backup og meta

Anu-Ano Ang Mga Maling Paniniwala Sa Depression?

Kinilala ng Pilipinas ang depression bilang isang malubhang karamdaman. Ngunit hanggang sa kasalukuyan, marami pa rin ang kumakalat na mga maling paniniwala sa depression.

Anu-Ano Ang Mga Maling Paniniwala Sa Depression?

Tinatayang nasa humigit 3.3 milyong Pilipino ang nagdurusa mula sa depression at mga kabataan ang karamihan sa mga ito.

Ayon sa World Health Organization, walong Pilipino sa 100, 000 tao ay nagtatangkang magpakamatay; karamihan sa mga ito ay nasa edad 15 hanggang 29. Ang populasyon ng kabataan hanggang ng mga nakatatanda ay maaaring makaranasan ng depression sa ilang bahagi ng kanilang buhay.

Nakalulungkot dahil, sa buong Pilipinas, nananatili pa rin ang stigma tungkol sa kalusugang pangkaisipan. At ang kabuoang kaalaman ng publiko tungkol sa mga problema sa pag-iisip ay kadalasang tungkol sa mga maling paniniwala sa depression at sa iba pang kondisyong pangkaisipan.

Narito ang ilan sa mga karaniwang maling paniniwala sa depression:

1. Isa sa mga karaniwang maling paniniwala ay hindi totoo ang depression

Isa sa mga karaniwang maling paniniwala sa depression ay marami pa ring mga tao ang iniuugnay ito sa pagiging miserable o pagiging mahina ng isang tao. Gayundin, kadalasang hindi ito itinuturing na isang “tunay” na sakit.

Ang isang depressed na tao ay maaaring makaramdam ng pagiging malayo. Dahil sa kanilang kondisyon, naaapektuhan ang kanilang mga relasyon sa kapwa. Ang depression ay maaaring maging sanhi ng matinding pagkabalisa at nakaaapekto ito sa normal na araw-araw na gawain ng isang tao. Dahil dito, sila ay nahihirapan sa iba’t ibang aspeto – mental, sosyal, akademiko, at trabaho.

Maaaring mangailangan ang depressed na tao ng pangmatagalan pag-aalaga at hindi ito laging madaling harapin. Mahalagang kilalanin ng pamilya, mga kaibigan, at paaaralan ang kondisyong ito at maging pinakamaaasahang support system upang labanan ito.

2. Isa pa sa mga karaniwang maling paniniwala sa depression ay maaari itong mawala nang kusa

Ang pahayag na ito ay isa pa sa mga karaniwang maling paniniwala sa depression na lubhang nakaaapekto sa kondisyon ng depressed na tao. Ito ay katulad ng pagsasabing ang depression ay naiisip lamang at mawawala rin ito.

Tinukoy ng psychiatrists na ang positibong pag-iisip ay maaaring makatulong sa isang tao; ngunit hindi lamang ito ang treatment plan na kailangang gawin.

Ang treatment plan na akmang ginawa sa isang depressed na tao ay mahalaga sa pagharap sa depression. Ang depression therapies ay matagumpay at nakatutulong upang ang pasyente ay makabalik sa kanyang regular na araw-araw na gawain. Bukod dito, makatutulong din ang treatment sa pagkontrol sa mga sintomas at iba pang stressors.

Kung hindi magagamot nang wasto, maaaring magpatuloy ang depression sa loob ng mga buwan o mga taon nang hindi humihingi ng tulong. Maaari itong humantong sa mga pag-uugaling nakasasakit ng sarili, tulad ng pagpapakamatay.

3. Ang gamutan ay magiging bahagi ng iyong araw-araw na buhay

Mahalagang maunawaan na ang treatment plans ay maaaring pangmatagalan, depende sa kalubhaan ng kondisyon. Ang haba ng panahong sasailalim ang isang tao sa gamutan ay nakadepende kung paano niya nakokontrol ang mga sintomas at ang stressors nito.

Sa ibang mga kaso, maaaring maging lubhang kapaki-pakinabang ang pag-inom ng anti-depressants na may kombinasyon ng behavioral therapy/psychotherapy, o ng simpleng counseling. Alinman sa mga ito, walang sapat na ebidensyang susuporta sa argumento na ang gamutan ay magiging bahagi ng iyong araw–araw na buhay.

Bilang karagdagan sa treatment plans, ang pagkakaroon ng maaasahang support system, ang kanilang kagustuhang tumulong, at ang pagiging bahagi ng solusyon ay mahalaga upang gumaling mula sa depression.

Ang matatag na depression support network ay maaari ding makahiyat sa iyo na:

  • Regular na mag-ehersisyo
  • Panatilihin ang regular na pagtulog
  • Gumawa at sundin ang mga araw-araw na gawain
  • Kumain ng masustansyang dyeta
  • Uminom ng iniresetang gamot
  • Pumunta sa therapy appointments

4. Mababago ng anti-depressants ang iyong pag-uugali

Isa sa mga karaniwang maling paniniwala sa depression ay ang anti-depressants ay maaaring makapagpabago sa iyong pag-uugali. Ngunit batay sa ulat sa dyornal na Psychological Bulletin, ang treatments para sa kalusugang pangkaisipan (kabilang na ang anti-depressants), ay maaaring positibong makaimpluwensiya sa pag-uugali.

Sinabi ng mga pasyente na ang pag-inom ng mga gamot o anti-depressants ay dahilan upang mas maramdaman muli nila ang kanilang sarili. Sumusuporta ito sa resulta ng pag-aaral na ang target ng mga gamot na ito ay ang brain chemicals na may kaugnayan sa depression. Nakatutulong ito upang makabalik ang mga pasyente sa kanilang mga regular na gawain.

5. Ang depression ay para lamang sa mga kababaihan

Isa sa mga karaniwang maling paniniwala sa depression ay babae lamang ang naaapektuhan nito. Nananatili pa rin itong laganap dahil ang lipunang Pilipino ay patriyarkal.

Dahil sa mga inaasahan ng lipunan, maaaring hindi sabihin o tanggapin ng mga tao ang tungkol sa depression. Ang panlipunan at kultural na mga inaasahan ay dahilan upang mahirapan ang mga kalalakihan na magpakita ng kanilang kahinaan, magpahayag ng kanilang nararamdaman, o humingi ng tulong. Ang ibang lalaki ay natatakot na ang kanilang pag-amin na sila ay may depression ay maaaring maging dahilan upang sila ay tingnan bilang mahina o kabawasan sa pagiging lalaki.

Dahil dito, ang mga kalalakihan ay maaaring hindi kilalanin ang mga nararanasan nilang sintomas, hindi solusyunan ang kanilang mga problema, o hindi sumailalim sa counseling.

Kaugnay nito, iniulat ng World Health Organization noong 2017 na anim sa 100, 000 mga taong nagtatakang magpakamatay ay mga lalaki. Mayroon ding ulat noong 2019 tungkol sa mga lalaking artista na nakararanas ng depresyon at sa huli ay nagpakamatay.

Hinihikayat ng Kagawaran ng Kalusugan ang lahat, lalo na ang mga kalalakihan, na maging bukas sa pagpapahayag ng anomang damdaming kaugnay ng depresyon sa kanilang mga mahal sa buhay. Gayundin ang paghingi ng tulong mula sa doktor.

6. Maaari kang magkaroon ng depression kung mayroon nito ang iyong mga magulang

Isa ito sa mga karaniwang maling paniniwala sa depression na kailangang itama. Ang pahayag na ito ay nagiging dahilan lamang ng diskriminasyon at pagpa-panic na maaaring magsimula sa murang edad.

Isipin mo na lamang na habang nasa isang pagtitipon ng pamilya ay bibigyan ka ng babala ng iyong mga kamag-anak na sa huli ay magkakaroon ka rin ng depression. Ito ay katulad ng pagkokondisyon ng iyong isip na ang depression ay hindi maiiwasan.

Bagama’t totoong maaaring mamana ang depression, hindi nito awtomatikong ibig sabihin na ang mga anak ay magiging katulad ng mga magulang na lumaki at nakaranas ng depression. Totoo man ito subalit maaaring maapektuhan ng genetics ang pagiging mahina at sensitibo ng isang tao kaysa ang aktuwal na paglubha ng sakit.

Praktikal ang pagiging malay tungkol sa family history, ngunit ang pagtutuon ng pansin dito ay hindi nararapat. Mas mainam ang pagbibigay-pansin sa mga bagay na maaaring makapagpababa ng tyansa ng pagkakaroon ng depression. Ang ilan sa mga ito ay ang pag-iwas sa droga at pag-aalaga sa sarili.

Pinaaalalahanan ng Department of Health ang lahat na ang depression ay seryoso. At ang mga maling paniniwala tungkol dito ay kailangang pag-usapan. At higit sa lahat, ang mga Pilipino ay dapat na magkaisa upang wakasan ang stigma tungkol sa sensitibong kondisyong ito. Laging ipinapayo ang agad na pakikipag-usap sa iba kung gusto mong saktan o patayin ang iyong sarili.

Key Takeaways

Ang paghingi ng tulong sa mga eksperto ay ang unang hakbang upang maunawaan kung ano ang depression. At ang bukas na pakikipag-usap sa iyong mga mahal sa buhay tungkol sa treatment plans ay magiging lubhang kapaki-pakinabang.
“Para sa mga nangangailangan ng tulong, mayroon kaming 24-hour toll-free suicide prevention hotline. Maaaring tumawag sa (02)804-4673; 0917-5584673 o magpadala ng mensahe sa 2919 para sa Globe and TM subscribers,” saad din ng DOH.

Matuto pa kung paano magkaroon ng malusog na isipan, dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Mental Health Program, https://www.doh.gov.ph/national-mental-health-program, Accessed 11 May 2020

10 Common Myths and Misconceptions about Depression, https://www.unitypoint.org/desmoines/article.aspx?id=a655c7e2-fe37-4817-887b-c762ff455b23, Accessed 11 May 2020

5 Depression Myths We Need to Stop Believing Today, https://www.psychologytoday.com/us/blog/nurturing-self-compassion/201802/5-depression-myths-we-need-stop-believing-today, Accessed 11 May 2020

7 Myths of Depression, https://psychcentral.com/blog/7-myths-of-depression/, Accessed 11 May 2020

Myths and Misconceptions About Depression, https://www.asiaone.com/health/myths-and-misconceptions-about-depression, Accessed 11 May 2020

Debunking Myths of Teen Depression, https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/debunking-myths-of-teen-depression, Accessed 11 May 2020

Common Misconceptions About Anxiety and Depression, https://thriveglobal.com/stories/common-misconceptions-about-depression-and-anxiety/, Accessed 11 May 2020

Kasalukuyang Version

02/24/2026

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Sintomas Ng Depresyon Sa Teenager, Anu-Ano Nga Ba?

Sintomas ng depresyon sa umaga, anu-ano nga ba?


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas