backup og meta

Pisikal At Mental Na Epekto Ng Hangover Sa Kalusugan

Pisikal At Mental Na Epekto Ng Hangover Sa Kalusugan

Minsan ka na bang dumalo sa isang selebrasyon at napasobra ang pag-inom mo ng alak? O ikaw ang klase ng tao na madalas makaranas ng hangover dahil sa madalas na pag-inom ng alkohol? 

Sa katunayan marami ang umiinom sa atin ng alak para makapagpahinga at makihalubilo o socialize sa ibang tao. Ngunit ang pag-inom ng sobra-sobrang alak ay maaaring negatibong makaapekto sa iyong pisikal at mental na kalusugan. Kadalasan ang mga indibidwal na nakainom ng sobrang alak ay nakakaranas ng hangover. Pero ano nga ba ito at alam mo ba ang epekto nito sa iyong health?

Para malaman ang sagot sa tanong na ito at malaman ang epekto ng hangover sa kalusugan, patuloy na basahin ang article na ito.

Ano ang hangover?

Ayon sa National Institute on Alcohol Abuse and Alcoholism, tumutukoy ang hangover nasa isang hanay ng mga sintomas na nagaganap bilang resulta ng sobrang pag-inom ng alak. Kabilang sa mga karaniwang sintomas nito ang mga sumusunod:

  • pagkapagod
  • panghihina
  • pagkauhaw
  • pananakit ng ulo
  • pananakit ng kalamnan
  • pagduduwal
  • pananakit ng tiyan
  • pagkahilo
  • pagiging sensitibo sa liwanag at tunog
  • pagkabalisa
  • pagkamayamutin
  • pagpapawis
  • pagtaas ng presyon ng dugo

Gayunpaman ang sintomas ng hangover sa tao ay maaaring mag-iba-iba sa ibang tao.

Anu-ano ang epekto ng hangover sa kalusugan?

Ang mga sintomas ng hangover ay maaari rin na ituring bilang mga epekto ng hangover sa kalusugan ng isang tao. Pwede kang makaranas ng pisikal at mental na epekto dahil sa hangover— at narito ang mga sumusunod:

Physical effects

  • panginginig
  • pagpapawis ng sobra
  • pagkauhaw
  • Pananakit ng tiyan
  • pagsusuka
  • pagduduwal
  • pananakit at panghihina ng kalamnan
  • pananakit ng ulo
  • pamumula ng mata
  • pagkahilo
  • vertigo
  • fatigue
  • panghihina ng buong katawan
  • pagtaas ng pulso at blood pressure

Mental effects

  • depresyon
  • pagkabalisa
  • pagiging iritable/ o mainitin ang ulo
  • hindi maayos na pagdedesisyon

Dagdag pa rito, batay sa Cleveland Clinic mas malamang na magkaroon ang isang taong may hangover ng problema sa memorya, konsentrasyon at koordinasyon. Sa pangkalahatan din ang kalubhaan ng epekto sa kalusugan ng hangover at sintomas nito ay nakadepende sa kung gaano karami ang iyong nainom, kung gaano katagal, at ano ang iyong kasalukuyang health status at kondisyon.

Delekado ba magkaroon ng hangover?

Maaaring maging masakit at mapanganib ang hangover, dahil sa panahon na mayroon ka nito ang iyong atensyon, paggawa ng desisyon, at koordinasyon ng kalamnan ay maaari na maging “impaired”. Maging ang kakayahan mong magsagawa ng mahahalagang gawain, gaya ng pagmamaneho ay maaaring negatibong maapektuhan.

Paano naapektuhan ng hangover ang decision making ng tao?

Ang pag-inom ng alak ay maaaring makaapekto sa utak at katawan  sa mga komplikadong paraan, na posibleng magpabago ng ating mga pag-uugali at humantong sa mga negatibong resulta. Ayon sa article na isinulat ni Dr. Lauren Geoffrion, pwedeng magresulta ang pag-inom ng alak at hangover ng “poor judgement”, at batay sa mga pag-aaral tungkol sa epekto ng alak sa pag-iisip ng tao napag-alaman na maraming tao ang nagpakita kapansanan (impaired) sa mga proseso ng paggawa ng desisyon.

Lumalabas rin na maaari na makapagsalita at makagawa ang mga tao ng mga bagay na pagsisisihan nila sa bandang huli— o kaya naman posibleng hindi nila maalala ang kanilang mga ginawa at sinabi. May pagkakataon din na kapag umiinom ang isang tao mas nagiging mapusok sila sa pagdedesisyon.

Payo ng mga eksperto

Ang mga kahihinatnan na nauugnay sa maling paggamit ng alak ay maaaring magresulta ng hangover— at sa mga malubhang kaso ng disorder sa pag-inom ng alak. Kaya naman kung ikaw o may mahal sa buhay na nahihirapan sa maling paggamit at may adiksyon na sa pag-inom ng alak, huwag mag-atubili na humingi ng tulong sa mga doktor para mabigyan ng angkop na diagnosis at paggamot ang isang tao.

Sa oras din na hindi mawala ang mga sintomas at epekto ng hangover sa kalusugan, magpakonsulta agad sa doktor dahil maaari itong maging indikasyon sa iba pang medikal na problema sa kalusugan na dapat bigyan ng agarang medikal na atensyon. Hindi rin sa lahat ng pagkakataon ay dapat isawalang bahala ang mga epekto ng pag-inom ng alak sa kalusugan ng tao.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Mga Hangover, https://www.niaaa.nih.gov/sites/default/files/publications/Hangovers_Tagalog.pdf Accessed May 10, 2023

Hangovers, https://www.niaaa.nih.gov/publications/brochures-and-fact-sheets/hangovers#:~:text=Typical%20symptoms%20include%20fatigue%2C%20weakness,sweating%2C%20and%20increased%20blood%20pressure. Accessed May 10, 2023

Hangovers, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hangovers/symptoms-causes/syc-20373012 Accessed May 10, 2023

Hangover, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/16627-hangover Accessed May 10, 2023

7 steps to cure your hangover, https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/7-steps-to-cure-your-hangover-and-ginkgo-biloba-whats-the-verdict Accessed May 10, 2023

Decision Making and Alcohol: Health Policy Implications, 

How Alcohol Can Impair Judgement, https://alcohol.org/health-effects/inhibitions/ Accessed May 10, 2023

Kasalukuyang Version

06/13/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Panganib ng Microplastic sa Kalusugan, Alamin!

Epekto ng Iodine Deficiency, Alamin!


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement