Pamilyar ka ba sa mga kwento ng bullying? kung oo, maaaring npanood mo na o narinig ang istorya ng palabas na pinamgatang ” The Glory”. Isa ito sa K-drama series na tumatalakay sa pang-aapi at bullying na pinagbibidahan nina Song Hye-kyo at Lee Do Hyun.
Mabilis na nag-trending at sumikat ang seryeng ito dahil sa mahusay na plot at pag-arte ng buong cast ng palabas. Kaya hindi nakapagtataka kung nanatili sa Global Top Ten list ang K-drama series na ito sa loob ng limang linggo matapos i-drop ang unang batch ng mga episode nito noong Disyembre 2022.
Ang kwento ng The Glory ay tungkol kay Moon Dong-eun na biktima ng bullying na ginampanan nina Song Hye-kyo (adult version) at Jung Ji So (teen version). Makikita rin sa kabuuan ng seryeng ito ang mga paraan na ginamit ni Moon Dong-eun sa pagkuha ng hustisyang ipinagkait sa kanya noong teenager pa siya.
Kinilala ang The Glory bilang isa sa pinakabagong “long line of Korean dramas” na gumamit ng school bullying bilang plot point. Kung saan ang narrative impetus nito ay nagmumula sa real-life incidents ng karahasan sa mga paaralan sa Korea, at mahusay na naipakita ang mga ito dahil sa magaling na film directing ng seryeng ito.
Ang K-drama series na ito ay nagsilbi rin na “eye-opener” sa madla para alamin ang epekto ng bullying sa isang tao, at ano ang mga real-life issue na tinalakay sa likod ng narrative device ng The Glory.
Para malaman ang mga kasagutan sa tanong na ito, patuloy na basahin ang article na ito.
Ang totoong kwento ng pang-aabuso sa Korea
Ang fictional character ni Dong-eun sa The Glory ay nakaranas ng matinding bullying sa isang grupo ng magkakaibigan. Ipinakita ng serye ang bullying sa bidang babae sa pamamagitan nang paulit-ulit na pagpaso sa balat gamit ang hair-curling iron, sapilitang paghalik sa labi ni Dong-eun, at pagbugbog sa kanya.
Sa totoo lang maraming nakakabagabag na detalye at pangyayari kay Dong-eun ang ipinakita sa serye na ibinatay sa isang pangyayari sa totoong buhay na naganap noong 2006, sa isang girls’ school sa Cheongju, Korea.
Ayon sa mga datos may 3 batang babae sa ika-9 na baitang ang nagsagawa ng bullying sa kanilang kaklase sa loob ng 20 araw, kabilang ang pagsunog sa kanyang balat gamit ang isang curling wand. Ang pang-aabusong ito ay nagresulta sa anim na linggong pagkakaospital ng biktima para sa mga pinsala. Dahil dito, ang isa sa mga bully ay humarap sa ilang consequences para sa kanyang mga naging aksyon— at batay sa Korea Herald, inaresto ang bully na ito. Habang ang paaralan at mga guro ay nagsagawa ng “administrative measures”.
Ano ang epekto ng bullying sa isang tao?
Ang bullying ay isang paulit-ulit at nakakapinsalang pag-uugali na pwedeng ilarawan sa pamamagitan ng “power imbalance” sa pagitan ng perpetrator at biktima. Ipinakita sa The Glory na ang bullying ay maaaring maganap sa pagitan ng mayaman at mahirap. Kung saan, iminungkahi rin ng mga research na ang pananakot ay isa ring anyo ng bullying na nagaganap sa iba’t ibang socioeconomic group.
Inilahad din ng serye ang mga posibleng epekto ng bullying sa isang tao, gaya ng pagkakaroon ng serious injuries, at psychological trauma na maaari nilang madala hanggang sa pagtanda nila.
Sa K-drama series ginamit ang mga paso ni Dong-eun bilang isang biswal na representasyon ng pang-aabuso sa kanya na nakaapekto sa paghubog sa kanyang mental health at life choices.
Ilan sa mga patunay nito ay ang mga pahayag ni Moon Dong-eun, gaya ng:
Ang pahayag na ito ay nagpapakita ng desisyon ni Moon Dong-eun na gaganti siya sa mga taong nanakit sa kanya.
Narito pa ang ilang epekto ng bullying na ipinakita rin sa The Glory:
- takot
- depresyon
- kalungkutan
- pagkabalisa
- mababang self-esteem
- pagkakaroon ng physical illness
- pag-iisip na magpakamatay
Nirerekomenda ba ng doktor ang pagganti bilang anyo ng pagpapagaling sa trauma ng bullying?
Ang trauma ay maaaring resulta ng isang malalim at nakababahalang karanasan. Kaya naman hindi imposibleng magkaroon ng trauma ang isang indibidwal mula sa bullying naranasan. Ang mga traumatic experience ay pwedeng patuloy na makakaapekto sa atin sa hinaharap. Gayunpaman, hindi imposible ang paggaling mula sa trauma na dala ng bullying.
Sa The Glory ang paghihiganti ang naging paraan ng bida upang harapin ang kanyang trauma at galit sa mga taong nanakit sa kanya. Pero sa totoong buhay ba nirerekomenda ba ito ng mga doktor?
Ayon sa mga doktor, hindi imposible na gumanti ang mga nakaranas ng bullying sa mga taong naging dahilan ng kanilang pagdurusa. Sapagkat ito ang paraan nila upang mapagaan ang kanilang loob at makaramdam ng “self fulfilment”. Gayunpaman ang pagganti ay hindi recommended ng doktor bilang anyo ng treatment sa trauma, dahil maaari lang ito magbunga ng panibagong “emotional damage” sa biktima at pagkasira ng kanyang “identity” dahil sa paggawa ng mga bagay at desisyon na bunga lamang ng galit at frustration.
Sa halip, mas inirerekomenda ng mga doktor ang mga sumusunod na paraan upang gumaling mula sa trauma ng bullying:
- i-acknowledge na naging biktima ka ng bullying upang maproseso mo ang sakit at negatibong emosyon na mayroon ka dahil sa karanasan
- huwag i-isolate ang sarili at i-priotize ang pagpapagaling sa pamamagitan ng pagpapakonsulta sa doktor at pakikipag-usap sa pinagkakatiwalaang pamilya at kaibigan
- i-recognize ang sariling halaga
- humingi ng medikal na tulong lalo na kung nakakaranas ng takot at pagkabalisa
- magpokus sa personal growth
- huwag pilitin ang sarili na gumaling agad mula sa emotional at psychological trauma, dahil ang pagpilit sa sarili na maging maayos ay maaaring magresulta ng pagkakaroon mo ng mas malaking pressure sa sarili na hindi makakatulong sa’yong mental health
Key Takeaways
Ang pananakit ng pisikal at berbal ay maaaring ituring na anyo ng bullying, at kung ikaw ay nakakaranas ng bullying, huwag mag-atubuli na ipagbigay ito sa mga mapagkakatiwalaang tao at awtoridad.