backup og meta

Sintomas ng depresyon sa umaga, anu-ano nga ba?

Sintomas ng depresyon sa umaga, anu-ano nga ba?

Ang sintomas ng depresyon sa umaga ay isang phenomenon— kung saan nakakaapekto ang morning depression sa milyun-milyong tao sa buong mundo. Gayunpaman, ang morning depression ay hindi well-studied topic. Dahil walang masyadong pag-aaral ang isinagawa tungkol sa hindi pangkaraniwang bagay na ito. 

Basahin ang artikulong ito, para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga sintomas ng depresyon sa umaga. Kung ano ang sanhi at ano ang maaari mong gawin.

Ano ang depression sa umaga?

Ang depresyon sa umaga ay madalas na inilarawan bilang isang uri na katulad ng “hangover”. Madalas ang mga taong may morning depression ang nakakaranas nito. Kung saan nagkakaroon sila ng difficulty sa paggawa ng mga bagay. Tulad ng mga paghahanda para sa araw, paghuhugas, o pagbangon mula sa higaan.

Kung naramdaman mo ito, malamang na nakakaranas ka ng morning depression.

Sinasabing isa sa sintomas nito ang pagkakaroon ng masama o nakakatakot na mood sa umaga at pagkakaroon ng mas magandang mood sa gabi. Ang isa pang pangalan para sa morning depression ay “diurnal variation in mood” o mga pagbabago sa affective state ng isang tao. Kung saan nauugnay ito sa araw o gabi ng physiological at behavioral rhythms.

Bilang karagdagan maaari rin itong samahan ng mood swings sa mga taong may depresyon.

Mga sanhi ng sintomas ng depresyon sa umaga

Ang diurnal variation in mood ay pinaniniwalaang bahagi ng depresyon. Sa madaling sabi, ang mga taong nahihirapan sa depresyon ay madalas nakakaranas nito. Bilang isa sa kanilang mga sintomas ng depresyon sa umaga.

Gayunpaman, may mga ilang bagay ang maaaring magpataas ng posibilidad na ang isang tao ay makaranas ng depresyon sa umaga. Kabilang dito ang mga sumusunod:

Hindi pagkakuha ng sapat na pahinga

Isa sa mga posibleng dahilan ng ganitong uri ng depresyon ay ang kawalan ng sapat na pahinga. Kung nagtatrabaho ka ng mahabang oras, at natutulog nang wala pang 8 oras bawat araw. Maaari itong magkaroon ng masamang epekto sa’yong mental health.

Natuklasan ng mga siyentipiko na ang hindi pagkakaroon ng sapat na pahinga ay makaapekto sa natural clock ng katawan o circadian rhythm. Kung saan maaari itong magpapalala ng iyong morning depression.

Natutulog sa iba’t ibang oras bawat araw

Isa pa sa posibleng dahilan para sa morning depression ay ang pagtulog iba’t ibang oras ng araw. Ang pagkakaroon ng regular sleep schedules ay nagbibigay-daan sa’ting katawan na magkaroon ng normal circadian rhythm. Ginagamit ito ng katawan para tumulong sa pag-regulate ng bodily processes, lalo na kapag tayo ay nagpapahinga.

Kung ang isang tao ay natutulog nang huli sa isang araw, at maaga sa susunod. Maaari nitong masira ang kanilang circadian clock. Ito’y posibleng makaapekto sa sleep-wake cycle ng katawan, at maging sanhi ng depresyon sa umaga.

Biglaang pagbabago sa body clock

Sa pangkalahatan, ang mga biglaang pagbabago sa body clock ng isang tao ay maaaring makaapekto sa mood at depresyon. Ibig sabihin, kung ang isang tao ay dumaranas ng jetlag o nasanay sa ibang time zone. At biglang kailangang magtrabaho sa graveyard shift. Maaaring magresulta ito ng mga hindi magandang epekto sa kanilang mental health.

Nangangahulugan din ito na ang katawan ng tao ay maaaring hindi magkaroon ng regular sleep-wake cycle. Kung saan maaaring maging dahilan ng depresyon sa umaga.

Ano ang mga sintomas ng depresyon sa umaga?

Ang depresyon sa umaga ay maaaring magpakita sa iba’t ibang paraan. Ngunit narito ang mga karaniwang palatandaan ng kondisyong ito:

  • Ang pagkakaroon ng kawalan ng motibasyon na gumising, o gumising sa umaga.
  • Hindi magawa ang mga simpleng gawain tulad ng pagligo, pagsisipilyo, o pagkain ng almusal sa umaga.
  • Pagkakaroon ng mahina o depressive mood sa umaga, na dahan-dahang bumubuti sa buong araw, at mas nagiging maganda sa gabi.
  • Mood swings na lumalala sa umaga.
  • Ang pagkakaroon ng mga pag-iisip ng pagpapakamatay, suicide ideation, o pag-iisip sa umaga na “wala ng saysay” ang lahat.

Ito ang mga sintomas ng depresyon sa umaga na maaaring mong danasain.

Ano ang maaari mong gawin tungkol dito?

Ang morning depression ay isang treatable condition. Sinasabi na ang treatment para dito ay maaaring katulad ng isang major depressive disorder, o isang long-term type ng depresyon. Kahit na may ilang mga pagkakaiba ito.

Narito ang ilan sa mga bagay na maaari mong gawin tungkol sa sintomas ng depresyon sa umaga:

  • Kung mayroon kang depresyon. Huwag matakot na humingi ng tulong. Sa ngayon, ito ang pinakamahusay na bagay na maaari mong gawin para makatulong na i-manage ang iyong kondisyon.
  • Magpahinga ng sapat bawat gabi. Subukang magkaroon ng hindi bababa sa 8 oras ng walang patid na tulog. Makakatulong ito na maging maayos ang iyong circadian rhythm at mapabuti ang iyong kalooban at mental health.
  • Mag-ehersisyo araw-araw. Ang ehersisyo ay kilala sa pagpapabuti ng mood ng isang tao, gayundin para sa kanilang pangkalahatang kalusugan.
  • Ang light therapy ay makakatulong sa pagharap sa depresyon sa umaga. Nangangahulugan ito ng pagiging malapit sa isang light therapy box na nagbibigay ng liwanag na katulad ng natural light. Makakabuti ito para sa’yong circadian rhythm at pagpapalakas sa’yong mood. Para maiwasan ang seasonal affective disorder.

Key Takeaways

Laging tandaan na ang depresyon ay isang kondisyong magagamot. Hindi ka nag-iisa sa’yong paglaban. Huwag mag-atubiling humingi ng tulong kung sa tingin mo ay hindi mo kayang pangalagaan ang iyong sarili. Walang masama sa paghingi ng tulong. Dahil makakatulong ito na mapabuti ang iyong kalagayan.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Diurnal mood variation in depression: a signal of disturbed circadian function? – PubMed, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/17239958/, Accessed November 17, 2020

CIRCADIAN RHYTHM DISTURBANCES IN DEPRESSION, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2612129/, Accessed November 17, 2020

Diurnal variation of depressive symptoms, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3181887/, Accessed November 17, 2020

What causes depression? – Harvard Health, https://www.health.harvard.edu/mind-and-mood/what-causes-depression, Accessed November 17, 2020

Morning Depression | American Journal of Psychotherapy, https://psychotherapy.psychiatryonline.org/doi/abs/10.1176/appi.psychotherapy.1948.2.2.198?journalCode=apt, Accessed November 17, 2020

Kasalukuyang Version

03/24/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Jessica Espanto, LPT, MA, RPsy

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Depression at Anxiety, Maaari bang Mangyari nang Sabay?

Ano ba ang Ibig Sabihin kung may Bipolar Disorder ang Isang tao?


Narebyu ng Eksperto

Jessica Espanto, LPT, MA, RPsy

Psychology · In Touch Community Services


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement