Ang sore throat ay nagdudulot ng burning sensation sa lalamunan mo dahil sa bacteria o virus. Anuman ang sanhi nito, talagang mahirap lumunok at maaaring apektado ang gana mo sa pagkain. Kung alam mo ang mga pagkain para sa sore throat, makakatulong ito na makakain ka ng mas mahusay. At magkaroon ng tamang sustansya para sa pangangailangan ng katawan.
Uri ng Pagkain para sa Sore Throat
Nakakatulong ang pagkain upang mapagaling ang katawan lalo na kapag tamang uri ng pagkain ang kinakain. Maaari rin itong maging dahilan upang kumain ng mas mahusay at agad bumuti ang kalusugan.
Tubig
Tubig
Ang pinaka-basic sa lahat. Wala itong nutritional value ngunit maaari nitong alisin ang sanhi ng iyong sore throat sa pamamagitan ng pagtulak ng plema papuntang tiyan. Pinapanatili rin nitong hydrated ang iyong lalamunan na nakakabawas sa sakit na iyong nararamdaman. Maliban sa madalas na pag-inom ng tubig, makatutulong kung ito ay gagamitin pangmumog. Lagyan ng suka at asin ang maligamgam na tubig, atsaka ito ipangmumog. Paabutin sa masakit na bahagi ng lalamunan nang may 30 segundo at idura.
Tsaa
Ang mga tsaa ay maaaring mag-hydrate sa iyo katulad ng tubig pero dahil sa ibang dagdag na sangkap nito, ito ay nagiging mas mahusay. Sinasabing ang green tea ay nakakatulong makabawas ng pananakit ng sore throat dahil sa mga anti-inflammatory components nito. Maaari ka ring magdagdag ng kaunting pulot upang palakasin ang healing effects nito.
Honey
Kilala ang honey o pulot sa taglay nitong health benefits na kasama sa pagkain para sa sore throat. Ito ay may antibacterial properties at nilalabanan ang bacterial infections. Napagiginhawa nito ang pananakit dulot ng sore throat. Idagdag ito sa tsaa mo o gawing pampatamis sa maligamgam na tubig upang panatilihing lubricated ang iyong lalamunan.
Lemon
Ang lemon ay may taglay na Vitamin C na nagpapalakas ng immune system at nagbibigay ng ginhawa sa sore throat. Maaari itong ihalo sa iyong mga inumin at sopas upang magdagdang ng lasa sa pagkain at mapaginhawa ang iyong lalamunan. Ito ay isang uri ng pagkain para sa sore throat na magbibigay ng tiyak na ginhawa.
Sopas
Ang sopas ay madaling kainin. At ganon din ang lahat ng sangkap na idinadagdag sa sabaw at pinakukuluan hanggang lumambot. Mayroon ding mga kilalang benepisyo ang chicken soup. Dahil ito ay may mild anti-inflammatory effect para mas mabilis na gumaling ang sore throat. Ang sopas ay isa sa pinakamainan na pagkain para sa sore throat. Dahil may mga gulay at karne na nagbibigay ng nutrisyon sa iyong katawan.
Hard Candy
Ang ilang lozenges at hard candies ay may mga ugat ng licorice na may mga sangkap na tumutulong sa paggamot ng pamamaga. Pinabubuti nito ang saliva production upang hindi matuyo ang iyong lalamunan.
Malambot na Pagkain
Ilang halimbawa tulad ng mashed potatoes at yogurt, ang malambot na pagkain ay mas madaling lunukin kumpara sa dry food. Binabawasan nito ang stress sa lalamunan kapag lumulunok ka.
Mga Pagkain na Dapat Iwasan
Narito ang ilang mga pagkain na dapat iwasan kapag may sore throat ka. Makabubuti na may gana ka sa pagkain habang nagpapagaling. Pero iwasan ang sumusunod para mabawasan ang hindi mabuting pakiramdam sa iyong lalamunan.
Pagkaing Mahirap Lunukin
Ang pagkain tulad ng crackers, chips, at crusty na tinapay ay mahirap lunukin. Pinapatuyo din nito ang iyong lalamunan at lalong nagagasgas. Mabuting magpagaling muna bago muling kainin ang paborito mong dry snacks.
Maanghang at Acidic na Pagkain
Ang mga ganitong uri ng pagkain ay maaaring maging sanhi ng pangangati sa lalamunan at maaaring mahirap lunukin. Posible rin na magdulot ito ng acid reflux na lalong makapagpapalala sa sore throat mo.
Alcohol
Hindi magandang ideya na uminom ng alak habang nagpapagaling. Bukod sa mga posibleng negatibong epekto nito sa medication mo, pinahihina rin nito ang iyong immune system. Maaring tumagal ang recovery period mo.
Bilang karagdagan, ang alcohol ay nagpo-promote ng pag-ihi o kung tawagin natin ay ‘diuretic’. Maaaring magdulot ang pag-inom ng alcohol, lalo na kung labis, ng panunuyot ng lalamunan sanhi para ito ay lalong mairita
Bawal Manigarilyo!
Hindi ito pagkain pero iwasan ang paninigarilyo. Ang usok ng sigarilyo ay madaling makairita sa lalamunan mo.