“Inflation Rate Philippines”, ito ang madalas na paksa sa ating panahon at ang pagbili ng sibuyas ay parang nagsisilbing paalala ng inflation rate sa Pilipinas. Ang dating Php. 3.00 hanggang 10.00 na piraso, o Php. 20.00 hanggang Php. 100.00 na presyo ng sibuyas kada kilo ay naging Php. 300.00 hanggang Php. 600.00 na ang kilo sa merkado. Kaugnay rin nito, dahil sa inflation rate hindi maiwasan na magsagawa ng cost cutting sa pagba-budget ng gastusin sa bahay ang mga Pilipino — kasama na ang rekados sa pagkain tulad ng sibuyas.
Ayon sa mga eksperto, ang pagtaas ng inflation rate ay nangangahulugan rin ng pagtaas ng “cost of living” na maaaring magresulta ng mental strain, stress at anxiety.
Sa kabila ng katotohanan na ito, marami pa ring mga tao na hindi alam ang epekto ng inflation rate sa mental health ng isang tao. Kaya para mas maunawaan ito, alamin muna natin ang kahulugan ng inflation rate bago talakayin ang mga epekto nito sa mental health.
Inflation Rate Philippines
Inilarawan ng International Monetary Fund ang inflation bilang rate ng pagtaas ng mga presyo sa loob ng isang period of time.
Batay rin sa iba’t ibang mga datos ang inflation ay karaniwang isang malawak na sukatan, tulad ng overall na pagtaas ng mga presyo o pagtaas ng halaga ng pamumuhay sa isang bansa.
Inflation Rate Philippines, Paano Nakakasira Ng Kalusugan?
Ayon sa artikulong pinamagatang “Impact of Inflation Rate to Mental Health”, nagsagawa ng survey ang American Psychological Association at The Harris Poll sa epekto ng inflation rate sa mental health. Lumabas sa kanilang survey na ang #1 na pinanggagalingan ng stress ng Amerikano ay ang pagtaas ng mga presyo ng bilihin araw-araw dahil sa inflation.
Para mas magkaroon ka ng kamalayan sa mga epekto ng inflation rate sa kalusugan, narito ang 5 epekto ng inflation rate sa mental health na dapat mong malaman:
- Sanhi ito ng insecurity at pagbaba ng confidence
Ang mga taong may maraming trabaho at mga low-wage earner ay maaaring makaranas ng financial problem, partikular sa patuloy na pagtaas ng inflation rate sa bansa. Pwede rin silang matakot sa hinaharap dahil sa pag-iisip kung may trabaho pa ba sila sa mga susunod na panahon; kung kaya pa ba nilang bayaran ang iba’t ibang bills; at makakabili pa ba sila ng pagkain para sa kanilang pamilya.
Ayon sa mga doktor ang mga alalahanin na nabanggit na bunga ng inflation rate ay maaaring maging dahilan ng pagiging insecure nila, partikular sa mga taong kahit mataas na inflation rate sa Pilipinas ay kayang-kaya pa rin na sustentuhan ang sarili at pamilya. Maaari itong humantong sa pakiramdam ng kawalan ng katiyakan at makita ang sarili bilang isang taong walang halaga.
- Pagkakaroon ng stress at anxiety
Pwedeng magdulot sa iyo ng depresyon ang inflation rate dahil sa pag-iisip na baka hindi mo mabili ang mga pangunahing pangangailangan ng iyong pamilya. Lalo na kung hindi naman tumataas ang iyong sweldo at patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ayon sa mga doktor, maaari rin na maging sanhi ito ng iyong kahirapan sa pagtulog dahil nag-iisip ka kung ano ang gagawin mo para kumita ng mas malaki.
- Unti-unti na pagkawala ng iyong pag-asa
Ang katawa-tawang pagtaas ng mga presyo ng bilihin at ang pananatili nito sa hindi abot-kayang presyo ay maaaring maging dahilan ng iyong kawalan ng pag-asa na babalik ulit sa dati ang presyo nito. Kaugnay nito, maaari mong pikit-matang bilhin ang mga bagay na ito kahit wala kang sapat na financial opportunities.
Batay sa mga doktor ang kawalan ng sapat na financial opportunities ay maaaring maging factor sa pagkakaroon mo ng depresyon, anxiety, at iba pang mental health issues.
Kung walang sapat na mga pagkakataon sa pananalapi at tulong, sila ay nasa panganib ng depresyon, pagkabalisa at iba pang mga isyu sa kalusugan ng isip.
- Pagpapabaya sa kalusugan
Malaki ang epekto ng inflation sa pagbaba ng pagpapahalaga sa kalusugan ng isip dahil ang cost of living ay nagiging mahal. Kaya naman imbes na magpakonsulta sa doktor kapag nagkasakit o kailangan mong makipag-usap sa isang eksperto sa pag-iisip ay isinasawalang-bahala mo ito. Dahil para sa iyo mas mahalagang magtrabaho para ma-sustain ang gastusin mo at ng iyong pamilya sa araw-araw kaysa sa alagaan ang kalusugan.
- Tumatanggi kang makipag-ugnayan sa tao
Dahil sa inflation rate may mga pagkakataon na maiisip mo na ang paglabas at pag-eenjoy sa buhay ay isang pag-aaksaya ng oras. Maaaring humantong ito sa “burn out” o pagkukumpara ng iyong sarili sa ibang tao, at sisihin mo ang iyong trabaho at mababang kita sa estado ng iyong buhay. Kaya naman may mga pagkakataon na ayaw mo na makipag-ugnayan sa ibang tao para maiwasan ang pagkakaroon ng mga negatibong damdamin na maaaring hindi naman tunay na makakatulong para sa iyo.
Inflation Rate Philippines: Paano Maaaring Harapin Ang Epekto Nito Sa Kalusugan?
Maaari kang makipag-usap sa mga taong mapagkakatiwalaan mo upang maglabas ng sama ng loob, dahil malaki ang maitutulong nito para gumaan ang iyong pakiramdam. Pwede ka rin magsagawa ng iba’t ibang aktibidad na maaaring makapagpasaya sa iyo. Gayunpaman, iba-iba ang kapasidad ng tao sa pagharap at pagtanggap ng sitwasyon na dala ng inflation rate kaya mas mainam kung humingi ka ng suporta sa iyong mga kaibigan at pamilya.
Key Takeaways
Ang inflation ay isang seryosong isyu na nakakaapekto sa kalusugang pangkaisipan. Dahil maaaring nahihirapan sila na harapin ang kanilang finances na nagdudulot sa kanila ng depresyon at pagkabalisa. Ang usapin ng pera ay nagiging sanhi ng pagsuko ng marami at mga problema sa kalusugan ng isip.
Bukod pa rito, ang depresyon at pagkabalisa ay nagpapakita na ang isang bagay ay masyadong mabigat para sa iyo upang dalhin. Nati-trigger ang mga ito kapag hindi na kayang hawakan ng iyong isip ang stress at pressure. Kaya mas mahusay na kumausap at magpakonsulta ka sa mga eksperto tungkol sa bagay na ito para maiproseso ng tama ang iyong kalagayan.