backup og meta

Problema Sa Pag-iisip, Bakit Ikinahihiya Sa Pilipinas?

Problema Sa Pag-iisip, Bakit Ikinahihiya Sa Pilipinas?

Madalas na ikinahihiya sa Pilipinas ang pagkakaroon ng problema sa pag-iisip. Talamak pa rin ang stigma tungkol dito. Ngunit sa mga nakalipas na taon, nagkaroon ng tuluy-tuloy na pag-unlad tungo sa totoo at pangmatagalang pagbabago.

Dahan-dahan, ang pagtatangi o culture of prejudice. Laban sa mga na-diagnose na may sakit sa pag-iisip ay nagkakaroon na ng pagtanggap at pag-unawa.

Nakikita din natin kung gaano karaming espasyo ang nagbubukas sa lipunang Pilipino. Para sa malusog na pag-uusap. Ang bawat kuwento ay dahan-dahang binabaligtad ang pakiramdam ng pagkahiya at mas prino-promote ang pakikipag-interaksyon.

Ang recent legislation ay sumusuporta sa long overdue changes. Noong 2018, pagkatapos ng halos 20 taon sa Kongreso, nilagdaan bilang batas ang Mental Health Bill (Republic Act No. 11036). Pinagtitibay nito ang kalusugang pangkaisipan bilang pangunahing karapatang pantao sa Pilipinas.

Pinangalanan ng DOH ang Depresyon bilang isang Malubhang Kondisyon sa Kalusugan

Itinuturing ngayon ng Department of Health (DOH) ang depression bilang isang seryosong kondisyon sa kalusugan.

Masasabi na isa itong nakakapanatag na pag-unlad. Lalo na kung ikokonsidera na higit sa 3 milyong Pilipino ang nabubuhay nang may ilang uri ng depresyon.

Sa katunayan, ang depresyon ay naging kasing laganap ng karaniwang sipon. Kung saan ang mga nasa risk nito ay ang young Filipino adults (edad 18-34). Walo sa bawat 100,000 Pilipino ang namamatay sa pamamagitan ng pagpapatiwakal. Ang mga kasong ito ay kadalasang kinasasangkutan ng mga lalaking Pilipino sa pagitan ng edad na 15 at 29.

Pagdating naman sa pag-overcome ng stigma ng sakit sa pag-iisip sa Pilipinas. Tayo naman ay nalalapit na sa tuktok ng tunay na tagumpay. Ngunit para mas maisalarawan ang mga posibilidad, kailangan muna nating lingunin kung saan nagsimula ang lahat.

Ang Pinagmulan ng Stigma ng Problema sa Pag-iisip sa Pilipinas

Para mas maunawaan ang stigma ng mental illness sa Pilipinas. Kailangan muna nating ikonsidera ito sa konteksto ng kultura at kasaysayan ng bansa.

Ipinagmamalaki ng mga Pilipino ang pagiging mapagmatiis. Ang culture of resilience ay binigyang kahulugan sa pamamagitan ng abilidad ng mga Pilipino. Sa pag-adapt at pagharap nang maayos at madalas sa napakatinding “trahedya, kahirapan, trauma.” Tulad ng mga natural na sakuna at kaguluhang sosyo-ekonomiko. Kung saan ito ang madalas nagiging pangunahing sanhi ng stress at pagkabalisa ng mga henerasyon.

Nakikita ng historian na si Jose Canoy ang Filipino resilience bilang defense mechanism. At sa pag-aakala ng marami dahil ito sa kawalan ng pagpipilian. Kaya naging karaniwan na ang pagsasanay na lutasin ang mga problema nang mag-isa. Maging ang pagmamaliit sa mga isyu sa mental health—sariling karanasan man ito o ng isang taong malapit sa atin.

Ang lokal na wika ay sumasalamin sa mga limitasyong ito. Makikita na catch-all na salitang “baliw” (baliw) ay kadalasang ginagamit. Para tumukoy sa halos lahat ng kondisyon ng kalusugan ng isip sa spectrum.

Sa mas aspeto— ang stigma ng problema sa pag-iisip sa Pilipinas ay dala ng kakulangan ng pampublikong edukasyon sa kalusugan. Hanggang ngayon, mayroon pa ring mga tao na hindi pa ganap na pinag-aralan ang mga ito. Tulad ng tungkol sa mga pagkakaiba ng bipolar disorder o schizophrenia.

Ngunit sa pamamagitan ng higit pang mga programa ng kamalayan sa kalusugan ng isip sa mga paaralan at sa lugar ng trabaho. Ang mga pagkiling sa lipunan at kultura tungkol sa problema sa pag-iisip ay dahan-dahang nawawala. Para magbigay daan para sa kamalayan at pag-unawa.

Mga Karaniwang Sagabal sa Paghahanap ng Pangangalaga sa Pilipinas

Ayon sa ulat ng Gallup 2019 Global Emotions, ang Pilipinas ay isa sa mga pinaka-emosyonal na bansa sa mundo.

Kahit na ang culture of catharsis na ito ay maaaring tingnan bilang kapaki-pakinabang. Para sa mga nakikibaka sa mga isyu sa kalusugan ng isip. Maaari pa rin ito maging hadlang sa pagpapahayag.

Bakit? Dahil ang mga nagdurusa sa mental health issues ay humihingi ng tulong sa pamilya at mga kaibigan o basta na lang umuurong. Nang hindi isinasaalang-alang ang propesyonal na tulong.

Kapag nagpasya ang isang tao na buksan ang tungkol sa mental at emosyonal na mga pakikibaka. Karamihan ay itinatakwil ang kanilang mga kondisyon bilang bagay na madaling malutas. Kadalasang ginagawa ito sa pamamagitan ng relihiyon o simpleng pakikisalamuha.

Ang iba ay maaari ding gumawa ng madaliang paglalahat. Kung saan ito ay nagsasabi na ang isang taong may problema sa pag-iisip ay hindi maaaring gumana ng maayos sa lipunan. At ang tanging pagpipilian para sa kanila ay tumuon sa isang institusyong pangkaisipan.

Ang presyo ng therapy sa Pilipinas ay nagiging isa pang balakid. Dahil ang pagkakaroon ng propesyonal na tulong ay magastos. At nangangailangan ng ilang libong piso. Masasabi na ang karaniwang therapy session sa isang pribadong ospital ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang P2,000.

Gayunpaman, ang mga hadlang na ito ay tinutugunan na ngayon. Dahil kinikilala ng gobyerno ang pagsira sa stigma ng problema sa pag-iisip sa Pilipinas. Kung saan sinasabi na isa itong matinding pangangailangan.

Kaya ang kamakailang lamang ang Philippine Mental Health Law ay nagpabuti ng access sa mga serbisyo sa kalusugan ng isip. Saklaw na ngayon ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ang confinement, checkup, at gamot para sa mga pasyente ng mental health.

Paano Natin Malalampasan ang Stigma ng Problema sa Pag-iisip sa Pilipinas?

Tinatantya ng World Health Organization (WHO) na 1 sa 4 na tao sa buong mundo ang nakakaranas ng mental o neurological disorder sa buong buhay nila.

Sa kasalukuyan, 450 milyong tao ang dumaranas ng mga sakit sa pag-iisip. Sa isang punto sa ating buhay, tayo o isang taong pinapahalagahan natin ay malamang na makaranas ng ilang uri ng problema sa isip.

Walang magdamag na solusyon para masira ang stigma ng sakit sa pag-iisip sa Pilipinas. Ngunit maaari tayong magsimula sa pamamagitan ng paggawa ng mga hakbang tungo sa pagbabago. Sa pamamagitan ng sarili nating mga pakikipag-ugnayan sa loob ng ating social circles.

Ang kulturang Pilipino ay tinukoy bilang pagiging bukas. Kaya’t maaari itong isalin sa kung paano tinatrato ang mga isyung panlipunan. Tulad ng kakulangan ngkamalayan sa kalusugan ng isip. Maaari tayong magsimula sa pamamagitan ng pagkilala sa iba’t ibang antas at malawak na spectrum ng mga sakit sa pag-iisip. At kung paano ito naiiba sa bawat tao.

Makikita na ang mental health ng isang tao ay tinutukoy ng ilang mga partikular na katangian. Gaya ng biology, karanasan, at trauma.

Makikita na ang pagsira sa stigma ng sakit sa pag-iisip sa Pilipinas ay maaaring magsimula ng pagtingin sa kanilang kondisyon ng higit pa. Dapat nating hikayatin ang isa’t isa na sabihin ang ating katotohanan. At lumikha ng isang kultura na naghihikayat sa pag-uusap nang walang kahihiyan.

Paano Suportahan ang Isang May Sakit sa Pag-iisip

Kung hindi ka sigurado kung saan magsisimula. Narito ang ilang mga tip sa pagsuporta sa isang mahal sa buhay na may sakit sa isip, ayon sa Mental Health Foundation UK:

  • Lumikha ng isang ligtas na espasyo. Hayaan silang magbahagi nang walang paghuhusga o distractions. Itabi mo ang iyong cellphone. I-clear ang iyong iskedyul para ipaalam sa kanila na pinahahalagahan mo ang pribilehiyo ng pag-uusap na ito.
  • Hayaan silang tukuyin ang bilis o pace ng pag-uusap. Huwag magmadali o pilitin silang magbahagi ng higit pa sa gusto nila. Maging matulungin lamang sa kanilang mga pahiwatig. Huminto o mag-pause kung kinakailangan.
  • Huwag subukang ayusin agad ang mga bagay. Kahit na nakakaakit na magbigay ng iyong sariling opinyon. Iwasang gumawa ng mga pagpapalagay o paglalahat. ‘Wag subukang ayusin ang mga ito. Nandoon ka lang para sa kanila at ipadama na nandiyan ka.
  • Magtanong ng mga bukas na tanong. Ito ay magpapahintulot sa kanila na magbahagi, sa kanilang sariling mga salita. Hinahayaan din nitong malayang dumaloy ang pag-uusap. Ang mas kaunting pressure, mas mabuti.
  • Makinig nang mabuti. Kahit na hindi ka sumasang-ayon sa ilang mga bagay. Huwag tanggihan ang mga ito. Iparamdam na nauunawaan mo ang mga ito, o subukang unawain sila.

Key Takeaways

Kung sa tingin mo ay hindi pa sila handang makipag-usap, huwag mo itong masamain. Maging handa lamang na mag-alok ng suporta. At ituro sila sa mga tamang mapagkukunan sa mas malalang kaso, gaya ng krisis sa kalusugan ng isip. Bigyan lamang sila ng kapangyarihan sa pagpili.
Ang pagpapanday ng landas tungo sa pag-unawa ay nangangailangan ng oras. At anumang pangmatagalang pagbabago sa lipunan ay nangangailangan ng pasensya. Nangangahulugan ito na ang pagsira sa stigma ng problema sa pag-iisip sa Pilipinas sa bawat antas. Mula sa pinakamataas na antas ng pamahalaan hanggang sa mga yunit ng lokal na pamahalaan. hanggang sa pinakapangunahing yunit ng lipunan, na ang pamilya.
Ang pag-break sa stigma ay isang tuluy-tuloy na siklo ng pagpapataas ng kamalayan. Ngunit nagbibigay din ng inspirasyon sa pakikiramay at empathy.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Is there anything wrong with accepting ‘resilience’ as a Filipino trait https://cnnphilippines.com/life/culture/2019/03/04/Jose-Raymund-Canoy-interview.html Accessed 19 May 2020

Gallup 2019 Global Emotions Report https://www.gallup.com/analytics/248909/gallup-2019-global-emotions-report-pdf.aspx?utm_source=report&utm_medium=email&utm_campaign=GlobalEmotionsReport_042519&utm_content=DownloadReport_CTA_1&elqTrackId=77860c0e086d4aecbb1df469374427c8&elq=22e8ef4d8cfd4f7cb766a775b624ae4f&elqaid=1326&elqat=1&elqCampaignId Accessed 19 May 2020

The Journey of Developing Resilience by Children and Adolescents https://www.academia.edu/10824423/The_Journey_of_Developing_Resilience_by_Children_and_Adolescents Accessed 19 May 2020

Republic Act No. 11036 https://www.officialgazette.gov.ph/2018/06/20/republic-act-no-11036/ Accessed 19 May 2020

3.3 Million Pinoys Suffer From Depression https://www.philstar.com/headlines/2019/08/29/1947360/33-million-pinoys-suffer-depression Accessed 19 May 2020

Mental Health Resources http://www.silakbo.ph/help/ Accessed 19 May 2020

The Psychology of the Filipino: Navigating the Difficult Conversation of Mental Health www.asianjournal.com/usa/dateline-usa/the-psychology-of-the-filipino-navigating-the-difficult-conversation-of-mental-health/ Accessed 19 May 2020

How To Support Someone with a Mental Health Problem https://www.mentalhealth.org.uk/publications/supporting-someone-mental-health-problem Accessed 19 May 2020

 

 

Kasalukuyang Version

03/29/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Iwas-Budol Tips Na Maaari Mong Gawin Para Makaiwas Sa Scammers!

Paano Mabuhay Nang Tama: Hindi Kailangang Laging Masaya


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement