Naranasan mo na bang malito sa kung paano mo tatratuhin ang isang tao dahil sa hindi mo maipaliwanag na damdamin para sa kanya? Minsan ka na rin bang nagkamali sa pagtukoy ng iyong totoong nararamdaman? Huwag kang mag-alala, hindi ka nag-iisa. Dahil tulad mo, maraming indibidwal ang patuloy na naguguluhan sa takbo ng kanilang damdamin— partikular kung infatuation o pag-ibig ba ang nararamdaman nila sa isang tao.
Ayon sa psychology ang pag-ibig ay isang hanay ng mga emosyon at pag-uugali na nailalarawan sa pamamagitan ng intimacy, commitment, at passion. Kabilang din ang pag-aalaga, pagiging malapit sa isang tao, pagprotekta, pagkahumaling, pagmamahal, at pagtitiwala. Habang ang infatuation naman ay isang anyo ng pag-ibig na kadalasang nagsasangkot ang “intense feelings of attraction” na walang “sense of commitment”; madalas itong nagaganap nang maaga sa isang relasyon at maaaring lumalim sa mas pangmatagalang pag-ibig.
Para mas maunawaan mo pa ang pagkakaiba ng infatuation at pag-ibig o kung ano ang tunay mong nararamdaman sa kanya, patuloy na basahin ang article na ito.
What is love?
Batay kay Zick Rubin isang psychologist ang pag-ibig ay mas malalim, may kasamang matinding physical intimacy at pakikipag-ugnayan. Ang mga taong “in love” ay higit na nagmamalasakit sa mga pangangailangan ng ibang tao gaya ng ginagawa nila sa kanilang sarili.
Gayunpaman ang pag-ibig ay maaaring mag-iba sa intensity at maaaring magbago sa paglipas ng panahon. Ito ay nauugnay sa isang hanay ng mga positibong emosyon, kabilang na ang pananabik, kasiyahan sa buhay, kaligayahan, at euphoria, pero maaari rin itong magresulta sa mga negatibong emosyon tulad ng selos at stress.
Itinuturing din na ang pag-ibig ang isa sa pinakamahalagang emosyon ng tao. Ngunit ito rin ang ang isa sa mga pinakapinag-aaralan na pag-uugali.
Sa katunayan ang pag-ibig ay malamang na naiimpluwensyahan ng parehong biology at kultura. Bagama’t mahalaga ang hormones at biology, ang paraan ng pagpapahayag at karanasan natin sa pag-ibig ay naiimpluwensyahan din ng ating mga personal na konsepto ng pagmamahal.
Signs of love
Ayon sa article na isinulat ni Barbara Field na nirebyung medikal ni Sabrina Romanoff, PsyD, Narito ang ilan sa mga palatandaan ng pag-ibig na pwede mong tingnan para malaman mo kung mahal mo na ang isang tao:
- nakakaramdam ka ng contentment sa isang tao;
- gumagawa ka ng real-life scenarios tungkol sa hinaharap na magkasama kayo;
- may realistic vision ka sa taong iyon at mahal mo pa rin sila sa kabila ng kanilang imperfections;
- may malalalim kayong relasyon na nakabatay sa tiwala, kahinaan at pinagsamahang intimacy;
- nararamdaman mo ang security sa kanya; at
- may nararamdaman kang kapayapaan kapag kasama mo siya.
What is infatuation?
Batay sa article na isinulat ni Hope Gillete na minedikal rebyu ni Jennifer Litner, PhD, LMFT, CST, maaaring ang infatuation ay unang yugto ng pag-ibig. Gayunpaman hindi lahat nararanasan ang unang yugto na ito at ayon na rin sa pahayag ni Sarah Moore, isang licensed professional sa Arlington, Virginia;
Ang ibig sabihin ng pahayag na ito ni Dr. Moore, maaaring humantong ang infatuation mo sa pagkakaroon mo ng “point of view” na ideal at flawless ang isang tao sa kabila ng imperfections na taglay nito.
Signs of infatuation
Batay muli sa article na isinulat ni Barbara Field na nirebyung medikal ni Sabrina Romanoff, PsyD, Narito ang ilan sa mga palatandaan ng infatuation na pwede mong tingnan para malaman mo kung infatuated ka lang sa isang tao at hindi mo pa siya mahal:
- mababaw lamang o superficial ang relasyon mo sa kanya;
- nakikita mo ang iyong kapareha at isang tao bilang perpektong indibidwal;
- nakakaramdam ka ng insecure;
- nakakaramdam ka ng excitement at nao-obsess ka; at
- mayroon kang high-flying feelings.
Paglilinaw sa pagkakaiba ng infatuation at pag-ibig
Bagama’t parehong nakakapagbigay ng saya ang pagiging “in love” at “infatuated” ng isang tao— malaki pa rin ang kaibahan sa isa’t isa ng infatuation at pag-ibig.
Ang sobrang pagkagusto ng isang indibidwal sa isang tao — sa kabila ng pagtataglay nito ng iba’t ibang flaws ay maaaring ituring na infatuation. Partikular na kung nakikita mo na sila sa ideal na paraan at perpekto sila sa iyong paningin. Madalas nakakaranas tayo ng infatuation sa mga artista o taong idolo natin.
Gayunpaman, ang infatuation ay isa ring malalim na pakiramdam ng koneksyon nakabatay sa ideyalisasyon ng ibang tao. Habang sa pag-ibig, kinikilala at nakikita pa rin ang mga pagkakaiba, shortcomings, at incompatibilities ng kapareha— at sa kabila ng lahat ng ito, tinatanggap pa rin sila ng buo.
Tandaan mo rin na kapag nagmamahal ka, nakikita mo ang buhay sa ibang lente. Nalalaman mo ang mabuti at masama tungkol sa iyong kapareha, at alam ng iyong kapareha ang tunay na ikaw.
Maaari bang maging pag-ibig ang infatuation?
Kagaya ng nabanggit sa article na ito, ang infatuation ay isang anyo ng pag-ibig. Kaya naman posible na ang infatuation ay mauwi sa mas malalim na pagtingin sa kapwa— at mahalin mo siya ng buo, sa kabila ng kanyang kakulangan bilang tao.
Kaya naman kung may pagnanais ka na mauwi sa pag-ibig ang infatuation na iyong nararamdaman, kinakailangan na maging handa ka sa paghihintay at kilalanin sa mas malalim na paraan ang isang tao. Dapat kang maging bukas, upang ibahagi ang mga kahinaan at kalakasan mo sa kanya, at mas mainam na bitawan mo ang mga pantasya. Dahil kapag nakilala mo na kung sino talaga ang isang tao at na ipaalam mo sa kanila kung sino ka talaga, maaari mong makita ang iyong sarili na umibig.