backup og meta

Anorexia Nervosa vs Bulimia: Mga Pagkakaiba, Sintomas, at Paggamot

Anorexia Nervosa vs Bulimia: Mga Pagkakaiba, Sintomas, at Paggamot

Ang anorexia nervosa ay isang eating disorder na nakakaapekto sa 0.9 hanggang 2.0 na porsyento ng mga kababaihan at 0.3 porsyento ng mga lalaki sa general population. Sa karaniwan, ang mga teenager na babae na may edad na 13-19 ang nasa pinakamataas na panganib na magkaroon ng kondisyon. Ang mga lalaking may anorexia nervosa ay kadalasang nasusuri sa mas matatandang edad. Ang bulimia nervosa naman ay nakakaapekto sa 1-15 porsiyento ng general population. Ito ay madalas na nauugnay sa iba pang mga kondisyon, tulad ng mood at anxiety disorders. Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang pinagkaiba ng anorexia sa bulimia at ang available na treatments.

Ano ang anorexia nervosa?

Upang mas maintindihan ang pinagkaiba ng anorexia sa bulimia, hiwalay nating tukuyin ang mga kondisyon. Magsimula tayo sa anorexia nervosa.

Ang anorexia nervosa (AN) ay isang eating disorder kung saan ang pasyente ay sinasadyang limitahan nang matindi ang pagkain upang maging payat. Ang mga pasyente ay may baluktot na pananaw sa kanilang timbang, laki, o hugis. Nagpapakita sila ng lunas sa anxiety, stress at negatibong emosyon habang nagkakaroon ng sense of accomplishment. Ito ay kapag binabawasan nila ang kanilang pagkain at dinaragdagan ang kanilang output ng calories sa sobrang ehersisyo ay purging.   

Mga palatandaan at sintomas ng anorexia nervosa

Ang mga pasyente na may ganitong kondisyon ay may obsession sa pagbabawas ng timbang at anxiety pagdating sa weight gain. Kadalasan, mayroon silang monotonous eating rituals, maaaring kasama dito ang pag-aatubili na makita silang kumakain. Maaari rin nilang gawin ang matinding pag-eehersisyo. Karaniwan, ang psychological profile ng mga pasyente na may anorexia nervosa ay mga perfectionist, masipag, introvert, ayaw sa pagbabago, at lubos na kritikal sa sarili. Kasama sa pisikal na pagpapakita ng anorexia ay ang mga sumusunod:

  • Kulang sa energy, pakiramdam ay pagod, cold, at mahina
  • Pagkahilo o nanghihina
  • Hindi regular o walang regla sa mga babae
  • Constipation dahil sa labis na paggamit ng laxative
  • Pagkalagas ng buhok
  • Bradycardia (Mabagal na tibok ng puso)

Mga Uri ng Anorexia

Ang anorexia nervosa ay may 2 subgroup ng pag-uugali, parehong may pangunahing layunin na bawasan ang caloric intake.

Binge-purge subtype. Ang mga pasyenteng ito ay mabilisang kakain ng marami at pagkatapos ay gagawin ang alinman sa pagsusuka, pag-eehersisyo, fasting, o paggamit ng mga laxative, katulad ng nakikita sa mga pasyenteng may bulimia.

Restrictive type. Lubhang nililimitahan ng mga pasyenteng ito ang kanilang pagkain habang pinipilit at labis na nag-eehersisyo.

Ano ang bulimia nervosa?

Ang bulimia nervosa (BN) ay isang eating disorder na ang mga pasyente ay may hindi makontrol na episodes ng sobrang pagkain na kilala bilang bingeing. Kasunod nito ay ang sadya o sapilitang pagsusuka (minsan ay kilala bilang purging), paggamit ng laxative, enemas, fasting o sobrang ehersisyo upang makontrol ang kanilang timbang. Sila ay kadalasang kumakain sa gabi, na sinusundan ng sapilitang pagsuka. Bukod pa rito, madalas nilang tinatago ang kanilang eating habits dahil sa hiya at guilt. Ang purge ay nag-aalok sa kanila ng kaluwagan at pakiramdam ng kontrol, naiiba sa nakikita sa anorexia.

Mga palatandaan at sintomas ng bulimia nervosa

Ang mga pasyenteng may bulimia ay magpapakita ng mga senyales na katulad ng anorexia. Gayunpaman, sila ay kumakain nang marami kung ihahambing sa mga anorexia patients. Pareho sila ng profile ng mga may anorexia: impulsive, perfectionistic, introvert, hard working, ayaw ng pagbabago, at self-critical. Ang mga pasyente na may bulimia ay nagpapakita ng mga sumusunod na pisikal na sintomas:

  • Normal o mataas ang body weight
  • Hindi regular o wala ang menstrual cycle
  • Peklat sa likod ng mga daliri mula sa self-induced na pagsusuka
  • Pamamaga ng lalamunan at/o leeg
  • Hyperacidity/ acid reflux disorder dahil sa sobrang self-induced na pagsusuka
  • Mga palatandaan ng matinding dehydration, tulad ng poor skin turgor at tachycardia
  • Anemia

Ang pinagkaiba ng anorexia sa bulimia

Ang mga pasyenteng may bulimia nervosa ay maraming pagkakatulad sa mga may anorexia nervosa. Ito ay tulad ng obsession sa itsura ng katawan, self esteem issues, at purging. Kaya lang, ang pinagkaiba ng anorexia sa bulimia ay ang mga pasyenteng may bulimia ay may hindi makontrol na binging. Samantala, ang mga may anorexia naman ay ayaw kumain. Ang mga motibasyon ng mga pasyente na may anorexia at bulimia ay magkatulad, pero magkaiba ang nagbibigay lunas para sa kanilang anxiety. Nakakaramdam ng ginhawa ang ang mga pasyenteng may anorexia kapag nakakaiwas sila sa pagkain at purging. Samantala, ang mga pasyenteng may bulimia ay may posibilidad na kumain nang labis at pagkatapos ay nakakaramdam ng guilt, hiya, at anxiety. Bilang resulta, ginagawa nila ang sapilitang pagsusuka bilang kapalit.

Sa pisikal, karaniwang normal o mataas ang timbang ng mga pasyenteng may bulimia. Ang may anorexia naman ay kadalasang nagiging lubhang payat at magaan. Mahalagang tandaan, na ang mga karamdamang ito ay maaaring makaapekto sa mga taong may iba’t ibang edad, kasarian, at uri ng katawan.  

Paano ihinto ang eating disorders

Kasama ng medikal na pamamahala, ang psychiatric counseling ay isang pangunahing bahagi ng paggamot sa karamdaman. Ang paggamot sa pasyente na may mga eating disorders ay kinabibilangan ng:

  • Nutritional counseling
  • Paggamot sa mga kasabay na disorder at kahihinatnan ng kanilang kondisyon, tulad ng anemia o acid reflux
  • Cognitive behavioral therapy
  • Mga psychoactive na gamot na maaaring makatulong sa mga kondisyon tulad ng depression o pagkabalisa
  • Support groups
  • Pagpapa-ospital na may restraints o suicide watch kung ang pasyente ay nag-iisip na magpakamatay

Key Takeaway

Ang bulimia nervosa at anorexia nervosa ay eating disorders na maaaring makaapekto kahit kanino. Ito ay lalo na sa teenagers at young adults. Kapag ihahambing ang anorexia nervosa kumpara sa bulimia, ang dalawang ito ay maaaring magkatulad. Ang pinagkaiba ng anorexia sa bulimia ay batay sa kanilang mga pisikal na sintomas at motibasyon sa self-induced na pagsusuka. Alinman sa dalawang karamdaman, dapat tumanggap ng counseling mula sa medical professional at emosyonal na suporta mula sa pamilya at mga kaibigan.

Matuto pa tungkol sa mental health dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Statistics & Research on Eating Disorders, https://www.nationaleatingdisorders.org/statistics-research-eating-disorders, Accessed December 17, 2020.

Anorexia nervosa, https://www.womenshealth.gov/mental-health/mental-health-conditions/eating-disorders/anorexia-nervosa, Accessed December 17, 2020.

Bulimia nervosa in adolescents: prevalence and treatment challenges, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5757497/, Accessed December 17, 2020.

Prevalence and correlates of eating disorders in adolescents. Results from the national comorbidity survey replication adolescent supplement, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/21383252/, Accessed December 17, 2020.

Bulimia nervosa, https://www.urmc.rochester.edu/childrens-hospital/adolescent/eating-disorders/teens/bulimia-nervosa.aspx, Accessed December 17, 2020.

Kasalukuyang Version

04/25/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano nga ba ang kondisyon na anorexia nervosa?

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Bulimia


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement