Ang gawain ng paghawak sa iyong sarili para sa sexual pleasure o masturbasyon ay normal lamang. Karaniwan ang masturbasyon para sa mga tao sa kahit na anong edad, kasarian, o kung ikaw man ay aktibo sexually o hindi. Gayunpaman, kung mas matindi, ang masturbasyon, maaaring magresulta ito sa negatibong epekto sa iyong pagkatao. Basahin upang malaman ano ang masturbation addiction.
Masturbasyon
May iba’t ibang rason kung bakit nagma-masturbate ang mga tao:
- Gustong maunawaan ng mga tao nang mabuti ang kanilang mga katawan
- Upang maglabas ng sexual tension
- Ang pagma-masturbate ay masarap sa pakiramdam at nakatutulong na ma-relax ang mga tao
Maraming mga tao ang nae-enjoy ang masturbating kasama ng kanilang mga partner bilang bahagi ng kanilang sekswal na relasyon. Ang iba ay nagma-masturbate nang mag-isa, kahit na hindi sila aktibo sexually. Bagaman ang masturbasyon ay karaniwang bahagi ng sekswalidad ng isang tao, nahihiya pa rin ang mga tao at hindi komportable na pag-usapan ang tungkol dito. Ito ay sa kadahilanan na ang tingin pa rin ng lipunan dito ay hindi dapat at mali dahil sa bilang ng mga problema sa kalusugan kabilang ang:
- Pagkabulag
- Pagkabaog
- Pagbaba ng sexual function
- Sexual perversion
- Mental na isyu sa kalusugan
Ang masturbasyon ay sensitibo at personal na paksa pa rin para sa maraming mga tao, ngunit mayroon itong positibong epekto sa iyong kalusugan tulad ng:
- Pagbawas ng stress
- Mas madaling makatulog
- Nakatutulong sa relaxation
- Nakapagpapabuti ng confidence at self-esteem
- Nakatutulong sa pag-release ng endorphins (tulad ng opioid sa utak na neurotransmitters) na nagiging sanhi ng pakiramdam ng maginhawang mental at pisikal na pangangatawan.
Ngunit kailan makokonsidera na adiksyon ang masturbasyon? Maaari bang magdulot ng seryosong kondisyon sa kalusugan ang sobrang masturbasyon? Una kailangan muna nating sagutin kung ano ang masturbation addiction.
Ano ang Masturbation Addiction?
Ang adiksyon sa masturbation ay kinokonsiderang uri ng compulsive sexual behavior o hypersexuality disorder. Ito ay sanhi ng labis na engrossment sa sekswal na pantasya at hindi kontroladong sekswal na pagnanasa. Bilang epekto, ang isang tao ay nagiging distressed, na sanhi ng negatibong impact sa pang-araw-araw na gawain at responsibilidad kabilang ang:
- Pagtatrabaho at gawain sa paaralan
- Tiwala sa sarili
- Nakaaapekto sa relasyon sa ibang mga tao
- Ang kanyang pangkalahatang kalusugan
Ang ibang mga halimbawa ng compulsive sexual behavior ay ang paggamit ng pornograpiya, cybersex, pagbabayad sa pakikipagtalik o maraming mga sekswal na kapareha.
Senyales at Sintomas ng Masturbation Addiction
Maraming mga iba’t ibang senyales at sintomas upang matukoy na ikaw ay addicted sa masturbation.
- Nagkaroon ka ng labis at hindi makontrol na sekswal na pagnanasa at pantasya na napaglalaanan nang marami mong oras. Halimbawa, iniwan mo ang mga ginagawa mo nang maaga o hindi sumunod sa appointments upang magsagawa ng oras para sa masturbation.
- Sinusubukan na pigilan o bawasan ang pagnanais na mag-masturbate o ang pagkontrol ng iyong sekswal na pantasya ay hindi naging matagumpay.
- Pakiramdam na guilty o pagkalungkot matapos ang masturbation.
- Ikaw ay nagma-masturbate at nagsasagawa ng ibang compulsive sexual acts bilang takas mula sa realidad, pagkabalisa, o stress, pagkalungkot at depresyon.
- Mahirap para sa iyo na magsagawa at manatili ang malusog at stable na relasyon sa ibang mga tao.
- Ipinagpapatuloy mo ang pagsasagawa ng mga gawaing sekswal kahit na maaari itong maging sanhi ng gulo sa iyong trabaho, mawala ang mga mahahalagang relasyon, o maaaring maging sanhi ng pinansyal na problema o maging legal na problema.
Mga Banta at Sanhi
Kahit na anong sexual orientation, kahit na sino ay maaaring magkaroon ng masturbation addiction, ngunit karaniwan itong nangyayari sa mga lalaki. Mayroong mga salik na nagpapataas ng banta ng masturbation addiction tulad ng:
- Ang mga sexual imagery at impormasyon ay mas available na sa internet at madali nang ma-access.
- Maaari ding makaapekto ang hormones at brain chemistry sa sekswal na gawain.
- Ang masturbation ay isang bagay na gagawin mo sa pribadong lugar kaya’t ang addiction ay madali lamang na maitago o maitanggi.
- Hindi lahat ay handa na makinig kung ang paksa ay tungkol sa sekswal. Karagdagan dito ang mga pasyente na pinagdaraanan ito nang mag-isa, na nagpapalala ng kondisyon kinalaunan.
Ang pagtaas ng banta ng masturbation addiction ay karaniwan sa mga tao na:
- Biktima ng pisikal o sekswal na pang-aabuso
- Mayroong problema sa alak o droga
- Namumuhay kasama ang miyembro ng pamilya na may problema sa adiksyon
- Nakararanas ng ibang mental na kondisyon tulad ng depresyon o anxiety o maging ang adiksyon sa pagsusugal
Ang pagsasagawa ng labis na masturbasyon ay madalas na nagreresulta rin sa pagbawas ng self-esteem dahil ang compulsive na sekswal na gawain ay nakagagambala sa interaksyon sa mga tao at nagpapababa ng sexual satisfaction. Kung hindi madi-diagnose at magagamot nang maaga, maaaring humantong ang adiksyon sa:
- Pagkakaroon ng ibang mental na kondisyon
- Hirap sa pakiramdam ng guilt at kahihiyan
- Kawalan ng interes sa pagsasagawa ng sekswal na gawain sa ibang mga tao at naghahanap na lamang ng pornography
- Isinasantabi at nagsisinungaling sa iyong partner o pamilya
- Labis na pag-inom ng alak at paggamit ng ipinagbabawal na gamot
- Pag-aresto dahil sa sexual offenses
Diagnosis at Lunas
Ang mga karaniwang disorders na kaugnay ng sekswal ay karaniwang mahirap na paksa na ibahagi sa iba, at maaaring mahirap para sa iba na mapansin. Ang diagnosis ay kailangan na magsimula sa mga pasyente. Maaaring mabilis na lumala ang compulsive masturbation kaya’t mainam na matukoy ang mga maagang senyales at sintomas. Kung napansin mong kailangan mo ng propesyonal na tulong, tanungin ang iyong sarili ng mga ito:
- Kaya ko bang makontrol ang pagnanais ko sa sekswal?
- Ang sekswal na gawain ko ba ay nagpapalungkot sa akin?
- Ang gawaing sekswal ko ba ay nagdudulot ng isolation, nakasisira sa aking mga relasyon, trabaho, at maaaring humantong sa mas malalang consequences tulad ng pag-aresto?
- Sinusubukan ko bang itago ang mga gawaing sekswal ko?
Ang gamot sa masturbation addiction ay kabilang ang gamot, indibidwal na therapy, support groups, at ibang mga pamamaraan na base sa pag-aaral. Ang support groups at group therapy sa partikular ay nakapagbabawas sa pagiging mag-isa ng pasyente at ang pakiramdam ng kahihiyan. Ito ay sa pamamagitan ng panghihikayat na makipag-ugnayan sa mga tao na nakararanas din ng compulsive sexual habits.
Sa tulong ng therapy, tinuturuan ang mga pasyente na matukoy ang personal na nagti-trigger. Maging ang mga pamamaraan upang mag-cope na magagamit nito upang i-manage ang sitwasyon at emosyon. Nawa, sa pamamagitan ng akmang gamot at lunas, ang pasyente ay makaiiwas sa pagnanais ng masturbation addiction.
Mahalagang Tandaan
Ang unang hakbang upang magtagumpay ay ang paghingi ng tulong at pagtanggap na kailangan ng tulong. Kung nasa isip mo na kailangan mo ng tulong, subukan na sabihin ito at isantabi ang pakiramdam ng kahihiyan. Tandaan na ibabahagi mo ito sa iyong doktor at mananatiling confidential. Tandaan na maraming mga tao ang nakararanas ng masturbation addiction at hindi ka nag-iisa.
Matuto pa tungkol sa adiksyon dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.