backup og meta

Paano Mabuhay Nang Tama: Hindi Kailangang Laging Masaya

Paano Mabuhay Nang Tama: Hindi Kailangang Laging Masaya

Kung magtatanong ka sa mga tao sa labas kung ano sa tingin nila ang sikreto kung paano mabuhay nang tama, maaaring isagot nila na hanapin kung ano ang makapagpapasaya sa iyo. May punto ito dahil lahat naman ay naghahangad na maging masaya.

Gayunpaman, napag-alaman ng isang pag-aaral na hindi palaging kailangang maging masaya upang mabuhay nang tama. Natuklasan ng mga mananaliksik na ang pagkakaroon ng psychologically rich life ang sikreto at hindi ang kaligayahan. Ngunit ano ang eksaktong ibig sabihin nito, at paano natin ito matatamo?

Paano mabuhay nang tama

Hindi palaging madali ang buhay, at hindi rin palaging masaya ang ating mga karanasan. Sa sitwasyon ngayon, nasa pandemya pa rin tayo, at libo-libong tao pa rin ang nagkakasakit bawat araw. Naka-lockdown pa rin tayo, na malaki ang epekto sa ating pag-iisip.

Bukod sa pandemya, mayroon din tayong iba pang isyu at alalahanin sa sari-sariling buhay. Maaaring kasama dito ang mga problema sa trabaho, sa bahay, sa karelasyon, sa pera, at maging sa ating kalusugan. Dahil sa lahat ng ito na mabigat na dinadala ng ating isip, parang ang layo-layong maging masaya. 

Ngunit ayon sa bagong pag-aaral mula sa American Psychological Association, hindi lamang kaligayahan ang nagbibigay sa atin ng magandang buhay. Natuklasan nilang ang pagkakaroon ng psychologically rich life ang susi. 

Ano ang psychologically rich life?

Binigyang kahulugan ang psychologically rich life bilang isang buhay na puno ng kapana-panabik at nakapagpapabago ng pananaw na mga karanasan. Ang mga karanasang ito ay maaaring hindi palaging masaya o kaibig-ibig, ngunit kawili-wili. Inilalarawan ito na iba-iba, bago, at kawili-wili.

Ayon sa mga mananaliksik, ang masaya at makahulugang buhay ay maaaring maging monotonous. Halimbawa, may isang taong nagtatrabaho na may maayos na suweldo at masayang buhay kasama ng asawa at kanilang mga anak. Gayunpaman, kung pare-pareho lang ang ginagawa nila kada araw, nagiging boring na ito.

Sa pagkakaroon ng psychologically rich life, nagbibigay ito sa mga tao ng magkakaibang karanasan na dahilan upang mas maging kawili-wili ang buhay. Binabago rin nito ang pananaw ng tao tungkol sa mundo, at nagtutulak upang mas maging curious at interesado ang mga tao sa daigdig. May mga karanasang adventurous, thrilling, o exciting. 

Nakuha ng mga mananaliksik ang ganitong konklusyon matapos magsagawa ng pag-aaral sa mga respondent mula sa 9 na magkakaibang bansa. Pinagsulat sila ng journal tungkol sa magandang buhay. Napag-alaman nilang karamihan sa mga respondent ay nagnanais ng masaya at makahulugang buhay, ngunit nais din nila ng kawili-wili at kamangha-manghang mga karanasan.

Ibig sabihin nito, hindi sapat ang pagiging masaya lang upang makuntento sa buhay. Kailangan din nila ng psychologically rich experiences upang masabing nagkaroon sila ng maayos na buhay.

Paano mo ito matatamo?

Dahil isa sa mga susi kung paano mabuhay nang tama ay ang magkaroon ng psychologically rich experiences, ang sunod na tanong ay paano mo matatamo ang mga karanasang ito? Pagkatapos ng lahat, hindi naman pwedeng bitawan lang natin lahat at umalis upang maglakbay.

Ngunit kahit sa ating pang-araw-araw na buhay, may mga bagay na maaari nating gawin upang bumuti ang ating psychological richness. 

  • Subukang gumawa ng mga bagay na hindi mo pa nagagawa dati. Maaaring bagong kahihiligan o tumuklas ng bagong kawiwilihan.
  • Makipag-ugnayan sa mga taong matagal mo nang hindi nakakausap. Kumustahin sila, at kung anong pinagkakaabalahan nila.
  • Magbasa ng mga libro na maaaring hindi ka interesadong basahin. Hinahamon nito ang pagtingin mo sa mga bagay at nagbubukas ng bagong ideya.
  • Lumabas sa iyong comfort zone. Kung mahiyain ka, subukan nang kaunti ang pagiging outgoing at adventurous. Umoo sa mga bagong danas, at maghandang maging hindi komportable sa pagharap sa mga bagong bagay.

Matuto pa tungkol sa Malusog na Isip dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Psychology: How do I lead a good life? | World Economic Forum, https://www.weforum.org/agenda/2021/08/research-good-life-happy-meaningful/, Accessed August 26, 2021
  2. Happiness, Meaning, and Psychological Richness: Beyond happiness and meaning. – PsycNET, https://www.erinwestgate.com/uploads/7/6/4/1/7641726/oishirichness2020.pdf, Accessed August 26, 2021
  3. A psychologically rich life: Beyond happiness and meaning – PubMed, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/34383524/, Accessed August 26, 2021
  4. The Top 10 Insights from the “Science of a…, https://greatergood.berkeley.edu/article/item/the_top_10_insights_from_the_science_of_a_meaningful_life_in_2020, Accessed August 26, 2021
  5. In Defense of the Psychologically Rich Life – Scientific American, https://www.scientificamerican.com/article/in-defense-of-the-psychologically-rich-life/, Accessed August 26, 2021

Kasalukuyang Version

06/13/2024

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni January Velasco, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

11 Na Senyales Ng Burnout Sa Trabaho Na Dapat Mong Malaman!

Iwas-Budol Tips Na Maaari Mong Gawin Para Makaiwas Sa Scammers!


Narebyung medikal ni

January Velasco, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement