Gusto mo bang magkaroon ng relasyon na mala-fairytale? O makabuo ng isang pamilyang bubuo sa iyong pagkatao? Malamang ang sagot mo sa tanong na ito ay “oo,” dahil lahat tayo ay naghahangad ng happy relationship at family. Kaya naman hindi nakapagtataka na maraming netizen ang na-inspire sa relationship goals ng mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano.
Makikita sa kanilang social media post at interview kung gaano kaayos at saya ang kanilang pagsasama at pamilya. Ibinahagi rin ng mag-asawa sa kanilang podcast na “Life with the Arellanos”, kung nagbago ba ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa sa paglipas ng panahon. Nagbigay rin sila ng mga relationship advice para sa couples na gustong pagtibayin ang kanilang relationship.
Patuloy na basahin ang artikulong ito para sa mga relationship advices na kailangan mo.
Dapat Bang Everyday Kinikilig Ka Sa Partner Mo?
Bagamat hindi biro ang pagiging magulang at asawa, nagagawa pa ring i-manage nang mabuti nina Iya Villania at Drew Arellano ang kanilang responsibility sa kanilang mga anak at partner. Kahit na hindi araw-araw ang ang kilig moments sa kanilang mag-asawa, hindi ito rason sa kanila para magkasawaan.
“The things that would make me kilig then are very different from the things that would make me kilig now,” Iya.
Gayunpaman may mga bagay silang ginagawa para hindi mawala ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa — ang tanong anu-ano nga ba ito?
Payo Nina Iya Villania At Drew Arellano Para Maging Masaya Ang Pagsasama Ng Mag-Asawa
1. Maglaan ng oras para sa asawa
Para kay Drew napakahalaga na magkaroon ng “alone time” sa asawa upang mas ma-nurture ang pagsasama, dahil makakatulong ito para gawing mas matibay ang relasyon. Bagamat hindi na magkatabing natutulog sa kama sina Iya at Drew, dahil natutulog na sila bilang isang pamilya kasama ang kanilang mga anak.
“There will be times that if I see that there’s a space, I’ll take that chance to kind of just snuggle up with no intention but to just cuddle. These are the moments I look forward to when we do travel alone, because once upon a time it was just you and me,” Iya.
Bukod pa rito, ayon sa mga eksperto ang pagkakaroon ng oras ng mag-asawa sa isa’t isa ay nakakabuti para mapag-usapan ang mga mahahalagang bagay tungkol sa kanilang sarili at mga problema sa buhay.
2. Aralin na mag-respond sa love language ng bawat isa
Ayon sa naging pahayag ni Drew sa kanilang podcast ang kanyang love language ay affection at physical touch, habang si Iya naman ay sa pamamagitan ng “acts of service”. Pinag-uusapan nila ang mga bagay na gusto nila para magkaroon sila ng transparency sa kanilang pagsasama.
3. Alagaan ang sarili
“How do you still love this new body that’s not as beautiful as [before]?” – Iya.
Ito ang isa sa bagay na itinanong ni Iya sa kanyang asawa sa kanilang podcast episode, pero ang naging sagot lamang sa kanya ni Drew na siya ay nanatiling “hot” pa rin dahil sa taglay niyang confidence. Kahit nagkaroon ng iba’t ibang physical changes si Iya dahil sa kanyang pagiging ina.
Para rin maging masaya ang pagsasama ng isang mag-asawa kinakailangan na matuto ang bawat isa na mapangalaan ang sarili. Kung saan ibinahagi rin ni Iya na ang kanyang fitness journey ay para sa kanyang sarili at asawa, dahil gusto ni Iya na maging best para kay Drew.
“I want to feel good about myself, connected to that is it’s also for you – I want you to look at me and love me with all that I have,” Iya.
Binigyang-diin ni Iya na mahalaga ang self-care para mapanatili ang init ng pagsasama, at ipinunto rin ni Drew na mahalagang maging fit at malusog para sa kanilang mga anak.
“I think we have been very conscious of keeping fit — not just to look fit but also to live as long as possible so we can have more time with our kids,” Drew.
4. Pagkakaroon ng komunikasyon sa isa’t isa
Magkaiba ang paraan nina Drew at Iya sa pakikipag-usap dahil si Iya ang klase ng tao na isinusulat ang kanyang mga naiisip, habang si Drew naman ay mas gusto ang pakikipag-usap ng harap-harapan upang maresolba ang problema.
Gayunpaman ipinunto nila na anuman ang problema maganda na mapag-usapan ito sa tamang oras at kailangan din na ikonsidera ang timing at delivery ng mensahe, para maiwasan ang pagkakaroon ng galit sa isa’t isa.
Matuto pa tungkol sa Mabuting Relasyon dito.