backup og meta

Pagkaadik Sa Cellphone: Paano Ito Pipigilan? Alamin Dito!

Pagkaadik Sa Cellphone: Paano Ito Pipigilan? Alamin Dito!

Ang pagkaadik sa cellphone ng mga bata ay isang malaking problema ng ating panahon na dapat solusyunan dahil sa daming masamang epekto na pwedeng idulot nito sa mga bata. Gayunpaman, naging bahagi na ng buhay ng tao ang paggamit ng internet sa kanilang smartphones, sanhi para patuloy na dumami ang mga taong nagkakaroon ng phone addiction. Kaya naman, malaking bagay kung matuturuan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa balanseng pagggamit nito. Ngunit ang tanong, paano natin sila pipigilan at didisiplinahin sa paggamit nito? 

Bago sagutin ang tanong na ito alamin muna natin kung bakit nagkakaroon ng adiksyon sa gadgets ang mga bata. 

Ano ang Pagkaadik sa cellphone?

Isa ang Pilipinas sa may pinakamataas na bilang ng taong gumagamit ng smartphone, at tinatayang nasa 74 milyon ang gumagamit ng cellphone sa bansa noong 2019 . Batay sa mga datos na ito makikita na maraming tao sa Pilipinas ang matatawag na “techy” at prone sa pagkaadik sa cellphone. 

Ang pagiging masyadong “attached” sa isang smartphone o cellphone ay maituturing na phone addiction. Sa madaling sabi, ito ay tungkol sa sobrang paggamit ng tao sa kanyang telepono sa lahat ng oras. Marami sa atin ang nahihirapang gumawa ng mga bagay dahil wala sa kanilang tabi ang kanilang smartphones na para bang kulang sila bilang tao kapag wala ito. Sa oras na mapansin mong ganito na ang iyong pakiramdam — malamang o baka may phone addiction ka na dapat tugunan.

Nauugnay ang phone addiction sa pagkaadik sa internet at pagnanais ng tao na manatiling online, at konektado hangga’t maaari sa mundo ng social media. 

Magbasa para matutunan kung paano ihinto ang pagkaadik sa cellphone.

Ano ang mga epekto ng pagkaadik sa cellphone?

Tulad ng anumang uri ng adiksyon, ang phone addiction ay maaaring magkaroon ng ilang negatibong epekto, at masasabi na problema ito lalo para sa mga bata, dahil ang kanilang mga utak ay umuunlad pa. Sa madaling sabi, kapag nagpatuloy ang kanilang adiksyon sa paggamit ng cellphone maaari nilang dalhin ito hanggang sa pagtanda.

Narito ang ilan sa mga posibleng epekto ng pagkaadik sa cellphone na dapat mong malaman:

  • Maaaring mabalisa o magalit ang bata sa tuwing hindi nila hawak ang kanilang phone.
  • Posibleng makaranas ng kalungkutan at pagkabalisa kapag hindi nila hawak ang kanilang phone, at kung mayroon silang compulsive need sa pagrereplay ng messages maaari silang ma-stress sa paghihintay ng replay.
  • Ang information overload ay isang posibleng epekto ng phone addiction. Ito ay nangyayari kapag ang isang tao ay nakakakuha ng mga impormasyon sa isang maikling span ng oras.
  • Maaari ring magkaroon ng adiksyon sa paglalaro kung ang bata ay patuloy na naglalaro sa kanilang phones.
  • Minsan hindi nila pinapansin ang nangyayari sa kanilang paligid o ang ibang tao kapag palagi silang nasa kanilang telepono.
  • Ang phone screens ay maaaring maging dahilan ng difficulty sa pagtulog at maaari itong humantong sa pagkakaroon ng insomnia.
  • Maaaring magdusa ang personal relationship ng isa bata kung palagi nilang gamit ang kanilang cellphones.

Dahil sa mga nakakapinsalang epektong ito, ang pag-alam kung paano ihinto ang adiksyon sa telepono ay mahalaga.

Paano ihinto ang phone addiction?

Narito ang ilang mga kongkretong paraan para ihinto ang pagkaadik sa cellphone:

I-moderate ang paggamit ng iyong cellphone

Ang isa sa mga pinakamahusay na paraan upang ihinto ang pagkaadik sa cellphone ay ang pag-iskedyul ng oras sa paggamit. Magandang plano ito para limitahan ang paggamit ng telepono para hindi ka masyadong ma-aattach at ang mga bata sa device na gamit. 

Pwede ring gawin ang pagkakaroon ng isang lugar kung saan maaari mong ilagay ang iyong cellphone sa tuwing hindi mo ito ginagamit. Gawin ito para palagiang ibalik ang iyong cellphone sa lugar na iyon upang madisiplina mo ang iyong sarili na gamitin lamang ang iyong telepono kung kailangan mo. Ang ganitong paraan ay pwedeng gawin sa anak at mga kaibigan na nais mong tulungan sa pagkakaroon ng phone addiction.

Paano ihinto ang pagkaadik sa cellphone: Magsagawa ng digital detox

Sa mga araw na ito, maaaring mabigla ang mga tao sa impormasyong nababasa nila online kaya mahalaga na magkaroon ng digital detox.

Ang digital detox ay ang hindi paghawak ng gadget o hindi pag-o-online sa isang partikular na oras at panahon. Pwede mo ring gawin ang paglalagay ng status na ‘offline’ sa mga app at serbisyo upang maiwasan ang pagkakaroon ng transaksyon sa ibang tao. Malaki ang naitutulong nito para mawala ang distractions, mapabuti ang iyong focus, at mahinto ang phone addiction.

Paano ihinto ang pagkaadik sa cellphone: I-explore ang iba pang mga libangan at interes

Minsan ginagamit na lang ng mga tao ang kanilang mga gadget dahil wala silang ibang magawa. Kaya sa halip na gumugol ng oras nang walang ginagawa sa pagtingin sa mga bagay-bagay sa’yong cellphone. Bakit hindi na lang natin tuklasin ang iba pang mga libangan at interes? Bakit hindi natin turuan at tulungan ang ating mga anak at kaibigan na bumuo ng mga bagong libangan na pwedeng magpasaya sa kanila, gaya ng paghahardin.

Paano ihinto ang phone addiction: Magbasa ng libro

Ang mga libro ay isang mahusay na mapagkukunan ng libangan at kaalaman, at hindi rin ito nagiging sanhi ng pagkapagod ng mata kung ikukumpara sa smartphone.

Kung gusto mong alisin ang iyong sarili sa paggamit ng smartphone, bakit hindi subukang magbasa ng libro? Marahil ay mayroon kang ilang mga libro na pinaplano mong basahin. Ngunit hindi mo lang mahanapan ng oras? Sa susunod na maramdaman mo ang pagnanais na tingnan ang iyong cellphone, bakit hindi kunin ang isang libro sa halip? Pwede mo ring hikayatin na magbasa ng libro ang iyong anak upang mas lumawak pa ang kanilang kaalaman at makita nila ang kahalagahan ng pagkakaroon ng libro sa buhay.

Paano ihinto ang pagkaadik sa cellphone: Mag-ehersisyo

Ang pag-eehersisyo ay isa pang mahusay na paraan upang panatilihing abala ang iyong sarili. Nakakatulong din ito para hindi ka maging masyadong “attached” sa’yong phone at mapabuti ang iyong kalusugan sa isip at pangkalahatang kagalingan. Pwede mo ring hikayatin ang iyong anak sa pag-eehersisyo para magkaroon kayo ng bonding moments, at maging masaya ang inyong pagpapalakas ng katawan at kaisipan.

Tandaan na hindi ito kailangang maging isang intense form ng exercise, dahil ang kailangan mo lang ay 30 minuto na pag-eehersisyo sa bawat araw para maging maganda ang pakiramdam mo!

Maingat na paggamit

Ang pag-alam sa mga masasamang epekto ng sobrang paggamit ng cellphones ay isang mabuting hakbang upang mapigilan ang adiksyon. Maganda rin kung magkakaroon pa tayo ng iba pang mga libangan sa buhay para hindi lamang sa cellphones iikot ang ating oras at panahon. Kung tayo ay may mga anak, maganda rin kung ituturo sa kanila ang balanseng paggamit ng smartphones sa pamamagitan ng pagtatakda ng oras ng paggamit nila.

Key Takeaways

Maaari maging sanhi ng pagkabalisa ng mga tao ang phone addiction, lalo na kung hindi nila hawak ang kanilang cellphone. Sa oras na makita ang sobrang paggamit ng isang tao, pwede mo silang pagsabihan o payuhan sa mga bagay nila na dapat gawin. Maganda kung babanggitin mo sa kanila ang mga masasamang epekto na maaaring idulot ng pagkaadik sa cellphone para magkaroon sila ng kamalayan sa bagay na ito.

Matuto pa tungkol sa Healthy Mind dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Frontiers | Cell-Phone Addiction: A Review | Psychiatry, https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fpsyt.2016.00175/full, Accessed September 25, 2020

(PDF) Is smartphone addiction really an addiction?, https://www.researchgate.net/publication/325744681_Is_smartphone_addiction_really_an_addiction, Accessed September 25, 2020

Smartphone Addiction – HelpGuide.org, https://www.helpguide.org/articles/addictions/smartphone-addiction.htm, Accessed September 25, 2020

Understanding Cell Phone Addiction, https://www.psychalive.org/cell-phone-addiction/, Accessed September 25, 2020

Are You Addicted to Your Cell Phone?, https://teens.drugabuse.gov/blog/post/are-you-addicted-your-cell-phone, Accessed September 25, 2020

Cell Phone Addiction: Stats and Signs | King University Online, https://online.king.edu/news/cell-phone-addiction/, Accessed September 25, 2020

• Smartphone users in the Philippines 2017 | Statista, https://www.statista.com/statistics/467186/forecast-of-smartphone-users-in-the-philippines/#:~:text=As%20of%202019%2C%20there%20were,smartphone%20users%20in%20the%20country., Accessed September 25, 2020

Kasalukuyang Version

10/17/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Jessica Espanto, LPT, MA, RPsy

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Nangyayari sa Rehab: Heto Ang mga Dapat Mong Asahan

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Addict Sa Phone Ang Asawa?


Narebyu ng Eksperto

Jessica Espanto, LPT, MA, RPsy

Psychology · In Touch Community Services


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement