backup og meta

Sintomas ng Heat Stroke: Tandaan ang mga Warning Signs na ito!

Sintomas ng Heat Stroke: Tandaan ang mga Warning Signs na ito!

Bagama’t sanay na sanay na ang mga Pilipino sa summer, hindi nito ibig sabihin na binabalewala lang dapat ang init ng panahon. Ito ay dahil maaaring nararanasan mo na pala ang sintomas ng heat stroke, pero maaaring hindi mo ito napapansin. Sa ganitong mga sitwasyon nagiging mas mapanganib ang heat stroke lalo na kung ito ay hindi agad maagapan.

Heat Exhaustion at Heat Stroke

Bago makaranas ng heat stroke ay kadalasang nakararanas muna ng tinatawag na heat exhaustion. Kapag umiinit ang panahon, mayroong mga proseso na ginagawa ang katawan upang panatilihin ang normal na temperatura nito. Kabilang sa mga prosesong ito ang pagpapawis na nakatutulong palamigin ang katawan kapag mainit ang panahon.

Ngunit kapag labis na ang nagiging init, maaring hindi kayanin ng katawan panatilihin ang normal na temperatura. Ito ang tinatawag na heat exhaustion. Ang heat exhaustion na napabayaan at hindi naagapan ay maaaring humantong sa heat stroke na mas malalang uri ng heat exhaustion.

Heto ang mga posibleng sintomas ng heat exhaustion:

  • Matinding pagpapawis
  • Panghihina ng katawan
  • Matinding pagod
  • Pagkahilo
  • Pagsusuka
  • Cramps
  • Pananakit ng ulo

Kapag nararanasan mo ang mga sintomas na ito, mahalagang agapan agad ang heat exhaustion. Maaari kang pumunta sa mas presko o mas malamig na lugar, uminom ng tubig, maghilamos, o gumawa ng iba pang paraan upang palamigin ang iyong pakiramdam.

Sintomas ng Heat Stroke

Ngayong alam na natin ang sintomas ng heat exhaustion, pag-usapan naman natin ang sintomas ng heat stroke.

  • Pagkalito, hirap magsalita
  • Kawalan ng malay
  • Mainit na balat
  • Matinding pagpapawis
  • Pangingisay
  • Mabilis na paghinga
  • Mabilis na tibok ng puso
  • Pagsusuka

Kung papansinin ang mga sintomas ng heat stroke sa taas, ang ilan sa mga ito ay kaparehas ng sintomas ng heat exhaustion. Ito ang dahilan kaya hindi dapat balewalain ang mga sintomas na ito, dahil ang inaakalang heat exhaustion ay maaaring nakamamatay na heat stroke na pala.

Sa mga pagkakataong ikaw, ang iyong mga mahal sa buhay, o tao sa paligid mo ang makaranas ng ganitong mga sintomas, mahalagang agapan ito agad upang hindi lumala at maging mapanganib.

Ano ang maaaring gawin sa heat stroke?

Maraming paraan upang mapahupa ang sintomas ng heat stroke. Heto ang mga dapat mong tandaan:

  • Kapag nakaramdam ng sintomas, tumigil sa ginagawa at maghanap ng lugar na maaaring pagpahingahan. Mas mainam kung malilim at presko ang lugar.
  • Huwag uminom ng paracetamol o kaya aspirin kung sa tingin mo ay heat stroke ang iyong nararanasan.
  • Dahan-dahang uminom ng tubig o kaya ng juice.
  • Luwagan ang suot na damit, at alisin kung patong-patong ang suot.
  • Maghilamos ng malamig na tubig o kaya ay basain ang panyo o twalya at ipahid sa katawan.
  • Kung sa tingin mo ay mawawalan ka ng malay sa init, huwag mag-atubiling humingi ng saklolo.

Mainam rin kung ikaw ay makakapunta sa doktor kung sa tingin mo ay nakaranas ka ng heat stroke. Ito ay upang masiguradong walang long-term na epekto ang nangyari sa iyong kalusugan, at mabantayan rin ng doktor ang lagay ng iyong katawan.

Karagdagang Kaalaman

Ang heat exhaustion at heat stroke ay hinding-hindi dapat balewalain. Kung ikaw ay nakararanas ng sintomas ng heat stroke, siguraduhing agapan ito agad bago pa lumala ang sitwasyon. Huwag ipilit na magtiis o kaya balewalain ang mga sintomas nito, dahil lubhang mapanganib ang makaranas ng heat stroke, lalong-lalo na kung mawalan ka ng malay at walang taong maaaring tumulong sa iyo.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Heat Cramps, Exhaustion, Stroke https://www.weather.gov/safety/heat-illness, Accessed April 1, 2024
  2. Heat Stress Related Illness | NIOSH | CDC, https://www.cdc.gov/niosh/topics/heatstress/heatrelillness.html, Accessed April 1, 2024
  3. Heatstroke – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heat-stroke/symptoms-causes/syc-20353581, Accessed April 1, 2024
  4. Heat-related illness signs, symptoms and treatment | SA Health, https://www.sahealth.sa.gov.au/wps/wcm/connect/public+content/sa+health+internet/healthy+living/protecting+your+health/environmental+health/healthy+in+the+heat/heat-related+illness+signs+symptoms+and+treatment, Accessed April 1, 2024
  5. Heat exhaustion and heatstroke – NHS, https://www.nhs.uk/conditions/heat-exhaustion-heatstroke/, Accessed April 1, 2024
  6. Heatstroke | healthdirect, https://www.healthdirect.gov.au/heatstroke, Accessed April 1, 2024

Kasalukuyang Version

04/02/2024

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Panganib ng Microplastic sa Kalusugan, Alamin!

Epekto ng Iodine Deficiency, Alamin!


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement