Ang pag-inom ng sapat na tubig araw-araw ay mahalaga para sa ating kalusugan. Dahil maaaring maiwasan ng pagkonsumo ng tubig ang dehydration–isang kondisyon na maaaring magdulot sa’yo ng pagkakaroon nang hindi malinaw na pag-iisip, pagbabago sa iyong mood, pag-o-overheat ng katawan, constipation at mga bato sa kidney.
Kaya para maiwasan ang mga negatibong epekto ng dehydration, dapat alamin mo kung ano ang mga karaniwan na senyales ng dehydration upang magkaroon ka ng ideya na kulang ng tubig o fluid ang iyong katawan.
Pero bago alamin ang mga senyales ng dehydration, alamin muna natin ang ibig sabihin nito.
Ano ang dehydration?
Nangyayari ang dehydration kapag ang iyong katawan ay nawawalan ng mas maraming fluid dahil sa mga losses, at lalo na ng dahil sa hindi pag-inom ng tubig— o anumang fluid.
Kapag nabawasan ang normal water content ng katawan, sinisira nito ang balanse ng mga mineral; ito ang salts at sugar sa iyong katawan, kung saan nakakaapekto ito sa paraan ng paggana nito.
Tandaan mo na mahalaga ang tubig at fluid sa ating katawan, dahil sa iba’t ibang role nito sa mga systema ng ating katawan–pinapadulas nito ang mga kasukasuan at mata, nakakatugon sa daloy ng dugo, tumutulong sa panunaw, at paglalabas ng dumi at lason, at pagpapanatili ng kalusugan ng balat.
Senyales ng dehydration
Ayon sa Mayo Clinic, hindi palaging maaasahang early indicator ang uhaw para masabi na may pangangailangan ang katawan ng tao sa tubig. Sa katunayan, maraming tao, partikular na ang mga matatanda ang hindi nakakaramdam ng pagkauhaw kahit dehydrated na sila. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga dagdagan ang pag-inom ng tubig sa oras ng mainit na panahon o kapag may sakit ang isang indibidwal.
Narito ang mga senyales ng dehydration na maaari ring mag-iba ayon sa edad:
Para sa sanggol o bata
- pagkakaroon ng tuyong bibig, labi at dila, maging ng balat
- walang luha kapag umiiyak
- hindi nababasa ang lampin o diaper sa loob ng tatlo hanggang anim na oras
- pagkakaroon ng lubog na mata, at pisngi
- hindi masigla
- iritable
Para sa matatanda
- matinding uhaw
- hindi gaanong madalas na pag-ihi
- maitim o madilim na kulay ng ihi
- pagkapagod
- pagkahilo
- pagkalito
3 level ng dehydration
Narito naman ang 3 antas ng dehydration ayon sa Cleveland Clinic na dapat mong malaman para sa paggamot:
- Mild
Ayon sa mga artikulo, pag-aaral, at doktor, kailangan mo lang uminom ng mas maraming fluid gamit ang iyong bibig. Uminom ng tubig, ngunit marapat din ang fluids ng inumin na naglalaman ng electrolytes kung nakakaranas ka ng makabuluhang pagpapawis o pagkawala ng likido mula sa pagsusuka at pagtatae. Dapat ay bumuti ang pakiramdam mo pagkatapos ng lima o 10 minuto.
- Moderate
Ang moderate dehydration ay nangangailangan ng IV (intravenous hydration). Makukuha ito sa isang urgent care, emergency room, o ospital. Tandaan mo rin na ang mga taong maaari lamang magbigay sa iyo ng IV ay ang mga healthcare provider.
- Severe
Magpatingin sa isang healthcare provider kung malala na ang mga sintomas ng dehydration— at hindi ka na talaga nagpa-function bilang isang indibidwal. Ang pagpapatingin sa doktor o pagpunta sa ospital ay isang mahusay na hakbang para mabigyan ka ng angkop at agaran na medikal na atensyon.
Key Takeaways
Huwag mo ring kakalimutan na dapat kang uminom ng higit pang tubig o fluid kapag may mas mataas na panganib na ma-dehydrate ka, lalo na kung sobrang init ng panahon. Bukod pa rito, bagama’t lahat ng tao ay posibleng makaranas ng dehydration, maaari pa rin na mag-iba ang mga sintomas ng dehydration sa bawat edad. Dapat na maging “observant” sa mga palatandaan ng dehydration upang maiwasan ang paglala nito at sa paghantong sa iba’t ibang medikal na komplikasyon.