backup og meta

5 Gamit Sa Bahay Na Makatutulong Sa Kalusugan

5 Gamit Sa Bahay Na Makatutulong Sa Kalusugan

Ang mga bagay na nakaaapekto sa ating kalusugan ay hindi lamang ang mga bagay na pumapasok sa ating katawan, subalit maging mga bagay na nakapaligid sa atin. Ang mga salik na pangkalikasan ay lubhang nakaaapekto sa ating kalusugan. Dahil dito, dapat tayong maging maingat sa bagay na nilalapit natin sa ating katawan. Lalo na sa panahon ng kasagsagan ng COVID-19, tayo ay naging mas maingat sa epekto ng mga tiyak na produkto sa ating kalusugan. Sa artikulong ito, alamin ang listahan ng mga gamit sa bahay na maaaring makatulong sa pagkakaroon ng mas malusog na kapaligiran. Sa ganitong paraan, mabibigyan natin ang ating sarili at ang ating mga mahal sa buhay ng mas ligtas na paligid.

Kahalagahan Ng Mga Produktong Eco-Friendly

Ang mga gamit sa bahay ay ang mga bagay na ating ginagamit sa araw-araw. Kabilang dito ang mga panlinis ng appliances, mga produktong pan-disinfect (halimbawa: bleach), sabong panlaba, tina, pesticides, at motor oil.

Nagdudulot ng maraming panganib sa kalusugan ng mga tao ang ating kasalukuyang kapaligiran. Ikaw ay maaaring malantad sa nakalalasong substances tulad ng mercury, asbestos, lead, at pesticides. Lantad din ang mga tao sa polusyon sa hangin at tubig at sa mga epekto ng pagbabago ng klima. Ito ay lubhang nakaaapekto sa kung paano natin itinatapon ang ating mga basura, ginagamit ang mga natural na kayamanan, at nasisira ang ating ecosystems. Kung malanghap o pumasok sa ating katawan ang mga nakalalasong kemikal, maaaring maging malubha ang epekto nito sa ating kalusugan.

Mga Mahahalagang Gamit Sa Bahay

Basurahang Pang-Compost

Nangyayari ang composting kung sinisira ng bakterya o fungi sa lupa ang mga organikong materyales tulad ng mga tirang pagkain upang makagawa ng compost. Maaari itong gawin sa loob ng mga bahay (tulad ng condos) at sa labas (tulad ng mga basurahan sa hardin ng bahay). Dahil ang mga ito ay mayaman sa mga nutrisyon, hindi kakailanganin ang maraming pataba at pesticides. Natuklasan sa mga pag-aaral na ang mga halaman ay lumalago sa lupang may compost dahil nakakukuha ang mga ito ng mas maraming carbon dioxide mula sa hangin. Ang mga gamit sa bahay ay nakatutulong sa pagbawas ng greenhouse gases.

Smart Garden

Palaguin ang iyong sariling mga gulay sa inyong tahanan sa pamamagitan ng plant environmental monitoring system. Kahit wala kang natural na talento sa pagpapalaki ng mga halaman, ang smart garden ay awtomatikong kumokontrol sa kahulumigmigan ng lupa, temperatura at kalumigmigan ng hangin, maging sa tubig na kinakailangan ng halaman.

Air Quality Monitors

Ang devices na ito ay sumusuri sa airborne particles sa lugar o kwarto kung saan ito nakalagay. Natutukoy nito ang mga lebel ng oxygen, carbon dioxide, carbon monoxide, at maging iba pang gases. Ang pag-alam sa lebel ng volatile gases ay praktikal kung ikaw ay may problema sa paghinga o sa baga. Maaari itong makatulong sa pagpapasya kung ligtas bang manatili sa loob ng bahay at upang maiwasang lumubha ang mga sintomas. Kahit na walang problema sa baga, maaaring mapabuti ang kalidad ng hangin sa pamamagitan ng device na ito. Maaaring maghanap ng mga paraan upang takpan ang anumang butas sa bahay o magpasya kung saan ilalagay ang air purifier.

Panlinis Na Walang Kemikal

Ang mga panlinis na acidic ay nagbabago-bago ang gamit. Ginagamit ito sa pagtunaw ng hard water deposits, pagtanggal ng mantsa ng kalawang, soap films, at dumi mula sa tanso. Natural na alternatibo sa lahat ng panlinis ang acetic acid ng suka. Ang citric acid ng lemons, kalamansi, at dalandan ay ginagamit din sa parehong paraan tulad ng sa suka. Ang mga gamit sa bahay tulad ng mga ito ay maaaring pamalit sa agents ng matatapang na kemikal na panlinis.

Water Filter Pitcher

Ang tubig na iniinom ng mga tao ay maaaring may hindi kanais-nais na substances, lalo na kung ito ay mula sa gripo. Ang lead, halimbawa, ay isang mabigat na metal na matatagpuan sa mga tubo ng tubig at plumbing fixtures. Ito ay mapanganib sa anumang lebel. Ang water filter pitchers ay hindi ganap na nakapagtatanggal ng contaminants, subalit ang mga ito ay totoong makatutulong.

Key Takeaways

Ang paggawa ng mga desisyong eco-friendly pagdating sa mga gamit sa bahay ay may benepisyo hindi lamang sa kapaligiran, kung hindi maging sa ating kalusugan. Maaaring makatulong ang mga tiyak na produkto upang mas maging ligtas ang ating bahay. Maganda ang mga ito hindi lamang para sa ating kapakanan kung hindi maging ng ating mga mahal sa buhay.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Why Buy Greener Products? https://www.epa.gov/greenerproducts/why-buy-greener-products, Accessed 30 Mar 2022

Household Products, https://medlineplus.gov/householdproducts.html, Accessed 30 Mar 2022

Trash to Treasure: The Incredible Benefits of Composting, https://sph.umich.edu/pursuit/2019posts/benefits-of-composting.html, Accessed 30 Mar 2022

Smart Garden, https://innovate.mygov.in/innovation/smart-garden/, Accessed 30 Mar 2022

Air quality monitors: What to know, according to doctors, https://www.nbcnews.com/select/shopping/best-air-quality-monitors-ncna1241415, Accessed 30 Mar 2022

Selection and Use of Home Cleaning Products, https://aces.nmsu.edu/pubs/_g/G304/welcome.html, Accessed 30 Mar 2022

5 Things to Know About Water Filter Pitchers, https://www.consumerreports.org/water-filter-pitchers/things-to-know-about-water-filter-pitchers-a2385261293/, Accessed 30 Mar 2022

Kasalukuyang Version

01/04/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

4 Na Pwedeng Mangyari Sa’yo Kapag Tinamaan Ka Ng Kidlat

Pahinga: Bakit ito Mahalaga Para sa Iyong Kalusugan?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement