backup og meta

Tumutulong Sipon: Posibleng Sanhi ng Kondisyon

Tumutulong Sipon: Posibleng Sanhi ng Kondisyon

Panahon na naman ngayong taon kung saan malakas ang ulan at marami ang nagkakaroon ng tumutulong sipon. Ngunit maraming mga sanhi at kondisyon na maaaring humantong sa pagkakaroon ng nito. Alamin dito.

Maaaring iba-iba ang pangalan at tawag ng mga tao dito tulad ng baradong ilong, ngunit ang tumutulong sipon ay tumutukoy sa labis na tubig na lumalabas mula sa ilong. Ang tubig na ito o mucus ay maaaring makita mula sa ilong. Ang tubig na mula sa mucus ay maaaring magpakita bilang iba’t ibang viscosities depende sa ugat na sanhi ng drainage. Maaari itong manipis o makapal, malinaw o opaque, at minsan ay patuloy na pagdaloy. Ang pagdaloy na ito ay maaaring humantong sa ubo at sakit ng lalamunan.

Karaniwang nararanasan ng mga bata nang paulit-ulit ang tumutulong sipon, malalang sipon, at uhog na berde na lumalabas, na sanhi ng discomfort.

Chronic Rhinorrhea vs. Rhinitis

Gumagamit din ng ibang termino ang mga doktor o medical practitioner para sa tumutulong sipon. “Chronic rhinorrhea” ang terminong ginagamit upang tumukoy sa tumutulong sipon. Kabilang dito ang pagtulo ng mucus na karaniwang manipis at malinaw.

Ang rhinitis sa kabilang banda ay pamamaga ng nasal tissue na karaniwang resulta ng tumutulong uhog sa mahabang panahon. Kung namamaga, posible na ang discharge ay lalabas sa ilong, mula sa likod ng iyong lalamunan o pareho.

Sanhi ng Tumutulong Sipon

Ang ilong ay sensitibong sense organ na madaling mairita. Karaniwang mula ang tumutulong sipon sa maraming posibleng sanhi, ngunit ang pinaka karaniwan ay nangyayari sa mga bata at matanda na ipaliliwanag sa ibaba.

Malamig na panahon

Gaya ng nabanggit kanina, ang panahon ay maaaring isa sa pinaka karaniwang trigger ng tumutulong sipon. Ang hindi inaasahang pagbabago ng panahon ay maaaring magpasama ng pakiramdam ng isang tao.

Karaniwang sipon at lagnat

Sa karamihan ng mga bata, ang tumutulong sipon ay maaaring kasama ng kaunting sinat tulad ng common colds na sanhi ng maraming bagay. Gayunpaman, kung hindi lulunasan nang maaga, maaari itong maging sintomas at komplikasyon tulad ng pag-ubo, pagbahing, sakit ng ulo, sakit ng lalamunan, matubig na mata, at fatigue.

Bacterial infections (sinus infections o adenoids)

Nangyayari ang sinusitis kung ang cavities ng mukha na na-drain sa ilong ay bumara sa infected mucus. Sa kabilang banda, ang adenoids sa mga bata na makikita sa likod ng ilong ay maiimpeksyon din.

Ang ibang mga kilalang sanhi ay nakalista rin sa ibaba:

  • Allergic/Non-allergic rhinitis
  • Pag-iyak
  • Sobrang paggamit ng decongestant nasal sprays
  • Deviated nasal septum
  • Pagbabago sa hormones
  • Side effects at contraindications ng ibang mga gamot
  • Nasal polyps
  • Occupational asthma
  • Pagbubuntis
  • Namamagang turbinates
  • Respiratory syncytial virus (RSV)
  • Paninigarilyo
  • Pagpasok ng foreign na bagay sa katawan
  • Nasal cysts o tumors
  • Coronavirus na sakit (COVID-19)

Kailan Magpapatingin sa Doktor

Ang tumutulong sipon ay nakakairita at inconvenient, ngunit karaniwan itong nawawala nang kusa. Gayunpaman, kung nagpatuloy ang sintomas nang higit sa 10 araw at nakaranas na ng lagnat, kailangan mo nang magpatingin sa doktor tungkol sa inaalala bago pa ito humantong sa problema tulad ng Coronavirus na sakit.

Gayundin, tandaan na ang tumutulong sipon ay maaaring maging sanhi ng seryosong problema sa mga sanggol. Kaya, tawagan ang iyong pediatrician kung napansin ang ilang senyales at sintomas na nangyayari.

Mga Gamot at Lunas

Maaaring magreseta ang doktor ng ilang mga gamot na maaari mong magamit tulad ng:

  • Decongestants: Sa decongestants ay matutulungan na mawala ang pakiramdam na ito sa pamamagitan ng pagpapatuyo ng baradong ilong. Ang ilang decongestant na gamot ay maaaring mabili nang over-the-counter, ngunit kailangan mo pa ring ikonsulta sa doktor ito bago bumili. Maaaring maging sanhi ng rebound congestion o rhinitis medicamentosa ang matagal na paggamit ng decongestants.
  • Antihistamines: Ang mga gamot ay karaniwang direktang nakatutulong upang lunasan ang allergic reactions at sintomas. Ilan sa antihistamines ay maaaring drowsy kaya’t siguraduhin na basahin ang labels.
  • Nasal sprays: Ang mga spray na ito ay nasa bote na maaari mong gamitin upang maibsan ang barado at tumutulong sipon.

Key Takeaways

Ang iyong tumutulong sipon ay maaaring madaling kapitan ng maraming irritants at allergens. Kung ito man ay sanhi ng panahon, sipon, o bacterial infection, mahalaga na madalas na i-hydrate ang iyong sarili upang maiwasan ang pagkakaroon ng mas marami pang komplikasyon.

Matuto pa tungkol sa Pangkalahatang Sintomas dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Runny nose, https://my.clevelandclinic.org/health/symptoms/17660-runny-nose Accessed September 9, 2021

Chronic Rhinorrhea (Runny Nose), https://www.stanfordchildrens.org/en/service/ear-nose-throat/conditions/chronic-rhinorrhea Accessed September 9, 2021

Stuffy or runny nose – adult, https://www.mountsinai.org/health-library/symptoms/stuffy-or-runny-nose-adult Accessed September 9, 2021

Runny Nose in the Child Care Setting (The Snuffly Child or Green Gooky Nose), https://cchp.ucsf.edu/sites/g/files/tkssra181/f/runny_en0909_0.pdf Accessed September 9, 2021

Why Does My Nose Run?, https://kidshealth.org/en/kids/nose-run.html Accessed September 9, 2021

Runny nose, https://www.beaconhealthsystem.org/library/symptoms/runny-nose?content_id=SYM-20050640 Accessed September 9, 2021

Kasalukuyang Version

01/26/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Martha Juco, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni

Martha Juco, MD

Aesthetics


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement