Ang salitang “stress” ay nagkaroon na ng negatibong konotasyon sa paglipas ng panahon. Kapag sinabi ng mga tao na nai-stress sila, karaniwang ibig sabihin ay hindi maganda ang kanilang pakiramdam. Iba-iba ang mga dahilan–anxiety, pagod, sakit, burnout sa trabaho, o iba pang mga dahilan. Pero alam mo ba na ang stress ay hindi laging masama? Tama, may tinatawag na “good” stress. Basahin upang maunawaan ang pagkakaiba kung ano ang good at bad stress.
Ano ang good at bad stress?
Ang stress ay nati-trigger ng natural na fight-or-flight na sagot ng katawan sa panganib o mahirap na mga sitwasyon. Isang uri ng “good” stress ang eustress na nakatutulong sa katawan habang ang distress naman ang kabaligtaran.
Ang eustress ay maaaring:
- Pinagmumulan ng motibasyon na makakatulong sa pag-focus ng energy sa iyong trabaho o goals.
- Saglit na sensation at kadalasang kasabay ng tuwa at kilig
- Pinagmumulan ng discomfort, pero kayang mapamahalaan
Ang distress naman ay maaaring:
- maging sanhi ng pagkabalisa, depresyon, o iba pang mental o pisikal na problema.
- tumagal ng maikli o mahabang panahon.
- Nagiging discomfort na lumalampas sa kakayahan ng isang tao na makayanan ito.
Eustress vs. Distress
Sa Pilipinas, ang isang pangunahing pinagmumulan ng stress ay ang pagsisikip ng trapiko na nagpapahirap sa mga tao sa pag-commute. Bukod sa mabigat na trapiko, kailangang harapin din ng mga taong walang sariling sasakyan ang mga problema sa transportasyon. Kasama din ang pabago-bagong panahon, tumataas na pamasahe, at ang pagbibiyahe na tumatagal sa average na 3-4 na oras bawat araw.
Ang karanasang ito ay napakadaling ikategorya bilang distress. Ang iba pang mga karanasan at kaganapan ay hindi madaling ikategorya, sa positibo at negatibong pinagmumulan ng stress.
Ngunit ginawa ng mga eksperto ang mga sumusunod na generalization kung ano ang good at bad stress:
Eustress
- Bagong romantikong relasyon, pakikipag-date o kasal
- Pagsisimula ng bagong trabaho, lalo na kung kakatapos mo lang, o nakakakuha ng promosyon
- Bumili o nakakaranas ng isang bagay na dati mong hindi kayang bilhin, tulad ng bahay o mamahaling bag, o travel
- Ang pagkakaroon ng anak
- Nag-eehersisyo
- Ang pagtataguyod ng isang bagay na kasiya-siya, tulad ng pagpaplano ng bakasyon o isang bagong libangan
- Pagreretiro sa isang trabahong gusto mo
Distress
- Pagbabago sa pamilya tulad ng kamatayan, divorce, at iba pang uri ng paghihiwalay o interpersonal na relasyon
- Kawalan ng trabaho, job insecurity, o trabahong masyadong napakahirap gawin, o toxic workplace
- Problema sa pera, tulad ng utang o pagkabangkarote
- Mga problemang nauugnay sa bata, tulad ng bullying o problema sa pag-uugali
- Mental, pisikal o emosyonal na sakit, personal man o sa pamilya
- Traumatikong karanasan o pang-aabuso
- Pagreretiro nang walang ipon