backup og meta

Ano nga ba ang mga Bato sa Tonsil o Tonsil Stones?

Kung nandito ka sa artikulo na ito, maaaring may nararamdaman kang maliit na bukol sa likod ng iyong lalamunan. Nakaaabala ito at maaaring humarang sa pagsasalita mo at sa pagnguya ng paboritong snack. Ngunit ano ang mga ito? Ang artikulo na ito ay magbibigay sa iyo ng impormasyon na kailangan mong maunawaan tungkol sa bato sa tonsil.

Ano nga ba ang mga Bato sa Tonsil o Tonsil Stones?

Bato sa Tonsil, Kahulugan

Ang bato sa tonsil, o tonsilloliths, ay maliit na bukol na namumuo sa tonsils. Hindi tulad ng singaw (canker sores) ang bukol ay karaniwang pumoporma na matigas at solid na may puti o dilaw na kulay.

Ang mga maliliit na bato na ito na makikita sa likod ng lalamunan ay hindi masakit o nakahahawa. Ang ilan ay hindi mapapansin ito dahil hindi ito madaling nakikita sa bahagi ng bibig. Gayunpaman, ang ilan ay makakaramdam sa tiyak na bahagi ng pagnguya. Ang mga x-ray sa dental check-ups at iba pang oral na eksaminasyon ay nakatutulong na matukoy at makita ito. 

Isang partikular na bagay tungkol sa bato sa tonsil ay ang sanhi ng mabahong hininga, na karaniwan sa mga edad sa pagitan ng 20 hanggang 60. Ang mga tao na karaniwang nagkakaroon nito ay may paulit-ulit na kaso ng tonsillitis at maaaring mag-develop ng malaking bato sa tonsil sa mahabang panahon.

bato sa tonsil

Sanhi ng Bato sa Tonsil

Ang tonsil stones ay resulta ng lahat ng materials na namuo sa lalamunan. Sa normal na aspekto, ikaw ay kumokonsumo ng maliit na mga pagkain, dead cells, laway, at mucus particles na kalaunan ay mamumuo. Ang mga ito ay maaaring bumara sa tonsillar crypts na maaaring maging matigas, na porma ng bato.

Ang mga material ay maaaring:

  • Maliit na mga pagkain na scraps at residue
  • Calcium minerals
  • Bacteria o fungi

Ang mga bato na ito ay maaaring maranasan ng mga taong may ibang alalahanin tulad ng mabahong hininga, malalang problema sa sinus, malaking tonsils, o maging ang malalang tonsillitis.

Sintomas ng Bato sa Tonsil

Ilan sa mga karaniwang sintomas na kabilang sa bato sa tonsil ay ang mga sumusunod:

  • Dilaw o puting bukol sa tonsils
  • Patuloy na pag-ubo
  • Sakit ng lalamunan
  • Sakit sa tenga 
  • Halitosis (hindi kaaya-ayang amoy ng bibig)
  • Masakit at namamagang tonsils
  • Gasgas at strained na boses
  • Mabahong hininga
  • Hirap sa pagnguya

Mayroon ding mga kaso kung saan ang sintomas ay hindi makikita ngunit mayroong puting gelled clumps na namumuo sa tonsils. Maaari itong maging sanhi ng maliit o walang foreign na sensasyon sa katawan para sa indibidwal.

Ang mga dental x-rays, scans, at ibang oral na eksaminasyon ay makatutulong na matukoy ang development ng mga batong ito.

Paggamot sa Bato sa Tonsil

Hindi tulad ng ibang mga kondisyon, ang tonsilloliths ay hindi mapanganib. Ngunit, ito ay hindi komportable sa isang tao at maaaring nakapangangamba dahil sa mabahong hininga.

Ilan sa mga posibleng lunas na maaaring gamitin sa bahay ay:

Paggamit ng asin sa mumog o mouthwash

Ang pagmumog ay maaaring magtunaw paglipas ng panahon ng mga namuong maliit na bato. Maaari din itong makatulong sa sakit at pamamaga.

Manual na pagtanggal

Maaari mo ring manual na tanggalin ang bato na namuo sa pamamagitan ng sipilyo o cotton buds (Q-tip). Maging maingat na hindi saktan ang sarili o matamaan ang sensitibong bahagi ng iyong bibig.

Pag-ubo

Ang pag-ubo rito ay maaaring makatulong na matanggal ang mga bato.

Antibiotics

Maaaring magreseta ang iyong dentista ng antibiotics upang gumaling ang tonsils at matanggal ang mga bato.

Para sa mga may malalang kaso, maaaring magrekomenda ang doktor ng pagtanggal sa pamamagitan ng operasyon. Ito ay uumpisahan sa pagpapamanhid ng bahagi ng lalamunan at susundan ng iba pang sumusunod na pamamaraan:

Tonsillectomy

Kung naranasan ng isang tao ang paulit-ulit na tonsillitis sa mahabang panahon, maaaring ikonsidera ng doktor ang permanenteng pagtanggal ng tonsils upang matanggal ang mga bato. Ito ay upang maiwasan na mangyari ang impeksyon. Kailangan na manatili ang isa sa ospital upang isagawa ang ganitong uri ng operasyon.

Laser Tonsil Cryptolysis (LTC)

Ito ay alternatibo sa nabanggit na may kaunting tsansa ng pagdurugo at sakit. Ang laser tonsil cryptolysis ay isinasagawa ang paggamit ng CO2 o diode laser, na mas kaunting tsansa para sa mga bato na dumami at mag-develop.

Coblation Tonsil Cryptolysis (CTC)

Ang ganitong uri ng cryptolysis ay ginagamitan ng wand na nakababawas ng banta tulad ng airways fires, burns, at pinsala sa retinal.

Mahalagang Tandaan

Ang mabuting oral hygiene ang pinaka mainam at madaling paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng oral stones. Maaaring hindi ito mapaminsala at madaling magamot, ngunit maaari itong bumalik kung hindi mo aalagaan ang iyong oral na kalusugan. Manatiling hydrated upang maiwasan ang pagbabalik nito.

Matuto pa tungkol sa Kondisyon ng Lalamunan dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Tonsil Stones

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/21505-tonsil-stones

Accessed September 14, 2021

 

Tonsil Stones

https://www.healthdirect.gov.au/tonsil-stones

Accessed September 14, 2021

 

Tonsil Stones: All You Need To Know

https://www.london-ent.co.uk/news/tonsil-stones-all-you-need-to-know/

Accessed September 14, 2021

 

Tonsil Stones: Care Instructions

https://myhealth.alberta.ca/Health/aftercareinformation/pages/conditions.aspx?hwid=ace4965

Accessed September 14, 2021

 

Tuesday Q and A: Self-care steps may help prevent tonsil stones from returning

https://newsnetwork.mayoclinic.org/discussion/tuesday-q-and-a-self-care-steps-may-help-prevent-tonsil-stones-from-returning/

Accessed September 14, 2021

 

What Are Tonsil Stones?

https://www.keckmedicine.org/what-are-tonsil-stones/

Accessed September 14, 2021

 

What Are Tonsil Stones (Tonsilloliths)? Tonsil Stone Symptoms and Treatment

https://share.upmc.com/2015/07/what-are-tonsil-stones-tonsilloliths/

Accessed September 14, 2021

 

Kasalukuyang Version

02/26/2026

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang dapat kainin kapag mayroong sore throat?

Ano ang sore throat, at paano ito nagagamot?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas