backup og meta

Relasyon Ng Pamilya, Paano Ba Ito Mapapabuti? Alamin Dito!

Relasyon Ng Pamilya, Paano Ba Ito Mapapabuti? Alamin Dito!

Napakahalaga ng pagkakaroon ng maayos na relasyon ng pamilya. Lahat tayo ay may nanay at tatay – ngunit hindi lahat ay may pamilya. Ang malusog na relasyon ng pamilya ang nagpapatibay sa isang lipunan. Kapag naramdaman ng bawat miyembro ng pamilya na minamahal, sinusuportahan, at iginagalang sila. Mas nagiging masaya at mas mahusay na tao ang bawat isa. Dahil doon mas nakakatulong sila sa lipunan.

Ano ang mga katangian ng isang healthy family relationship? Tingnan ang listahan na ito:

Mga Pundasyon ng Masaya, Malusog na Relasyon

Ang malusog na relasyon ng pamilya ay nagpaparamdam ng kaligtasan

Kailangang maramdaman ng bawat tao na nakikita, naririnig, naiintindihan at tinatanggap sila. Ito ang nagpaparamdam sa kanila na may dahilan ang kanilang pag-iral sa buhay. Ang pamilya ang mga unang tao dapat na nagbibigay ng paggalang at pagpapahalaga sa’yo.

Mga tip

  • Igalang ang lahat, kahit ang pinakabatang miyembro ng iyong pamilya. Makinig sa kanilang mga iniisip.
  • Tiyakin sa’yong pamilya na pinagkakatiwalaan mo sila at mapagkakatiwalaan ka nila. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagiging patas at maaasahan.

Patuloy na maging bukas sa komunikasyon

Sa tahanan dapat nadarama ng mga bawat isa na maaari silang maging tunay at tapat. Kung saan, ang mga bata ay makakaasa sa kanilang mga magulang at kapatid na makikinig at hindi sila huhusgahan. Habang ang mag-asawa naman ay maaaring ibahagi sa isa’t isa ang kanilang mga takot at layunin. Maganda rin na maiparamdam sa bawat isa na handa nila suportahan ang isa’t isa.

Dahil ang bawat isa ay natatangi at naiiba—kahit sa mga pamilya—ay lilitaw ang alitan sa pagitan ng mga miyembro. Maaaring mag-away ang mga magulang. Mag-aaway ang magkapatid. Magtalo ang mga magulang at mga anak. Ito ay normal lamang at bahagi ng pagkakaroon ng pamilya. Ang mahalaga ay ang paraan mo, bilang isang pamilya sa pagharap sa mga salungatan na ito. Dapat laging may respeto at maramdaman ng mga miyembro na ligtas na sabihin ang anumang iniisip. At hindi sila makaramadam ng anumang takot sa rejection o painful repercussions.

Ang isang malusog na pamilya ay patuloy na nakikipag-usap sa isa’t isa. Ibinabahagi nila ang lahat mula sa nangyari sa kanilang araw. Hanggang sa kanilang mga pag-asa at takot. Alam ng bawat miyembro na maaari silang maging tapat. Dahil mayroon silang pagmamahal at paggalang sa kanilang tahanan.

Mga tip

  • Gumawa ng tahanan kung saan alam ng lahat na maaari silang maging tapat. Gawin ito sa pamamagitan ng pagiging tapat muna sa sarili.
  • Hikayatin ang mga chat at pag-uusap. Maging interesado sa mga detalye ng buhay ng bawat miyembro.

Ang malusog na relasyon sa pamilya ay bunga ng commitment

Kailangang malaman ng bawat miyembro na ang kapakanan ng pamilya ang prayoridad. Dapat maramdaman ng mga bata na ang kanilang magulang ay nakatuon sa kanila. Sa mag-asawa naman, nararamdaman ng bawat magkapareha ang kaligtasan at pagmamahal. Kapag alam nilang nauuna at prayoridad sila ng bawat isa. Ang katapatan at pangako ay ang pundasyon ng magandang relasyon ng pamilya.

Mahalaga rin na ang isang pamilya ay magbahagi ng mga gawain at responsibilidad. Ito ang nagtatatag sa’yong pamilya bilang isang yunit—pagtulong sa isa’t isa. Dapat maramdaman ng bawat miyembro na:

  • Kailangan nilang mag-pitch in
  • Mahalaga ang kanilang papel
  • Kailangan sila ng kanilang pamilya na sumali sa mga aktibidad
  • Maaaring umasa sa kanila ang pamilya

Ang isang pamilya ay mas matatag din kapag sila ay magkakasama. Dahil sa paggugol ng oras ng magkasama. Nakatutulong ito sa pagbuo ng tiwala sa isa’t isa. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng common goals. Pagkatuto ng mga bagong kasanayan sa pamamagitan ng paggawa ng mga gawain at libangan nang magkasama. Maganda rin na alamin ang tungkol sa mga paniniwala ng isa’t isa. Kapag nagsisimba o kung may pinag-uusapan mahahalagang isyu. Ibahagi ang iyong mga gusto at hindi gusto. Maghanap ng mga bagay na pagtatawanan at iyakan nang magkasama. Sapagkat, lumilikha ito ng pakiramdam ng pag-aari.

Mga tip

  • Pahalagahan ang iyong kasal. Ipakita sa’yong asawa at mga anak na ikaw ay nakatuon sa’yong kapareha.
  • Unahin ang family gatherings—mula sa mga ordinaryong hapunan tuwing gabi hanggang sa taunang bakasyon ng pamilya.

8 Paraan Kung Paano Maaapektuhan ng Relationship Stress Ang Kalusugan

Ang healthy family relationship ay bukas sa pagmamahal

Sa pamamagitan ng paghawak at words of love nakatutulong ito sa pagpapatibay ng lahat. Laging tandaan ang isang malusog na pamilya ay nagpapakita ng pagmamahal sa isa’t isa. Maaaring ito ay sa pamamagitan ng mga yakap o high five, o mga regalo o serbisyo. Ang pagmamahal at affection ay maaari ding sabihin o isulat. Ang mga regular na pagpapakita ng kabaitan at pagiging maalalahanin ay patunay ng pagmamahal.

Mga tip

  • Alamin ang love language ng iyong pamilya at igalang ito. Maaaring mas gusto ng iyong asawa na maghugas ka ng pinggan. Kaysa gumawa ka ng love letters. Halimbawa, ang iyong teenager na anak ay mas prefer ang “chat over coffee” kaysa sa “big kiss”.
  • Ang affection ay nangangahulugan din ng pagsasabi sa’yong pamilya na maaasahan ka nila para sa suporta. Ipakita ito sa pag-attend ng mga play sa paaralan. Mag-alok na panoorin ang mga bata habang natutulog ang iyong asawa.

Ang malusog na relasyon ng pamilya ay nagpoprotekta sa kanilang mga miyembro sa mahihirap na panahon

Kapag matatag ang isang pamilya. Nagiging matatag ang bawat miyembro, lalo sa mga mahirap na panahon. Sa oras na alam ng mga tao na mayroon silang ligtas na tahanan. Minamahal at sinusuportahan sila. Mas mahusay nilang na-ha-handle ang negativity, problema, kaguluhan, at stress. Lagi ring tandaan na ang kalungkutan at pagkawala ay maaaring maging isang napaka-emosyonal na panahon. Kung saan ang mga tao ay nangangailangan ng suporta.

Lahat ay dumaranas ng mahihirap na panahon. Ngunit ang malusog na relasyon sa pamilya ay nag-aalok ng proteksyon. Dahilan para mas makakayanan ng mga miyembro ang mga pagsubok. Mayroon silang strong support system na umaangkop nang positibo sa anumang bagay na ihagis sa kanilang buhay.

Mga tip

  • Maging nandiyan para sa iyong pamilya. Kapag kailangan nila ng payo o kausap.
  • Maaari mong siguraduhin sa’yong pamilya ang iyong pangako na tulungan sila sa mga oras ng problema.

Key Takeaways

Ang dynamics ng isang pamilya ay natatangi – at ito ay pinakamahalaga. At importante rin lalo sa mga magulang na bumuo ng malusog na relasyon sa kani-kanilang mga miyembro ng kanilang pamilya. Sa pamamagitan ng pagiging mahabagin, maalalahanin, at matulungin. Ang mga magulang ay maaaring makatulong nang malaki sa kanilang mga anak na maghanap at bumuo ng malusog na relasyon sa kanilang sarili. Kung sila ay magpasya na magsimula ng kanilang sariling mga pamilya.

Matuto pa tungkol sa Healthy Mind at mga relasyon dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Healthy Families, https://beyou.edu.au/fact-sheets/relationships/healthy-families, Accessed July 30, 2020

Building strong family relationships, https://www.udel.edu/canr/cooperative-extension/fact-sheets/building-strong-family-relationships, Accessed July 30, 2020

Families First-Keys to Successful Family Functioning: Communication, https://www.pubs.ext.vt.edu/350/350-092/350-092.html#:~:text=Healthy%20families%20communicate%20their%20thoughts,spouse%2C%20parent%2Dchild).&text=An%20essential%20aspect%20of%20effective,to%20what%20others%20are%20saying., Accessed March 31, 2021

Positive relationships for families: how to build them, https://raisingchildren.net.au/grown-ups/family-life/routines-rituals-relationships/good-family-relationships, Accessed March 31, 2021

Family Relationships, https://child.unl.edu/family-relationships#:~:text=Commitment%2D%20Members%20of%20strong%20families,accepting%20%2D%20putting%20your%20family%20first., Accessed March 31, 2021

Kasalukuyang Version

03/28/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Jessica Espanto, LPT, MA, RPsy

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

4 Tips Paano Ka Makakaalis sa Toxic Relationship!

Posible Bang Mabago Ang Masamang Ugali? Alamin Ang Kasagutan Dito!


Narebyu ng Eksperto

Jessica Espanto, LPT, MA, RPsy

Psychology · In Touch Community Services


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement