Maraming sintomas ng kulang sa iron na hindi dapat ipagwalang bahala. Ang iron ay isang mahalagang mineral na sangkot sa iba’t-ibang tungkulin ng katawan gaya ng pagdaloy ng oxygen sa dugo.
Kailangan ng katawan ang iron upang makagawa ng hemoglobin, isang parte ng red blood cells na nagsisilbing transportasyon para sa carbon dioxide at oxygen. Kinukuha nito ang oxygen sa baga at dinadala ito sa daluyan ng dugo. Ibabagsak ito sa mga tisyu ng katawan katulad ng balat at kalamnan. Pagkatapos, kumukuha ito ng carbon dioxide at ibinabalik ito sa baga at inilalabas.
Kapag hindi na-absorb ng katawan mo ang kinakailangan nitong iron, magkakaroon ka ng iron deficiency.
Iron deficiency anemia: Sintomas ng kulang sa iron
Ang iron deficiency anemia ay karaniwang klase ng anemia kung saan may kakulangan ang malusog na red blood cells. Mahalaga ito dahil ang red blood cells ang nagdadala ng oxygen sa mga tissues ng katawan. Kapag kulang ka ng iron hindi makakagawa ang iyong katawan ng sapat na sangkap na kailangan ng red blood cells upang maisagawa ang tungkulin nito.
Maaaring meron kang kakulangan sa iron subalit wala namang sintomas sa simula. Ngunit kung ang iyong anemia ay hindi ginamot, maaari itong magdulot ng malubhang komplikasyon. Bago mo pa mapansin ang mga sintomas, maaaring doble trabaho na ang iyong puso upang makakuha ng sapat na oxygen sa mga organs ng katawan.
Pwede itong humantong sa isang kondisyon na tinatawag na LVH o left ventricular hypertrophy. Malubha ang LVH, at maaaring mauwi sa pagkaospital o kung minsan naman ay kamatayan.
Mga sintomas ng kulang sa iron
Pagkahapo o sobrang pagod
Kabilang sa mga maagang sintomas ang pagkaramdam ng kaunting pagod. Habang tumatagal, ang kondisyon ay uusad sa iron deficiency anemia kung saan mas kapansin-pansin ang mga sintomas. Maaaring kabilang dito ang matinding pagkapagod at panghihina.
Without enough hemoglobin, less oxygen reaches your tissues and muscles, depriving them of energy. Your heart also has to work harder to move more oxygen-rich blood around your body, which can make you tired
Ang pagkapagod ay sanhi ng kakulangan sa iron na kailangan ng iyong katawan upang gumawa ng hemoglobin. At dahil kulang ka sa hemoglobin, kokonti ang oxygen na nakakaabot sa iyong tissues at muscles. Nagreresulta ito sa kawalan ng enerhiya.
Ngunit dahil normal lamang sa araw-araw na buhay ang maging pagod, mahirap matunton na mayroon ka ng iron deficiency. Gayunpaman, ang pagod na sintomas ng kulang sa iron ay maaaring sabayan ng panghihina, pagka-mayamutin, at kawalan ng konsentrasyon.
Sakit ng ulo at pagkahilo
Madalas bang sumasakit ang iyong ulo o lagi kang nahihilo? Maaaring mga sintomas na ito ng anemia na sanhi ng kakulangan ng oxygen na dumadaloy sa utak.
With anemia, the lungs overcompensate in order to bring in more oxygen, causing breathing difficulties. Low levels of hemoglobin prevent adequate oxygen from reaching the brain. Blood vessels swell, blood pressure drops, and it can result in headaches, neurological issues, and vertigo
Kung may anemia ka, napipilitan ang baga na magtrabaho ng doble upang makapagdala ng mas maraming oxygen. Nagiging sanhi ito ng kahirapan sa paghinga. Ang kakulangan ng oxygen sa utak ay maaaring magresulta sa:
- Pamamaga ng daluyan ng dugo
- Pagbaba ng presyon ng dugo
- Pananakit ng ulo
- Pagkakaroon ng neurological issues
- Vertigo
Chest pain
Ang chest pain ay isa sa sintomas ng kulang sa iron. Ang iyong puso ay nangangailangan ng oxygen upang gumana. Kung walang sapat na hemoglobin at oxygen, ang tisyu ng puso ay kikilos na parang may kapansanan. Kapag malubha na ang anemia, maaari itong humantong sa myocardial infarction o mas kilala bilang atake sa puso.
Ang mabilis na tibok ng puso at palpitations kasama ang pagkabalisa ay maaaring konektado sa kakulangan ng oxygen sa dugo. Ang mabilis na tibok ng puso ay hindi mabuti para sa iyong puso o para sa iba pang bahagi ng iyong katawan.
Ang epekto ng dobleng pagtatrabaho ng puso dahil sa kakulangan sa oxygen ay mararamdaman sa mabilis na tibok ng iyong puso. Kalaunan, ito ay maaaring magpalala ng mga cardiovascular issues. Ang matinding kaso ay maaaring magresulta sa enlarged heart, heart murmurs, o d kaya ay pagpalya ng puso.
Maputlang Kutis at Kuko
Ang malusog na kutis ay mamula-mula. Ang maputlang kutis at kuko ay sintomas ng kulang sa iron. Maaaring maputlang kulay ay nasa buong katawan o limitado sa isang bahagi, tulad ng mukha, gilagid, o sa loob ng labi o ibabang talukap ng mata.
Ang mga kuko naman ay maaaring puro puti, madilaw-dilaw, o manipis. Pwede ring palatandaan ang mga abnormalidad tulad ng pataas o paloob na mga hubog na kuko, at brittleness o pagkamarupok ng mga kuko.
Huwag mag-desisyon para sa sarili lalo na kung napansin mo itong mga sintomas ng kulang sa iron. Maaring may ibang karamdaman maliban sa iron deficiency anemia. Importanteng kumunsulta sa doktor upang makakuha ng sapat na paggamot sa tamang oras.