backup og meta

Mahal na Araw 2022: Mga Spa na Maaari Mong Bisitahin

Mahal na Araw 2022: Mga Spa na Maaari Mong Bisitahin

Maraming Pilipino ang nais na maipagdiwang ang Mahal na Araw 2022 sa mapayapang paraan. Ito ang isa sa magandang panahon para magnilay at magpahinga. Kaya naman hindi maitatanggi na isa ito sa mga mahahalagang okasyon na inaabangan— ang Lenten Season.

Ang isang paraan para gawin ang pagninilay at pagpapahinga nang sabay ay ang pagbisita sa wellness resort o spa. Ngayong Semana Santa 2022, mainam na isaalang-alang ang pagbisita sa mga spa. Para makapag-relax, makapag-rejuvenate at mapasigla ang iyong isip at katawan.

Ano ang Wellness Resort?

Masasabi na ang wellness resort ay isang lugar na pahingahan, libangan, at relaxation. Ipinakikilala nito ang mga amenity o programa na nagbibigay ng mga serbisyong panterapeutika. Kung saan, ito ay nagbibigay-daan upang ma-rejuvenate ang iyong isip at katawan.

Mayroong ilang mga wellness spa at resort sa Pilipinas na nagbibigay ng iba’t ibang hanay ng wellness programs, na may layuning pangalagaan ang iyong kapakanan. Para makamit ang recreational getaway na inaasam. Narito ang mga wellness spa at resort sa Pilipinas na pwedeng subukan. 

Dito, maaari kang mag-relax at yakapin ang katahimikan sa panahon ng Mahal na Araw 2022.

Mga Wellness Spa na pwedeng Subukan Para sa Mahal na Araw 2022

1. Luljetta Hanging Gardens and Spa

Naghahanap ng Holy Week 2022 wellness spa? Subukan ang Luljetta’s Place.

Ang Luljetta’s Place ay matatagpuan sa Antipolo. Ito ang unang hanging garden spa sa bansa. Kung saan nag-o-offer ito ng mabilis na pagtakas mula sa malalaking lungsod. Mayroong layunin ang spa na ito na ma-rejuvenate ang iyong pakiramdam (senses). Nag-aalok din ang spa at resort ng blissful relaxation at angkop na weekend jaunt. Dahil mayroon silang mga sariling hanay ng accommodations.

Nagre-recommend ang Luljetta ng malawak na hanay ng wellness services sa loob ng kanilang spa. Mayroon silang iba’t ibang uri ng pool, gaya ng lap pool, hydro pool, at ionized pool. Hindi rin magpapahuli sa listahan, ang doctor fish pool. Dito nagaganap ang panginginain ng mga isda sa’yong mga paa habang nagrerelaks ka. Dagdag pa rito, mayroon din silang sariling sauna at jacuzzi.

Kung pupunta ka bilang isang grupo, ang Spa Party Package ay mainam para sa 10 tao. Kabilang dito ang paggamit ng Jacuzzi, sauna at steam room, mga masahe, at pagkain.

2. The Farm at San Benito

Hindi nakakagulat kung bakit napatunayang paborito ng mga celebrity ang The Farm sa San Benito. Lalo na kung 90 minuto lang ang biyahe nito mula sa Maynila. Ang The Farm sa San Benito  ay tinatawag na isang holistic medical wellness resort. Nag-aalok sila ng malawak na hanay ng mga programang medikal at pangkalusugan. Mula sa pag-iwas sa sakit at suporta sa immune hanggang sa mga detox at anti-aging.

Makikita sa The Farm ang mga pangkat ng medical doctors na nangangasiwa sa kanilang mga programa. Kasama nila ang kanilang mga kaalyadong propesyonal sa kalusugan at wellness professionals. Gaya ng nutritionist, fitness coach at yoga instructor. Mapapansin din ang maganda at lush property na taglay ng lugar na ito. Kaya mas nakilala ang The Farm sa San Benito, bilang Instagram-worthy. Kung saan, naglalaman din ito ng mga deluxe villa at napakalaking spa, vegan restaurant, organic gardens, gym, at swimming pool.

3. Mahal na Araw 2022: Nurture Wellness Village

Gustong-gusto ng mga bisita ang magagandang tanawin sa Nurture Wellness Village sa Tagaytay. Ngayong Mahal na Araw 2022, nag-aalok ang wellness spa ng holistic health services na tinatawag na “Ecotherapy”. Habang pinapanatili ang mga temang Filipino, sa lahat ng pagkain at serbisyo nito. Kitang-kita ito sa hanay ng mga Filipino spa treatment. Ito ay nagaganap sa mga tradisyonal na nipa hut sa gitna ng masaganang tanawin ng kalikasan. Bukod sa mga kuwartong may tanawin ng hardin at kagubatan. Pwede ring mag-book ang mga bisita ng mga glamping tent kung nais nilang gumamit.

4. Mithi Resort and Spa

Ang Mithi Resort & Spa ay sumasaklaw sa 14 na seaside hectares sa Bohol. Ipinagmamalaki ng spa resort na ito ang ilang kwarto at villa, na pinalamutian ng serene at tropical interior. Maaaring tangkilikin ng mga bisita ang eksklusibong access sa isang pribadong beach. Pwede ring maglayag sa isang private islet, o maglakbay sa kweba sa ilalim ng dagat. Mayroon ding mga sariling spa ang Mithi. Ito ay may mga seleksyon ng mga masahe at iba pang treatment na maaari mong pagpilian.

Kung naghahanap ka ng relaxation na malayo sa lungsod ngayong Holy Week 2022, bisitahin ang Mithi Resort and Spa.

5. Lotus Shores

Isa pa sa maaaring puntahan ngayong Holy Week ay ang Lotus Shores sa General Luna, Siargao. Sinasabi na pwede itong maging yoga retreat para sa pagod na mga manlalakbay na gustong magpokus sa kalikasan. Mayroong ilang mga klase at programa na available sa Lotus Shores, na itinuturo ng kanilang resident teachers. Bukod sa sarili nitong pool at yoga dojo, ang resort ay may sarili luntiang hardin at vegetable patch. Dito madalas kumukuha ng mga sangkap para sa vegan café nila.

6. Mahal na Araw 2022: Badian Island Wellness Resort

Matatagpuan sa Badian Island sa Cebu, ang Badian Wellness Resort. Ang resort na ito ay nagbibigay sa mga bisita ng first-class private retreat sa pag-iisa (seclusion). Dito, maaari silang mag-relax at unwind sa ibang bahagi ng mundo. Nagtatampok ang wellness resort ng Thalasso o ionized seawater pools, na sinasabing nagpapagaling at nagpapasigla sa katawan. Bukod sa karaniwang five-star accommodation, ang Badian Island Wellness Resort ay mayroon ding sariling spa village. Pwede kang magpalayaw (pampered) sa outdoors pavilion na may treatments. Tulad ng Badian Deluxe Four-Hand Massage, Warm Seaweed Bath, Seaweed Massage, at Pure Virgin Coconut Oil Massage. Naglalaman din ang outdoor spa ng nakamamanghang tanawin ng mga bundok at dagat.

7. Qi Wellness Living Tagaytay

Ang Qi Wellness Living sa Tagaytay ay isa sa pinakasikat na wellness resort sa bansa. Nag-aalok ito ng “bathhouse services at packages.” Kasama sa kanilang signature Qireflexology ang pagmamasahe sa ulo, balikat, braso, at binti sa tabi ng “yin yang” pool. Kasama sa Bathhouse Experience ang kanilang “yin yang”, o ang hot at cold soaking pools, na sinusundan ng 75 minutong masahe na kasama.

8. Mahal na Araw 2022: I’M Onsen Spa

Ang unang sento-style spa sa Pilipinas, ang I’M Onsen Spa. Sinasabi na ang spa na ito ay nagbibigay ng therapeutic Japanese retreat sa loob ng lungsod. Maaari kang pumili mula sa iba’t ibang uri ng onsen bath, at tangkilikin ang access sa wellness suites. Enjoyin ang mga katangi-tanging international buffet.

Ipinakilala ng I’M Onsen ang onsen, ang isang Japanese bathing practice na ginagawa sa loob ng maraming siglo. May mga therapeutic capabilities daw ang hot bath mula sa onsen. Makakatulong din ito sa’yong i-relax ang iyong mga kalamnan, bawasan ang pamamaga, at i-promote ang pagtulog.

9. Mandala Spa at Resort Villas

Ang Mandala Spa and Resort Villas ay isang 4-star hotel sa Station 3 Boracay Island. Kung saan ang pahingahanan na ito ay nangangako ng tropikal na kanlungan sa gitna ng puting buhangin. Ipinagmamalaki ng Mandala’s Day Spa ang mga kilalang serbisyo. Maganda na subukan ang Boracay Bliss, na may kasamang Mandala signature massage at all-natural facial. Kung pipiliin manatili sa kanilang villas— ang kanilang accommodation packages ay may kasamang pang-araw-araw na malusog na almusal at yoga class passes.

Key Takeaways

  • Nag-aalok ang wellness spa resorts ng wellness packages bilang karagdagan sa recreational facilities.
  • Mayroong wellness spa resort para sa bawat badyet at pangangailangan, lalo na ngayong Mahal na Araw 2022.
  • Ang pag-e-enjoy sa wellness at relaxation treatments ay maaaring makatulong sa pagpapababa ng stress. Pagpapalabas ng mga lason o toxins, pag-alis ng sakit, at pagpapanatili sa sarili na masaya at malusog.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

03/24/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Iwas-Budol Tips Na Maaari Mong Gawin Para Makaiwas Sa Scammers!

Paano Mabuhay Nang Tama: Hindi Kailangang Laging Masaya


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement