May epekto rin ang mga love language sa isang relasyon. Ganoon pa man, madalas din na sinasabi ng mga tao na ang maliliit na bagay ang pinakamahalaga. Tandaan din na bawat tao ay may iba’t ibang love language. Kahit na sumulat ka ng pinakamagandang tula, maaaring hindi ito ma-appreciate kung hindi ito ang kanyang love language. Kaya, iligtas ang iyong sarili sa kawalan ng katiyakan at matuto nang higit pa tungkol sa kahalagahan nito. Alamin kung ano ang love language?
Ano ang mga love language?
Ang konsepto ng mga love language ay unang pinasikat sa isang libro ni Dr. Gary Chapman noong 1990s. Sa kanyang aklat, inilarawan niya ang limang natatanging wika ng pag-ibig. Ang mga paglalarawan nito ay ang mga sumusunod:
Mga salita ng pagpapatibay (Words of affirmation)
Ang unang uri ng love language ay words of affirmation. Kasama rito ang mga papuri at panghihikayat. Maaaring ito ay ang mga cute na sulat-kamay sa baon tulad ng “good job”. Inilalagay ito pagkatapos ng isang mahirap na presentasyon, o kahit hanggang sa pagdedeklara ng iyong pag-ibig gamit ang billboard ng EDSA.
Mga paglilingkod (Acts of Service)
Habang ang mga tao na may act of service naman na love language ay naniniwala na hindi lamang dapat hanggang salita kundi may gawa. Kasama rito ang pagtulong sa iyong magulang o asawa sa mga gawaing-bahay nang kusa.
Pagtanggap ng mga regalo (Receiving gifts)
Karamihan sa mga tao ay nasisiyahang makatanggap ng mga regalo sa mga espesyal na okasyon tulad ng mga kaarawan, graduation, o anibersaryo. Gayunpaman, ang mga taong may ganitong love language ay maaaring mapagkamalan bilang materialistic. Mahalagang maging malinaw na ganitong love language ay hindi nangangailangan ng mamahaling regalo; kahit isang simpleng drawing o travel souvenir ay sapat na upang ipakita na pinahahalagahan mo sila.
Pagbibigay ng oras (Quality time)
Ang love language na ito ay tungkol sa pagbibigay pansin at pagpaparamdam sa isang tao na espesyal sila sa pamamagitan ng paggugol ng oras sa kanila. Nangangahulugan ang kalidad ng oras na dapat mong limitahan ang mga abala tulad ng social media o mga tawag mula sa trabaho habang kasama mo siya. Ang pagbibigay ng iyong lubos na atensyon ay nagpapakita na iginagalang mo ang ibang tao at inuuna mo sila.
Pisikal na hawak (Physical touch)
Panghuli, ang physical touch o “skinship” ay isa pang love language. Bagama’t ang paghawak ay maaaring mukhang hindi naaangkop o nakalaan para sa mga magkasintahan lamang, ang physical touch ay higit pa sa mga yakap at halik. Ito ay isa sa mga pinakaunang anyo ng pagmamahal na natatanggap natin bilang mga bagong silang. Noong tayo ay dinuduyan at pinapasuso ng ating mga ina. Habang tumatanda naman tayo ay ma-a-appreciate natin ang magiliw na mga galaw. Kasama na rito ang high-five, tapik sa likod, o nakaka-relax na masahe pagkatapos ng mahabang araw.
Ang mga love language ba ay para lamang sa mga romantikong relasyon?
Natural na marinig ang salitang pag-ibig at agad itong iniuugnay sa mga romantikong relasyon. Bagama’t ito ay lalong kapaki-pakinabang para sa mga mag-asawa, ang mga love language ay may kaugnayan para sa lahat ng uri ng relasyon. Ang mga hindi romantikong relasyon ay kinabibilangan ng platonic na pagkakaibigan, pagiging magkamag-anak (o relasyon sa pamilya), at ang relasyon na mayroon ka sa pagitan ng mga kasamahan sa koponan at mga kasamahan (acquaintanceships).
Epekto ng mga love language sa mga relasyon
Makatutulong na maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa isang relasyon kung mauunawaan ang mga love language ng ibang tao. Kung matuklasan mo na ang love language ng iyong partner ay higit sa lahat ay physical touch, maaaring kailanganin mong mag-isip ng dalawang beses bago magtrabaho sa ibang bansa at gawing malayuan ang iyong relasyon. Sa kabilang banda, kung mayroon kang isang anak na mas gusto ang kalidad ng oras, maaaring hindi nila lubos na pinahahalagahan ang mga mamahaling regalo na ipapadala mo kung wala ka sa kanilang kaarawan.
Ang maling interpretasyon o patuloy na paggamit ng maling love language sa isang tao ay maaaring makasira sa relasyon. Ang maling kilos ay maaari pa ring maging katanggap-tanggap paminsan-minsan, gayunpaman, ang ibang tao ay maaaring mapagod o makaramdam ng hindi pinahahalagahan. Bilang karagdagan, karamihan sa mga tao ay gumagamit ng higit sa isang wika ng pag-ibig. Ang pagkakapare-pareho ay maaaring maging susi, ngunit maaari din itong maging boring. Paminsan-minsan, baguhin ang mga bagay, ngunit laging tandaan ang iyong mga intensyon kapag gumagawa ka ng mga bagay na may pagmamahal para sa iba.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Healthy Relationships dito.