Mahalagang malaman ang pinagkaiba ng clinical at situational depression. Dahil habang nilalabanan ng tao ang pandemya, dumarami ang bilang ng experts ang nananawagan para sa mental health awareness.
Sa pagsailalim ng mga tao sa lockdown o quarantine, ang kakulangan ng pisikal at panlipunang pakikipag-ugnayan ay nakakaapekto sa kanila sa iba’t ibang paraan. Isa sa mga resulta ay depresyon. Alamin ang higit pa tungkol sa iba’t ibang uri ng depression dito, kabilang ang pinagkaiba ng clinical at situational depression.
Ano Ang Depresyon?
Ayon sa World Health Organization (WHO) ang depresyon ay nakakaapekto sa mahigit 264 milyong tao sa buong mundo.
Ito ay itinuturing na isang karaniwang sakit sa pag-iisip na may mga sumusunod na karaniwang sintomas:
- Mga kalungkutan na maaaring tumagal ng mahabang panahon
- Biglaang kawalang-interes sa mga aktibidad na dati ay kasiya-siya o rewarding
Ang depresyon ay maaaring humantong sa iba pang mga iregularidad tulad ng:
- Kulang sa tulog o disturbed sleep
- Walang gana kumain
- Hindi maipaliwanag na pagod
- Mahinang konsentrasyon
Dahil sa mga sintomas na ito, ang depresyon ay maaaring makaapekto sa kakayahan ng isang tao na mag-function nang normal. Sapagkat ang depresyon ay maaaring tumagal ng mahabang panahon, ang mga epekto nito ay maaari ding maging pangmatagalan. Maaari pa nga itong maulit pagkatapos mawala ng ilang panahon.
Maraming kadahilanan ang maaaring mag-ambag sa depresyon. Laging tandaan, ang mga dahilan na ito ay magkakaiba para sa bawat indibidwal. Ang trauma ng pagkabata, kawalan ng trabaho, paghihiwalay, o mga alalahanin sa pananalapi ay maaaring magdulot ng depresyon. Maaari din naman ang mga sanhi ay biyolohikal, panlipunan, o sikolohikal.
Mayroong ilang mga uri ng depresyon. Ano ang clinical depression kumpara sa situational depression? Bago natin tingnan ang kanilang mga pagkakaiba, suriin natin ang bawat isa nang mas detalyado.
Ano Ang Clinical Depression?
Ang isa sa pinagkaiba ng clinical at situational depression— ay ang klinikal na depresyon ay mas karaniwang kilala bilang chronic o major depression. Gaya ng ipinahihiwatig ng mga alternatibong pangalan, ang ganitong uri ng depresyon ay maaaring maging paulit-ulit. O maaari itong mangyari nang isang beses lamang ngunit sa isang seryosong paraan. At kapag ang depresyon ay na-trigger, ang pangkalahatang mood ng isang tao ay naghihirap.
Tandaan na ang specific types ng depresyon ay nasa ilalim din ng kondisyong ito:
- Persistent depressive disorder – isa itong depressed mood na maaaring tumagal ng hindi bababa sa dalawang taon.
- Postpartum depression – matinding kalungkutan na maaaring maranasan ng mga ina na kapapanganak pa lang.
- Seasonal affective disorder (SAD) – ang pagbabago ng panahon ay maaaring mag-trigger ng matinding depresyon na ito. Karamihan sa mga kaso ay nangyayari sa panahon ng taglamig.
- Psychotic depression – isang uri ng depression na na-trigger ng psychosis.
Para ma-diagnosed ang depresyon bilang klinikal, ang isang tao ay dapat magpakita ng hindi bababa sa 5 sintomas— na may kasamang persistent o tuloy-tuloy na depressed mood, kung saan ito ay karaniwang tanda ng depresyon.
Masasabi na ang mood na ito ay tulad ng isang ng kalungkutan, emptiness, kawalan ng pag-asa, o pesimismo. Kahit na ang lungkot ay itinuturing na isang normal na damdamin ng tao, kapag ito ay patuloy na nararanasan ng isang indibidwal ito ay nagiging isa nang seryosong isyu.
Ang ilan pa sa mga ibang karaniwang sintomas ay:
- Biglaang pagkawala ng interes sa mga normal na aktibidad o libangan
- Pagdevelop ng sense of guilt, kawalan ng kakayahan, o kawalang-halaga sa ibabaw ng depressive mood
- Ang pagkakaroon ng mas kaunting enerhiya, palaging pakiramdam ng pagod o pagbagal kahit na gumagawa ng mga ordinaryong gawain
- Kawalan ng kakayahang mag-concentrate sa mga normal na gawain, pag-alaala sa mga detalye, o paggawa ng mga desisyon
- Pagbuo ng mga problemang nauugnay sa pagtulog tulad ng insomnia o sobrang pagtulog
- Paglikha ng mga isyu na nauugnay sa pagkain tulad ng labis na pagkain o pagkakaroon ng lack of appetite
- Patuloy na pagiging hindi mapakali, magagalitin, o balisa
- Ang pagbuo ng mga pisikal na isyu tulad ng chronic headaches, mga problema sa tiyan, o palpitations ng puso
- Pagkakaroon ng mga saloobin sa pagpapakamatay o pagtatangkang magpakamatay
Ayon sa US National Institute of Mental Health, ang mga sintomas ng clinical depression ay maaaring mag-iba, ayon sa kasarian ng isang tao.
Ang mga babae ay kadalasang nagkakaroon ng mga emosyonal na sintomas tulad ng kalungkutan o mga ideya ng kawalang-halaga o pagkakasala. Samantala, ang mga lalaki ay mas malamang na magkaroon ng behavioral symptoms–tulad ng insomnia o pagkawala ng interes sa mga aktibidad o libangan.
Ano Ang Situational Depression?
Tinatawag ding adjustment disorder na may depressed mood ang Situational Depression. Ito ay nangyayari kapag ang isang tao ay dumaan sa isang traumatikong sitwasyon, kung saan ang taong ito ay hindi makayanan ang pagbabagong nangyayari. Kapag ang tao ay nakapag-adjust na sa kaganapan o sa pagbabago, ang depresyon ay maaaring ding tuluyang mawala kasabay nito.
Tulad ng clinical depression, maraming sanhi ng situational depression. Gaya ng pagkamatay ng isang mahal sa buhay, mga problema sa pag-aasawa, pagreretiro, o pambu-bully sa paaralan. Gayunpaman, ang ugat ng mga sanhi na ito ay pareho: stress, mula sa bagong ganap. Ang mga taong hindi kayang harapin ang stress ay mas nasa panganib na magkaroon ng situational depression.
Sa ganitong uri ng depresyon may mga sintomas ito tulad ng clinical depression. Kabilang dito ang mga pagbabago sa emosyonal na kalagayan ng isang tao gaya ng kalungkutan, o pesimismo, o behavioral condition. Tulad ng pagkamayamutin, o pag-intake ng droga, kasama rin dito ang mga pagbabago sa pisikal na kondisyon, kagaya ng chronic headaches o pananakit ng tiyan.
Para matukoy ang isang kaso bilang situational depression, ang isang tao ay kailangang sumailalim muna sa mga pisikal at sikolohikal na pagsusulit. Para ang physical illness o post-traumatic stress disorder (PTSD) ay maalis bilang posibleng sanhi ng mga sintomas.
Pinagkaiba Ng Clinical At Situational Depression
Ang clinical depression kumpara sa situational depression ay may dalawang pangunahing pagkakaiba.
Haba Ng Depresyon
Gaya ng nasabi kanina, ang clinical depression ay nagpapatuloy at maaaring tumagal ng maraming taon. Samantala, ang situational depression ay maaaring mawala kapag ang tao ay umangkop na sa bagong sitwasyon o nagbabahagi ng tungkol sa mga kaganapan na nag-trigger ng kanilang depression.
Nangangahulugan iyon na ang isang taong may situational depression ay maaaring mas mabilis na makarecover kaysa sa isang taong may clinical depression. Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na ang situational depression ay direktang may mas kaunting epekto sa isang tao. Ang parehong mga uri ay maaaring makaapekto sa mental well-being ng isang tao sa mga seryosong paraan. Dagdag pa, kung magpapatuloy ang situational depression, maaari itong tuluyan ding maging clinical depression.
Pinagkaiba Ng Clinical At Situational Depression: Mga Trigger
Ang mga partikular na kaganapan sa buhay ng isang tao ay nag-trigger ng situational depression. Masasabi na ang ganitong mga pangunahing kaganapan ay maaari ring mag-trigger ng clinical depression. Gayunpaman, maaari ding mag-trigger ng clinical depression ang genetics o substance dependence.
Kung makaranas ka ng alinman sa mga pangyayari o sintomas na nakasaad sa itaas, huwag ilihim ang iyong kalagayan. Tandaan, ang depresyon ay itinuturing na isang karaniwang kondisyon ng pag-iisip, dahil nakakaapekto ito sa maraming tao. Ang pinakamahalagang hakbang ay ang kumonsulta sa’yong doktor, para makagawa ng mga hakbang upang i-manage at malampasan ang iyong depresyon.
Matuto pa tungkol sa Mabuting Pag-Iisip dito.