backup og meta

Ano ang Food Addiction?

Ano ang food addiction o pagkagumon sa pagkain? Hindi ito sineseryoso ng marami kumpara sa mga mas nakakapinsalang pagkagumon sa droga at alkohol. Ngunit ang pagkagumon sa pagkain ay maaaring maging kasing seryoso. Maaari itong humantong sa:

  • Sakit sa puso
  • Diabetes
  • Labis na katabaan
  • Pagkapagod
  • Malubhang epekto sa kalusugan ng isip at emosyonal na estado

May mga ebidensya na ang food addiction ay pangkaraniwan. Ayon sa mga nakaraang pag-aaral gamit ang Yale Food Addiction Scale, 20 porsyento ​​ng mga tao ang maaaring magkaroon ng food addiction. Kinumpirma ng mga pag-aaral na ang pinaka-nakakahumaling na pagkain ay ang mga naprosesong pagkain na may mas maraming taba at asukal.

Relasyon ng pagkain at kung ano ang food addiction

Ang pagkain ay hindi lamang isang pangangailangan para sa buhay. Ito rin ay isang paraan ng pakikipag-ugnayan sa lipunan at isang mapagkukunan ng kasiyahan. Para sa ibang tao, ang pagkain ay pinagmumulan ng magandang pakiramdam at paraan upang ipagdiwang ang mga espesyal na kaganapan. Para sa ilan, ang pagnanais at pangangailangan na ubusin ang pagkain ay maaaring hindi mapigilan at maging compulsive.

Ang food addiction ay isang medyo kontrobersyal na paksa sa mga siyentipikong lupon. Ang asukal at taba ay gumagawa ng mga opiates sa katawan. At ang labis na pagkain nito ay nagreresulta sa pinsala. Sa kabutihang palad mayroon ng pasilidad na nagbibigay ng mga serbisyo para sa food addiction recovery.

Ano ang food addiction at eating disorder

Ang eating disorder ay isang sakit na nailalarawan sa pagkabalisa tungkol sa timbang o hugis ng katawan ng isang tao. Kasama na rin dito ang hindi regular na gawi sa pagkain tulad ng:

  • Anorexia
  • Bulimia 
  • Binge eating disorder

Pinaka-apektadong grupo na kadalasang nag-aalala sa hugis ng kanilang katawan ay mga kabataang babae at lalaki. Ang pagkahumaling na ito sa perpektong katawan ay maaaring umabot sa isang matinding antas. Nagiging sanhi ito ng abnormal na mga gawi sa pagkain na hindi malusog at maaaring magbanta sa buhay.  Kapag ang matinding paghihigpit sa pagkain o labis na ehersisyo ay umabot sa hindi malusog na mga antas, ang isyu ay maaaring umunlad sa isang eating disorder. Ang mga karamdaman sa pagkain ay isang uri ng mental health disorder.

Ano ang food addiction: Sanhi at sintomas

Ang food addiction ay isang komplikadong sakit. Kapag meron ka nito, ang ilang uri ng pagkain ay nagsisilbing isang uri ng gamot na nagdudulot ng kasiyahan kahit na hindi kailangan ng katawan ang mga sustansya. Natuklasan ng isang pag-aaral na ang food addiction ay nangyayari kapag nagbago ang neuroanatomy at neurochemistry ng isang tao.

Sintomas ng food addiction:

  • Pagkahumaling sa pagkain, oras ng pagkain, at dami ng pagkain na makukuha
  • Patuloy na pagkain o merienda
  • Kumakain sa kalagitnaan ng gabi
  • Pagtatago ng pagkain o pagkain ng lihim
  • Kumakain kapag busog
  • Pakiramdam na nagkasala pagkatapos ng binge eating
  • Nabigong mga pagtatangka na kontrolin ang pagkain

Food addiction at obesity

Ayon sa Centers for Disease Control, 35 porsyento ng mga nasa hustong gulang sa Amerika ay itinuturing na obese. Nagpapahiwatig ito na ang labis na pagkain ay isang malubhang problema sa bansa. Gayunpaman, hindi lahat ng nakakaranas ng food addiction ay sobra sa timbang. Ang labis na katabaan at mahinang nutrisyon ay maaaring humantong sa mga isyu sa kalusugan tulad ng:

  • Type 2 diabetes
  • Mas mataas na panganib ng sakit sa puso
  • Mga isyu sa pagtunaw
  • Pagpalya ng puso
  • Pagkabulok ng ngipin
  • Pinsala sa esophagus

Habang ang pagkagumon sa pagkain ay maaaring mag-ambag sa labis na katabaan para sa ilang mga tao, hindi rin ito ang tanging kadahilanan. Nalaman ng isang naunang pagsusuri na hanggang 10 porsyento ng mga taong may normal na timbang o sobra sa timbang ay nagkaroon ng pagkagumon sa pagkain. Samakatuwid, ang paggamot sa compusive eating disorder ay maaaring may benepisyo din para sa pag-iwas sa labis na katabaan.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

These are the world’s most addictive food

https://www.hancockregionalhospital.org/2018/10/these-are-the-worlds-most-addictive-foods/

Foods that can cause addictive-like eating

https://www.healthline.com/nutrition/18-most-addictive-foods#overview

Is there a cure for food addiction

https://www.psychguides.com/eating-disorder/food-addiction/#:~:text=According%20to%20The%20Food%20Addiction,%2C%20social%2C%20and%20economic%20damage.

What is a food addiction

https://www.medicalnewstoday.com/articles/319670#:~:text=The%20addictive%20potential%20of%20certain,in%20potentially%20’addictive’%20foods.

Food addiction

https://www.webmd.com/mental-health/eating-disorders/binge-eating-disorder/mental-health-food-addiction

What to know about food addiction

https://www.medicalnewstoday.com/articles/319670

Kasalukuyang Version

02/09/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Ano nga ba ang kondisyon na anorexia nervosa?

Anorexia Nervosa vs Bulimia: Mga Pagkakaiba, Sintomas, at Paggamot


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement