backup og meta

Ano ang sore throat, at paano ito nagagamot?

Ano ang sore throat, at paano ito nagagamot?

Mga Pangunahing Kaalaman

Ang sore throat ay isang pangkaraniwang pangyayari at isang istorbo sa sinumang nakakaranas nito.  Sa artikulong ito, titingnan natin kung ano ang sore throat at ano talaga ang nagiging sanhi nito. Pati na rin kung ano ang maaari nating gawin upang gamutin ito, at maiwasan itong mangyari sa simula pa lang.

Ano ang Sore Throat?

Ang sore throat o namamagang lalamunan ay isang kondisyon na may discomfort sa lalamunan. Maaaring may irritation, pangangati, o simpleng pananakit sa bahagi ng lalamunan.

Kadalasan, lumalala ang discomfort na ito kapag sinubukan mong magsalita o lumunok. At naagiging mahirap gawin ang anumang bagay na may kinalaman sa lalamunan. 

Ano ang mga Uri ng Sore Throat?

Mayroong dalawang uri ng sore throat at ang mga ito ay kinilala sa sanhi ng namamagang lalamunan. Ang mga uri na ito ay pharyngitis at strep throat.

Ang pharyngitis ay viral infection o sore throat dahil sa isang virus. Ito ay maaaring may kasamang sipon o trangkaso at kadalasang nawawala ng kusa.

Ang strep throat, naman ay isang hindi pangkaraniwang uri ng namamagang lalamunan na sanhi ng bacterial infection. Ito ay isang impeksyon sa streptococcal at kailangan ng mga antibiotic na dapat lamang inumin sa ilalim ng pangangasiwa ng isang medical expert.

Sa artikulong ito, titingnan natin ang iba’t iba at mas partikular na mga sanhi ng sore throat na nasa ilalim ng mga kategoryang ito pati na rin ang paggamot nito.

Mga Sanhi

Ano ang mga Dahilan?

Ang mga sanhi ng namamagang lalamunan ay maaaring maging viral, bacterial, o alinman ay hindi. Para mas maayos ang artikulong ito, inuri namin ang iba’t ibang sanhi ng sore throat.

Ang unang kategorya ay viral.

Sa kategoryang ito ang mga sanhi ay may kaugnayan sa viruses na magdudulot ng sore throat. Kasama dito ang bulutong-tubig, karaniwang sipon, croup, (isang sakit sa pag-ubo na karaniwan sa mga bata), trangkaso, tigdas, at mononucleosis.

Ang ikalawang kategorya ay bacterial.

May ilang uri ng bacteria na maaaring madala ng pananakit ng lalamunan. Ngunit ang pinakakaraniwan ay ang Group A Streptococcus bacteria na tinatawag na Streptococcus pyogenes na nasa likod ng pangalawang uri ng sore throat na strep throat.

Ang ilang mga sanhi ay hindi viral o bacterial at ang mga ito ay nasa ikatlong kategorya.

Ang mga allergy sa alikabok, amag, balahibo ng alagang hayop, at pollen ay maaaring magdulot ng sore throat. At maaari itong maging mas komplikado sa pamamagitan ng postnasal drip. Ang iba pang mga irritant na hindi naman mga allergens ay maaari ding maging sanhi ng sore throat. Kabilang dito ang polusyon sa hangin, usok, mga kemikal, at mga sangkap tulad ng spices at alkohol na maaaring makairita sa lalamunan.

Ang pagkatuyo o kawalan ng humidity sa loob ng lalamunan dahil sa dry air sa loob ng bahay o habit na paghinga sa bibig ng isang tao ay maaari ding maging sanhi ng pananakit ng lalamunan. Ang gastroesophageal reflux disease o GERD na nagdudulot ng reflux at heartburn ay maaari ring makairita sa lalamunan sa pamamagitan ng pag-expose nito sa mga acid sa tiyan sa digestive system disorder na ito.

Maaari ding maging sanhi ng sore throat ang muscle strain dahil sa sa matagal na pakikipag-usap, o pagsigaw ng malakas. Ang anumang sintomas na tulad ng trangkaso tulad ng sinusitis o mga impeksyon tulad ng HIV ay maaaring magdulot din ng pananakit ng lalamunan. 

Mga sintomas

Ano ang mga Sintomas?

Ang mga sintomas ng kung ano ang sore throat ay diretso dahil ito ay may kasamang sakit o magasgas, hindi kanais-nais na sensasyon sa lalamunan na lumalala kapag nagsasalita ka o lumulunok. Gayunpaman, ang ilang mga sintomas ay maaaring mag-iba depende sa sanhi ng namamagang lalamunan.

Kasama sa iba pang mga sintomas ang hirap sa paglunok at namamaga na mga lymph node o gland na makikita sa leeg o panga mo. Ang iyong mga tonsil ay maaari ding maging mapula at namamaga o may mga puting patch at nana. Maaaring maging magasgas, nanginginig o malambot ang boses mo. Ang mga impeksyon ay magpapakita rin ng mga karaniwang sintomas tulad ng pananakit ng katawan at pananakit ng ulo, pag-ubo at pagbahing, lagnat, pagduduwal, at pagsusuka.

Risk Factors

Sino ang Nasa Panganib?

Bagama’t karaniwan ang kung ano ang sore throat, may mga risk factor sa kung gaano kadaling magkaroon ng namamagang lalamunan ang isang tao.

Ang unang risk factor ay edad. Ang mga bata o teens edad tatlo hanggang 15 ay malamang na magkaroon ng strep throat. Ito ay totoo lalo na kung mayroon silang seasonal allergies o patuloy na allergic reactions sa dander, alikabok, at amag. Ang pagka-expose sa mga irritant mula sa paninigarilyo o secondhand exposure, mga particle ng hangin mula sa polusyon, at mga kemikal mula sa mga produktong panlinis ay maaari ding maging mas madaling kapitan ng sore throat. 

Ang mga talamak o madalas na impeksyon sa sinus ay nagiging sanhi ng nasal drainage at maaari itong makairita sa lalamunan. Lalo itong lumalala kung may kasamang nakatira o nagtatrabaho sa saradong quarters. Sa ganitong mga kaso, mas madaling kumalat ang mga virus at bacteria. Ang isang taong may mahinang immunity o isang taong immunodeficient dahil sa mababang resistensya, diabetes, mga paggamot na kinasasangkutan ng mga steroid o radiation, pati na rin ang poor diet at mataas na antas ng stress ay mas malamang na magkaroon ng sore throat kaysa sa isang taong malusog.

Pag-iwas

Paano Maiiwasan ang Sore Throat

Ang sore throat ay hindi kailangang pangkaraniwan lalo na ito ay medyo simpleng maiwasan. Para maiwasan ang sore throat, kailangang iwasan ang mga mikrobyo na sanhi nito.  Ito ay kasing simple ng pagpapanatili ng good hygiene. Ang paghuhugas ng kamay, paggamit ng alcohol-based hand sanitizers, at hindi pag-share ng mga kagamitan sa pagkain ay mabisang paraan ng pag-iwas.

Ang pag-ubo o pagbahin sa mga tissue o sa iyong siko ay talagang kailangan, at palaging magandang ideya na iwasang hawakan ang mga doorknob sa publiko, mga telepono ng iba, at mga drinking fountain. Panghuli, bawasan ang pakikipag-ugnayan sa mga taong may sakit at regular na linisin ang iyong paligid.

Treatment

Treatment Para sa Sore Throat

Karaniwang hindi kinakailangan ang paggamot sa namamagang lalamunan pagdating sa viral infections. Madalas, ang mga sintomas ay nawawala ng kusa sa loob ng isang linggo.

Maaaring uminom ng mga gamot upang makatulong sa lagnat at pananakit. Kabilang dito ang acetaminophen, ibuprofen o iba pang mild pain reliever na available sa counter.

Kung sakaling mayroon kang bacterial infection, maaaring magreseta ang iyong doktor ng mga antibiotic bilang paggamot sa sore throat. Siguraduhing i-take ang full course ng mga antibiotic sa ilalim ng pangangasiwa at payo ng isang medikal na propesyonal.

Key Takeaways

Pangkaraniwan ang pananakit ng lalamunan ngunit hindi ito kailangang mangyari kung alam natin kung ano ang mga panganib, nagiging sanhi, at kung paano ito maiiwasan.

Kung hindi ginagamot ang bacterial strep sore throat, maaari itong humantong sa mga komplikasyon tulad ng sakit sa puso (rheumatic heart disease) at sakit sa bato (post streptococcal glomerulonephritis PSGN). Iyon ang dahilan kung bakit pinakamahusay na kumunsulta sa iyong doktor kung magpapatuloy ang kung ano ang sore throat.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Sore throat, https://www.nhs.uk/conditions/sore-throat/, Accessed Sept. 9, 2020

Sore throat, https://www.cdc.gov/antibiotic-use/community/for-patients/common-illnesses/sore-throat.html, Accessed Sept. 9, 2020

Sore throat, https://medlineplus.gov/sorethroat.html, Accessed Sept. 9, 2020

Sore throat, https://www.nhsinform.scot/illnesses-and-conditions/ears-nose-and-throat/sore-throat, Accessed Sept. 9, 2020

Kasalukuyang Version

09/11/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Diana Rose G. Tolentino, MD, MBA

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Tonsillitis, At Paano Ito Ginagamot? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Alamin: Paano tanggalin ang bara sa lalamunan?


Narebyung medikal ni

Diana Rose G. Tolentino, MD, MBA

Ear Nose and Throat · HMICare Clinic & Diagnostic Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement