backup og meta

Agwat Sa Edad Ng Magkarelasyon: Ano Ang Pros At Cons Nito? Alamin Dito!

Agwat Sa Edad Ng Magkarelasyon: Ano Ang Pros At Cons Nito? Alamin Dito!

Walang agwat sa edad pagdating sa mga taong totoong umiibig. Ito ay pinatunayan ng singer-actress na si Maris Racal at rock star na si Rico Blanco ng kinumpirma nila ang kanilang relasyon noong 2021. Pagkatapos ng kanilang first sparked dating rumors noong binati ang dalaga ng former Rivermaya frontman sa kanyang kaarawan. 

Hanggang ngayon ay nananatili pa rin na matibay at masaya ang kanilang relasyon. Kahit na naging malaki ang agwat sa edad ng magkasintahan. Ang age gap nina Maris Racal at Rico Blanco ay umabot ng 25 years. Ayon pa sa dalaga, may positive impact ang kanilang relasyon sa bawat well-being ng isa’t isa. Dahil ang pagkakaiba ng kanilang edad ang nagbibigay-daan sa kanila na matuto mula sa karanasan ng isa’t isa.

Kamakailan rin ay lumantad ang actor na si Coco Martin at ibinahagi na mayroon siyang 12-year relationship sa aktres na si Julia Montes. Magkahalo ang naging reaksyon rito ng mga netizens, dahil ibig sabihin nito ay nagkaroon sila ng relasyon noong 16 si Julia at 29 naman si Coco. Dagdag pa ng aktor na nais nila ni Julia na panatilihing pribado ang kanilang relasyon, kaya’t matagal-tagal rin bago siya umamin tungkol sa kanilang dalawa.

Subalit hindi lahat ng mga nasa ganitong sitwasyon ay mala-fairytale ang relasyon. Dahil may negative effects din ang malaking agwat sa edad sa magkarelasyon.

Basahin ang artikulong ito para malaman ang pros at cons ng malaking agwat sa edad ng isang magkapareha.

Ano Ang Ideal Age Gap Sa Magkarelasyon?

Ayon sa isang pag-aaral sa Journal of Population Economics, makabuluhang bumababa ang marital satisfaction ng couples na may malaking agwat sa edad. Kung ikukumpara sa mga magkarelasyon na halos magkatulad ang edad.

Dagdag pa ng isang pag-aaral mula sa Emory University sa Atlanta nagpakita ng ugnayan ang agwat sa edad ng magkarelasyon sa posibilidad ng hiwalayan. Natuklasan ito ng mga eksperto, matapos tingnan ang data mula sa 3,000 na kalahok. 

Batay sa datos ang magkapareha na may 5 taong agwat ay may 18% na posibilidad na maghiwalay kumpara sa mga mag-partner na magka-edad lang. Kapansin-pansin din na ang rate na ito ay tumataas pa habang lumalaki ang agwat sa 10 taon ng magkarelasyon. Kung saan umaabot ng 39% ang nagiging separation risk sa mag-partner. Samantala ang mga magkarelasyon na may 20 taon o higit pa na agwat sa edad ay mayroong 95% posibilidad ng paghihiwalay. Habang ang mga mag-partner na magka-edad ay may 3% lamang ng tsansa para sa break-up o divorce.

Kaya naman iminungkahi ng pag-aaral na ang paghahanap ng isang kasintahan na may kapareho mong edad o age bracket ang best para sa’yo!

Agwat Sa Relasyon: Anu-Ano Ang Pros Nito?

Pagkakaroon Ng Financial Stability

Kadalasan ang elder partner ay financially stable na. Sapagkat nakapagsimula na sila sa mundo ng pagtatrabaho. Isa ito sa advantages dahil nareresolba nito ang isa sa mga nagiging problema ng mag-asawa o magkarelasyon. Ito rin ang nagiging daan upang mas matulungan ang kapareha sa pagharap nito sa financial problem kung mayroon man.

Maturity

Dahil mas matanda na ang isa sa inyo, makikita na mas maraming karanasan ang isa sa inyo. Kapag may maturity ang isang tao mas nagiging mature sila at kalmado sa pagharap ng problema. Ito ay nakakatulong para maging peaceful at maayos ang isang pagsasama. Ang pagkakaroon ng mahabang pasensya ng isa sa magkarelasyon ay may malaking impact. Para matugunan at masolusyunan ang mga problema.

Agwat Sa Edad: Mga Bagong Karunungan

Sapagkat magkaiba kayo ng edad nagkakaroon kayo ng iba’t ibang point of view at perspektibo sa buhay. Nakatutulong ito upang magkaroon ng mga bagong karunungan at mas makilala ang isa’t isa. Ito ang ilan sa mga bagay na binanggit ni Maris Racal sa positive impact na kanyang pakikipagrelasyon kay Rico Blanco.

Pagkakaroon Ng Magandang Balanse

Kapag naging mag-asawa na ang magkapareha kadalasan ay nagkakaroon ng paghahati sa mga responsibilidad sa bahay at anak. Sa oras na magretiro na ang elder partner, ang batang kapareha ay maaaring handa na para suportahan. Ang pisikal at pinansyal na pangangailangan ng pamilya. Dahil may maganda at matibay na ang pundasyon ng batang kapareha para mas makatulong.

Agwat Sa Relasyon: Anu-Ano Ang Cons Nito?

Pagkakaiba Ng Goals

Ang isa sa disadvantages ng pakikipagrelasyon sa mas matanda o bata sa’yo ay ang pagkakaroon ng different goals sa buhay. Dahil maaari na magkaiba sila ng environment na ginagalawan dahil sa age bracket nila. Kaya naging iba sa isa’t isa ang priority nila sa buhay. 

Hilig At Interes

May mga pagkakataon na kung ang magkarelasyon ay malayo ang agwat sa edad. Marami silang bagay na hindi pagkakapareha. Sapagkat may mga pagkakataon na nakadepende rin sa edad ng isang tao ang kanilang hilig at interes. Halimbawa, kung ang iyong karelasyon ay nasa 20’s maaari na mahilig siyang gumimik o lumabas. Dahil sa modern era na ito, uso ang pagiging aktibo ng mga kabataan. Pagdating sa pakikipag-socialize at pag-e-explore sa iba’t ibang bagay at lugar. At kung ikukumpara ito sa mga nasa 40’s, maaaring mas nais na lamang nila magpahinga sa bahay. Sapagkat maaaring para sa kanila ay sapat na ang kanilang karanasan pagdating sa pag-e-explore. O kaya’y mas nais nilang ilaan ang kanilang oras sa bagay na sa tingin nila ay may kapakinabangan.

Agwat Sa Edad: Stigmas

Ayon kay Ruth Purple, isang relationship expert may malaking posibilidad na ang iyong mga kaibigan at pamilya ay hindi magbigay ng “approval” sa’yong relasyon. Kapag nalaman nila na ang iyong kapareha ay mas matanda o bata sa’yo.

Ang hindi pagsang-ayon na ito ay maaaring bunga ng stigma. Kung saan sinasabi na mali ang konsepto at hindi angkop ang pakikipag-date sa hindi mo ka-edad o wala sa age bracket mo. 

Dagdag pa ni Purple, na ang lipunan sa pangkalahatan ay mas tanggap ang relasyon na hindi nalalayo ang agwat sa edad. Kumpara sa mga taong malayo ang ang age gap.

Mga Inaasahan

Isa sa napakalaking disadvantages ng pakikipagrelasyon sa taong malayo ang agwat ng edad sa’yo ay ang pagkakaroon ng different expectations. Dito pumapasok ang konsepto ng “same page”. Ang maturity at pag-uugali ng isang tao ay maaaring nakadepende sa kanyang mga karanasan at edad. Ngayon kung hindi magtatagpo ang inyong mga pag-uugali dahil sa inyong age gap. Sinasabi na malaki ang posibilidad na maging magkasalungat kayo sa maraming bagay. Kung saan ang mga bagay na inaasahan mo sa’yong kapareha ay hindi maibigay.

Batas o Laws

Isa sa mga mahahalagang cons pagdating sa usaping ito ay tungkol sa legal ramifications. Kung mahuhuli o mapapatunayan na ang isang adult ay nakipag-sex sa isang menor de edad. Maaari siyang maharap sa multa, labelling at pagkakakulong. Dagdag pa rito karamihan sa mga estado, ang kapwa indibidwal ay dapat nasa legal ng edad para magpakasal. 

Tandaan rin na ang Pilipinas ay isang conservative country, kaya hindi inirerekomenda dito ang pakikipag-sex sa mas matanda sa’yo kung ikaw ay menor de edad.

Ano Ang Maaaring Gawin Para Maging Maayos Ang Pakikipagrelasyon?

Ang pagkakaroon ng relasyon ay isang seryosong bagay. Malayo, malapit o parehas man ang edad ninyo sa isa’t isa. Mahalaga na isaalang-alang ang mga ito para mapanatili ang kaayusan ng relasyon. Narito ang mga sumusunod:

  • Pagbabahagi ng expectations sa kapareha
  • Pagtanggap sa inyong pagkakaiba
  • Pagkakaroon ng maturity at bukas na pag-iisip
  • Pahalagahan ang role at kakayahan ng bawat isa
  • Alamin ang pagkakapareho ng inyong interes at hilig
  • Maglaan ng oras para sa sarili at kapareha
  • Pagiging tapat sa pagharap ng mga bagay na walang kasiguraduhan (face uncertainty)
  • Pagkakaroon ng respeto sa relasyon

Key Takeaways

Ang pagkakaroon ng mapayapang relasyon ay blessing. Nararapat na ingatan ito ng bawat isa. Anuman ang agwat sa edad, maganda na pag-isipan at timbangin nang mabuti ang relasyon na gustong pasukin. Sapagkat bawat uri ng relasyon ay may pros at cons na dapat isaalang-alang. Dahil ang iyong magiging kapareha ang maaari mong makasama sa habang-buhay. 

Matuto pa tungkol sa Mabuting Relasyon dito.

Larawan kinuha mula sa Instagram

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Maris Racal on her age gap with Rico Blanco: ‘May positive impact”, https://entertainment.inquirer.net/437871/maris-racal-on-her-age-gap-with-rico-blanco-may-positive-impact, Accessed March 11, 2022

How Much Does Age Matter in a Relationship? https://www.psychologytoday.com/us/blog/meet-catch-and-keep/202104/how-much-does-age-matter-in-relationship, Accessed March 11, 2022

The Marital Satisfaction of Differently Aged Couples, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6785043/, Accessed March 11, 2022

Why do people disparage May-December romances? Condemnation of age-discrepant romantic relationships as strategic moralization, https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S019188691830120X?via%3Dihub, Accessed March 11, 2022

This is the ideal age gap if you want a relationship to last, https://nypost.com/2017/03/06/this-is-the-ideal-age-gap-if-you-want-a-relationship-to-last/, Accessed March 11, 2022

Disadvantages of Dating Someone Older or Younger, https://uplifttherapy.com/disadvantages-dating-someone-older-younger/, Accessed March 11, 2022

 

Kasalukuyang Version

06/14/2024

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

4 Tips Paano Ka Makakaalis sa Toxic Relationship!

Posible Bang Mabago Ang Masamang Ugali? Alamin Ang Kasagutan Dito!


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement