Nararanasan ng tao ang iba’t ibang emosyon sa iba’t ibang oras araw-araw. Ang kanilang mga mukha ay nagliliwanag kung sila ay masaya at nakakaramdam naman ng matinding kirot sa kanilang mga puso na may kalungkutan o dalamhati. Pagdating sa pag-ibig, maaaring maghalo-halo ang maraming emosyon nang sabay-sabay. Ano ang nangyayari kung umibig nang malalim sa isang tao? Alamin kung ano ang nangyayari sa katawan kapag in-love o minamahal?
Ano Ang Nangyayari Kung Na-Inlove Sa Isang Tao?
Maaaring parang cliché-ish na ang umibig ay nagpapabilis ng tibok ng iyong puso, nanlalaki ang mga mata sa paningin ng nagugustuhan, o labis na nasasabik at hindi mapakali. Ang lahat ng ito ay maaaring mangyari kapag ang isang tao ay umiibig.
Ang makita ang taong gusto mo ay naglalabas ng iba’t ibang uri ng kemikal, na tinatawag na neurotransmitters sa katawan, na responsable para sa iba’t ibang pisikal at emosyonal na mga reaksyon na mayroon ang isang tao.
Neurotransmitters At Kung Paano Ito Nakakaapekto Sa Katawan At Emosyon
Ang dopamine ay kilala na nauugnay sa pakiramdam ng kasiyahan at pagganyak. Nasasabik at nagiging mas masaya ang tao kapag nasa paligid ang taong gusto niya.
Responsable rin ang adrenaline at norepinephrine sa pagpapabilis ng tibok ng iyong puso at pagpapasigla sa pakiramdam. Pakiramdam mo mas marami kang magagawa kahit walang pahinga.
Oxytocin ay ang nagsasanhi ng paglaki ng mga mata. Pinaparamdam din nito na ligtas ka at mas nakadikit sa iyong mahal sa buhay.
Sa kabilang banda, ang Vasopressin, ay may papel na ginagampanan kapag umiibig. Tinutulungan ka nitong madama ang emotional bond sa iyong kapareha at ginagawang gusto mong mapanatili ang relasyong iyon.
Less Pain
Ipinakikita ng mga pag-aaral na ang pag-ibig ay nakakabawas din ng sakit. Ang isang bahagi ng utak ay nagpapababa sa iyong nararamdamang sakit, habang tinitingnan ang mga larawan ng iyong kapareha. Ito ay mas napatunayan sa isinagawang partikular na pag-aaral. Ang pag-ibig ay itinuring bilang isang distraction na nagbibigay-daan sa mga tao na makaramdam ng mas kaunting sakit kumpara sa iba pang mga stimuli.
Mas Mababang Posibilidad Ng Cardiovascular na Sakit
Nagpapababa rin ng panganib ng cardiovascular disease ang pagiging in love. Ang mga mag-asawa ay may mas mababang resulta ng presyon ng dugo kumpara sa mga taong walang asawa at hindi attached. Ang kabuuang pakiramdam ng kaligayahan ay maaaring mag-ambag sa pakiramdam ng kalusugan at kagalingan.
Meron Nga Bang Negatibong Epekto Ang Pagiging Inlove?
Maaaring humantong sa pag-uusisa tungkol ibang bahagi ng mga bagay ang pag-unawa sa kung ano ang mangyayari kapag umibig ka sa isang tao. Ang anumang bagay ay masama kung labis, at ginagawang “mapanganib” ang pag-ibig sa ilang punto. Ang pisikal na reaksyon ng ating katawan ay maaaring naimpluwensyahan ng ating mga emosyon at kabaliktaran.
Katulad ng pag-inom ng alak bilang epekto ng pag-ibig. Binabawasan nito ang mga epekto ng pagkabalisa at takot ng tao. Maaaring para itong positibo pakinggan, ngunit ang mga negatibong epekto ng labis na alkohol ay hindi rin maikakaila. Ang mga taong umiibig ay maaaring maging agresibo at maging lubhang sensitibo sa iba. Maaari din nitong gawing mas mababa ang tiwala ng isang tao sa ibang tao, na posibleng lumikha ng mga komplikasyon sa mga relasyon sa iba. Maaari itong magresulta sa pagseselos at sakit sa iba.
Ang pag-ibig ay maaari maging lubhang nakakahumaling. Ang pagiging in-love ay maaaring magparamdam ng magaan na pakiramdam dahil sa mga positibong emosyon. Pinapababa din ng pag-ibig ang mga antas ng serotonin ng isang tao, na mayroon sa mga taong may obsessive-compulsive disorder.
Key Takeaways
Komplikadong emosyon na maaaring maranasan ng sinuman ang pag-ibig. Nakakaapekto ito sa pisikal, emosyonal, at mental na kalagayan ng tao. Ang pag-alam kung ano ang nangyayari sa katawan kapag in-love sa isang tao ay nakakatulong upang handa ka sa mga bagay.
Mainam na maunawaan ang pagkakaiba ng pag-ibig, pagkahumaling, at attachment dahil maaaring magkatulad ang mga epekto nito. Hangga’t ito ay mutual at walang nasasaktan, ang pag-ibig ay isang karanasan na dapat pahalagahan at ibahagi sa iba.
Matuto pa tungkol sa General Health Knowledge dito.