Signs: What to Look for and What to Do about It, https://www.bu.edu/articles/2022/work-burnout-signs-symptoms/ Accessed May 9, 2023

Beating Burnout, https://hbr.org/2016/11/beating-burnout Accessed May 9, 2023

Sign of Burnout, https://ada.com/signs-of-burnout/ Accessed May 9, 2023

 

Kasalukuyang Version

06/13/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Iwas-Budol Tips Na Maaari Mong Gawin Para Makaiwas Sa Scammers!

Paano Mabuhay Nang Tama: Hindi Kailangang Laging Masaya


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement