backup og meta

Ano Ang Stages Of Grief, At Paano Ito Pinagdaraanan?

Ano Ang Stages Of Grief, At Paano Ito Pinagdaraanan?

Mahalagang malaman kung ano ang stages ng grief. Dahil, lahat ng tao ay nakakaranas ng kabiguan at kalungkutan sa buhay. Anuman ang iyong estado, kasarian at edad. Maaari rin itong ma-trigger ng iba’t ibang sitwasyon. Tulad ng pagkawala ng isang mahal sa buhay, o pakikipaghiwalay sa matagal ng kapareha. 

Ang pag-alam sa limang yugto ng pagdadalamhati o pagluluksa ay makakatulong. Para maunawaan ang lalim ng kahalagahan ng pagpapagaling. Narito ang 5 stages of grief na dapat mong malaman:

  • Pagtanggi o denial
  • Pakikipagtawaran o bargaining
  • Depresyon
  • Galit
  • Pagtanggap

Ayon sa mga eksperto, ang sinumang nagdadalamhati ay dadaan sa mga emosyong ito. Bilang bahagi ng kanilang grieving process.

Ano ang stages of grief: Pagpapaliwanag

Taliwas sa popular na paniniwala, ang stages of grief ay walang specific order. Bago makarating sa pagtanggap — ang huling yugto ng grieving process. Sinasabi na pwedeng makaranas ang isang tao ng madalas na pagdaan sa iba’t ibang yugto. May mga pagkakataon din na bumabalik ito sa isang partikular na yugto na naranasan nila noon. Hanggang sa tuluyan na nilang tanggapin at mag-move on.

Halimbawa, ang isang indibidwal na nawalan ng miyembro ng pamilya ay pwedeng makaramdam ng depresyon sa iba’t ibang yugto ng kanilang pagdadalamhati. Samantala, ang ilan ay maaaring makaramdam muna ng galit, bago mahulog sa depresyon, o vice-versa.

Ang ilan ay pwede ring makaranas ng iba pang mga emosyon, tulad ng pagkabigla at guilt. Habang ang iba naman ay hindi dumaan sa lahat ng 5 stages of grief. Dahil, pwedeng malaktawan nila ang isang yugto.

Unang ipinakilala ng Swiss-American psychiatrist na si Elisabeth Kubler-Ross ang 5 stages of grief. Sa kanyang aklat na isinulat na pinamagatang “On Death and Dying”, na inilathala noong 1969.

Sa aklat, sinabi ni Kubler-Ross na ang pagdadalamhati o pagluluksa ay pwedeng hatiin sa limang yugto. Pagkatapos ng mga taon ng pag-obserba sa terminally ill patients — at kung ano ang kanilang mga pinagdadaanan. Noong panahong iyon, ang konsepto ay rebolusyonaryo, dahil walang sinuman ang nag-aaral ng mga terminal ill patient. Maging sa kanilang mental health. Gayunpaman, ito ay naging malawak at tinanggap sa paglipas ng panahon.

Anu-ano ang stages of grief?

Pagtanggi o denial

Kadalasang tinatawag na unang yugto — ang pagtanggi o denial. Lalo na kapag ang tao ay hindi maproseso ang kakila-kilabot na balita na kanilang narinig. Si David Kessler, isang expert na co-author ng dalawang libro, kasama si Kubler Ross. Siya’y naniniwala na ang denial ay nangyayari para matulungan ang tao na makaligtas sa pagkawala — at sa balita ng pagkakaroon ng malubhang sakit.

Sa yugtong ito, madalas na itinatanggi ng isip ang mga katotohanan. Sinasabi sa sarili, na mali ang narinig natin, o pwedeng may hindi lamang pagkakaunawaan.

Halimbawa, pwedeng isipin ng terminal ill patient na maaaring may maling test. Habang ang couples na nag-break o maghihiwalay pa lamang ay magkaroon ng ganitong pag-iisip.

“Pwedeng galit lang ang isa sa’min at babalik din ang lahat sa dati. Magiging okay.’

Nangyayari ang pagtanggi upang mapabilis ng ating utak ang proseso ng ating kalungkutan. Ito’y isang mekanismo ng pagtatanggol o defense mechanism. Kadalasang nangyayari ito nang may pagkabigla at pamamanhid — na parang ang mundo ay nagsisimula na mawalan ng kahulugan.

Galit

Madalas nangyayari ito pagkatapos ng denial stage. Kung saan, ang isang nagdadalamhating tao ay kadalasang nakakaramdam ng pagkabigo at galit. May mga pagkakataon na hinahampas nito ang sinumang pinaniniwalaan nilang pinagmumulan ng kanilang kalungkutan. Pwedeng ang taong nagdala ng masama at masakit balita. Tulad ng isang doktor, o marahil ang kanilang dating karelasyon, ang kanilang dating boss, o maging ang kanilang mga sarili.

Mayroon ding mga tanong na “Bakit ako?” na madalas itanong ng mga tao.

Ayon sa mga eksperto, ang galit ay isang mahalagang bahagi ng proseso — at dapat mo itong maramdaman, at mailabas para sa kapakanan ng iyong paggaling. Maging sa iyong kalusugang pangkaisipan. Sa ganitong paraan, mas madali kang makaka-move on. Dahil nailabas mo ang mga negatibong emosyon.

Pakikipagtawaran o bargaining

Nanalangin ka na ba o nagsabing, “gagawin ko ang mabuti at hinding-hindi magrereklamo, pagalingin mo lang ang pamilya ko?” Ang tawag dito ay bargaining.

Sa yugtong ito, ang isang tao ay madalas na humahanap ng mga paraan. Para maiwasan o baguhin ang pakiramdam ng kalungkutan. Maging ang sitwasyong nagdala sa isang tao sa pagdadalamhati. Ang bargaining ay madalas ding nakadirekta sa Diyos o sinuman o anumang bagay na pinaniniwalaan ng taong iyon.

Nariyan din ang obsession sa “what ifs” at mga senaryo na pwedeng magbago o makahadlang sa kasalukuyang sitwasyon.

Depresyon

Marahil ang yugtong lubhang nakakaapekto sa’ting mental health ay ang stage ng depresyon.

Sa ilang mga paraan, ang yugtong ito ay isang hakbang na mas malapit sa pagtanggap at pagpapagaling. Nangyayari ito kapag na-realize na ang sitwasyon. Bilang isang totoong pangyayari — at walang pagbabagong magaganap. Gayunpaman, madalas na iniisip ng mga tao na ang pakiramdam ng kawalan ng pag-asa ay mananatili magpakailanman. Dagdag pa rito, pwede rin nilang maisip na ang buhay ay walang kabuluhan.

Ang mga taong nasa yugto ng depresyon ay madalas na ihiwalay ang kanilang sarili at hindi tatanggap ng tulong. Mula sa kapareha, pamilya at mga kaibigan.

Bagama’t ang depresyon sa grieving process ay katulad ng kung ano ang nararamdaman mo, kapag mayroon kang clinical depression. Ito ay nanatili bilang dalawang magkaibang bagay. Ang pagiging depress kapag ikaw ay nagdadalamhati ay hindi senyales ng mental health illness. Sa halip, ito ay isang angkop na tugon sa isang pagkawala.

Gayunpaman, kung ang depresyon ay nagpapatuloy sa mahabang panahon. Kahit na natutunan mo kung paano tanggapin ang sitwasyon. Pinakamahusay na kumunsulta sa isang eksperto.

Pagtanggap

Kadalasan ang huling yugto ng pagdadalamhati — ang pagtanggap. Nagaganap ito kapag sa wakas ay naunawaan mo na ang sitwasyon, at tinanggap mo ang pagkawala ng isang mahal sa buhay. Maging ang pagtatapos ng isang relasyon, o anumang iba pang mapaghamong pangyayari sa buhay.

Ang pagtanggap ay hindi nangangahulugang “okay” na tayo o pwede na nating ihinto ang pagdadalamhati. Dahil ang mga tao ay maaari pa ring makaranas ng depresyon at iba pang mga emosyon. Pagkatapos tanggapin at maunawaan ang sanhi ng kalungkutan. Kung minsan, ang proseso ay pwedeng maulit ng ilang beses. Bago tuluyang gumaling ang isang tao. 

Ano ang stages of grief: Gaano katagal ito?

Ang pagdadalamhati at pagluluksa ay walang limitasyon sa panahon. Iba-iba ang pagluluksa ng bawat isa — at walang malinaw na simula, gitna, o wakas.

Tandaan na hindi lahat ay dadaan sa lahat ng limang yugto. Sapagkat, ang pagdadalamhati ay isang komplikadong proseso na kinasasangkutan ng complex emotions.

Sinasabi na ang kalungkutan ay pwede pang tumagal ng habambuhay. Lalo na kapag ang tao ay mayroong matibay at close relationship sa taong nawala sa kanila. Gayunpaman, ang ilan ay pwedeng makabangon mula sa pagluluksa o pagdadalamhati ng mabilis. Depende sa kung ano ang nag-trigger ng dahilan ng kanilang kalungkutan.

Ang mga tao ay karaniwang umaangkop sa pagkawala sa loob ng anim na buwan. Nagpapatuloy sa kanilang “normal” na buhay sa loob ng anim hanggang 12 buwan. Habang ang isang tao ay umaangkop sa pagkawala. Kung saan ang kalungkutan ay nababalot, at ang mga pag-iisip at alaala ng namatay ay bumabalik.

Iba-iba ang pagdadalamhati ng mga tao. Kaya mahalagang tandaan na valid ang pagdadalamhati ng isang tao. Ang ilang mga tao ay nakakaramdam ng matinding kawalan kung sila ay mawalan ng trabaho. Habang ang ilan ay nagluluksa kahit sa pagkamatay ng isang taong iniidolo.

Makikita na ang pagdadalamhati ay natural. Ito’y maaaring dala ng maraming bagay. Ang mahalaga ay nauunawaan natin kung ano ang mangyayari. At sa kung paano ito, nakakaapekto sa ating kapakanan, lalo na sa ating mental health.

Ang pagdadalamhati ay natural at angkop na reaksyon sa isang malaking pagkawala o isang kakila-kilabot na pangyayari sa’ting buhay. Maaaring mag-trigger ito ng iba’t ibang bagay at sitwasyon. Kapag tayo ay nagdadalamhati, ang ating mental health ay hindi stable. Kung mayroon kang isang mahal sa buhay na nagdadalamhati. Mahalagang naroroon at suportahan sila, lalo na sa yugto ng depresyon.

Matuto pa tungkol sa Mental Health, dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

5 Stages of Loss and Grief https://psychcentral.com/lib/the-5-stages-of-loss-and-grief/ Accessed June 29, 2020

How Long Does Grief Last? https://www.health.harvard.edu/newsletter_article/how-long-does-grief-last Accessed June 29, 2020

Elisabeth Kubler-Ross https://www.biography.com/scientist/elisabeth-kubler-ross Accessed June 29, 2020

The Five Stages of Grief https://grief.com/the-five-stages-of-grief/ Accessed June 29, 2020

Cautioning Health-Care Professionals: Bereaved Persons Are Misguided Through the Stages of Grief https://journals.sagepub.com/doi/full/10.1177/0030222817691870 Accessed June 29, 2020

 

Kasalukuyang Version

05/11/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Sintomas ng Personality Disorder: Mga Pangunahing Kaalaman

Paano Nakakaapekto ang Galit sa Utak at Katawan? Alamin


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement