Ano ang mga epekto ng depresyon sa katawan at utak?
Ang depresyon ay isang malubhang problema sa kalusugan na nakakaapekto sa milyun-milyong tao sa buong mundo. Sa kabila din ng mga pagsulong na ginawa para sa mental health. Marami pa ring maling impormasyon at maling akala tungkol sa depresyon. Isa sa mga karaniwang paniniwala— ang depresyon ay “nasa isip lang.”
Ngunit ang katotohanan ang depresyon ay tulad ng anumang pisikal na sakit. At ang mga epekto nito ay maaaring maging malubha para sa mental health ng isang tao.
Natuklasan ng recent studies na ang mga epekto ng depresyon sa katawan at utak ay malala. Ang pagiging depress ay maaaring magdulot ng mga problema sa pisikal na kalusugan ng isang tao. Maaari din itong magpalala ng ilang problema sa kalusugan na mayroon na ang isang indibidwal.
Sa paglipas ng panahon, maaaring magsimulang dumami ang mga epektong ito, at magdulot ng malalaking problema. Bukod pa sa mga problema sa kalusugan ng isip ng isang tao.
Narito ang ilan sa mga pisikal na epekto ng depresyon sa isang tao.
Ano ang Mga Epekto ng Depresyon sa Katawan at Utak?
Maaaring paliitin ng depresyon ang ilang bahagi ng utak
Ayon sa researches mula sa Keck School of Medicine ng USC, ang chronic depression ay nakakaapekto sa hippocampus ng isang tao. O sa bahagi ng utak na konektado sa memorya at pag-aaral.
Pinaniniwalaan na resulta ito ng sobrang produksyon ng corticotropin releasing hormone. Kung saan ang hormones na ito ang nagli-lead sa produksyon ng stress hormones sa brain’s hypothalamus. Para mga taong nalulungkot. Ang matagal o labis na pagtatago ng stress hormone ay humahantong sa brain atrophy, partikular sa hippocampus.
Ayon kay Paul Thompson, propesor sa Keck School of Medicine, batay sa kanilang pananaliksik “Ang mga taong nalulungkot ay patuloy na nagkakaroon ng kaunting tissue sa utak sa brain’s memory centers.”
At habang tumatagal na ang isang tao ay dumaranas ng depresyon, mas lumalala ang epekto nito sa utak.
Nalaman nila ito sa pamamagitan ng paghahambing ng brain scans sa pagitan ng mga taong may depresyon at walang depresyon. Kaugnay nito, nalaman nila na talagang may pagbabago sa brain volume pagdating sa mga taong nalulungkot.
Dahil ang depresyon ay nakakaapekto sa hippocampus. Nangangahulugan ito na ang mga taong may depresyon ay maaaring magkaroon ng problema sa pag-alala at pag-aaral ng mga bagong bagay.
Epekto ng depresyon sa katawan: Pagod at fatigue
Ang pagkapagod at fatigue ay isa pang pisikal na epekto ng depresyon. Ibig sabihin nito, ang mga taong may depresyon ay may posibilidad na magkaroon ng mas kaunting enerhiya. At hindi nila magawa ang kasing daming bagay na nagagawa ng mga taong walang depresyon.
Minsan, kahit na ang gamot sa depresyon ay hindi sapat para gamutin ang pagkapagod sa mga taong may depresyon. Ang pagkapagod ay maaari ding magpalaki ng posibilidad na ang isang tao ay magkaroon ng depresyon. Sa kabila ng treatment na isinasagawa para sa kanilang kondisyon.
Sa ilang mga kaso, ang gamot na iniinom ng isang tao para sa depresyon ay maaaring magdulot ng pagkapagod. Kaya mahalagang alalahanin ang mga sintomas na ito.
Ang treatment para sa pagkapagod ay karaniwang nagsasangkot ang mga gamot. Tulad ng psychostimulants, para makatulong na palakasin ang enerhiya ng isang tao at i-manage ang pagkapagod.
Irritable bowel syndrome
Ang depresyon ay maaari ring makaapekto sa panunaw ng isang tao. Isang kondisyon na tinatawag na irritable bowel syndrome o IBS. Ito ay maaaring lumala dahil sa pagdanas ng isang tao ng depresyon. Dahil kinokontrol ng nervous system ang colon, na nangangahulugan na maaari itong tumugon sa stress. Tulad ng pag-response nito kapag ang isang tao ay may depresyon.
Bukod pa rito, ang stress ay nakakaapekto rin sa immune system ng isang tao. At pinaniniwalaan na ang immune system ay maaari ring mag-trigger ng IBS.
Epekto ng depresyon sa katawan: Walang gana kumain
Ang pagkawala ng gana sa pagkain ay isa pang pisikal na epekto na maaaring maranasan isang tao. Kapag siya ay may depresyon.
Sinasabi na ang serotonin ay ang hormone na responsable para sa gana, mood, at nakakatulong na pigilan ang sakit. Sa paglipas ng panahon, ang pagkawala ng gana na ito ay maaaring maging sanhi ng isang tao na makaranas ng malnutrisyon. Kung saan maaari itong magpalala sa iba pang mga pisikal na sintomas.
Hirap sa pagtulog
Ang pagtulog ay napakahalaga. Kailangan nating hayaang magpahinga ang ating isip at katawan. Sa pamamagitan ng pagtulog tinutulungan tayo nito na makuha ito. Ngunit para sa isang taong may depresyon, ang kanilang sleep patterns ay maaaring biglang magbago, o maaaring hindi sila makatulog.
Ito ay maaaring maging sanhi ng kanilang pakiramdam ng mas pagod at maging mahirap para sa kanila ang trabaho. O gawin ang kanilang mga pang-araw-araw na gawain.
Epekto ng depresyon sa katawan: Sakit ng katawan
Isa pang koneksyon sa pagitan ng depresyon at physical health. Ang taong may depresyon ay may posibilidad sa pagkakaroon ng mas malala at matagal na sakit. Kumpara sa mga taong walang depresyon.
Dati, naiisip na ang epekto ng depresyon sa sakit ay sikolohikal. Gayunpaman, natuklasan ng researchers na ang sakit at depresyon ay nagbabahagi ng ilang biological mechanism. Ang sakit at depresyon ay talagang may mga pagkakatulad.
Ito ay maaaring maging mahirap lalo na para sa mga taong may malubhang problema sa kalusugan. Dahil ang kanilang depresyon ay maaaring talagang nagpapalala ng mga bagay.
At habang lumalala ang kanilang mga sintoma. Maaari silang makaramdam ng higit na pagkalungkot, at maging cycle na paulit-ulit.
Ano ang maaari mong gawin para i-manage ang depresyon?
Pagdating sa pamamahala ng depresyon, narito ang ilang bagay na makakatulong:
- Mahalagang magpagamot kung sa tingin mo ay mayroon kang depresyon. Ang isang therapist o isang doktor ay pinakamahusay na makakatulong sa’yo na pamahalaan ang iyong kondisyon.
- Alamin ang anumang mga senyales ng babala na maaaring mag-trigger ng iyong depresyon. Tinutulungan ka nitong pangasiwaan nang mas mahusay ang mga depressive episode.
- Siguraduhing inumin ang iyong gamot. Makinig sa payo ng iyong doktor at inumin ang gamot gaya ng ipinapayo.
- Subukang iwasan ang masamang bisyo, tulad ng paninigarilyo at pag-inom. Kung ginamit mo ang mga gawi na ito bilang mekanismo ng pagkaya. Maganda kung ihihinto mo na ito.
- Ang ehersisyo ay nakakatulong na mapanatiling malusog ka, at nagpapalakas din ng iyong kalooban.
- Makipag-usap sa’yong mga mahal sa buhay. Dahil ang pagkakaroon ng kausap ay maaaring makatulong na mapabuti ang iyong kalooban. At mapagaan ang pakiramdam mo.
- Matuto hangga’t maaari tungkol sa’yong kalagayan. Makakatulong ito sa’yo na maging mas mahusay sa kaalaman. Tungkol sa kung ano ang maaari mong gawin at kung paano mo haharapin ang iyong depresyon.
- Alagaan ang iyong kalusugan. Subukang manatili sa isang malusog na diyeta, at huwag pabayaan ang anumang mga sintomas ng sakit o discomfort.
Laging tandaan, na ang pagharap sa problema ay isa nang mahalagang unang hakbang sa iyong paglalakbay sa paggaling. Normal na malungkot minsan, ngunit laging sabihin sa’yong sarili na palaging may pagkakataon para sa’yo na bumuti.
Matuto pa tungkol sa kalusugan ng isip, dito.