backup og meta

Paano Malalaman Kung May Concussion? Alamin Dito

Laging ginagamit ang salitang ito sa mga sporting events kung kaya nais malaman ng karamihan kung paano malalaman kung may concussion. Isa itong pinsala sa utak na maaaring sanhi ng isang suntok sa ulo. Maaari din itong maging sanhi ng marahas na pagyanig ng utak sa loob ng bungo. Karamihan ay iniuugnay ang concussions sa sports injuries. Ngunit sa katunayan, ito ay kadalasang nagreresulta mula sa pagkahulog, pagbibisikleta o pagmamaneho ng sasakyan at iba pang uri ng banggaan.

Isang karaniwang paniniwala na ang concussion ay nangyayari lamang kung ikaw ay nawalan ng malay. Sa katunayan, karamihan sa mga taong may concussion ay hindi nawawalan ng malay. Sinuman ay maaaring nagkaroon ng concussion na hindi man lang ito nalalaman. Iyon ang dahilan kung bakit mahalagang magpasuri kahit na sa tingin mo ay hindi seryoso ang pagkabagok ng ulo.

Sintomas ng concussion

Mahalagang alamin kung paano malalaman kung may concussion dahil ito ay isang traumatiko ngunit pansamantalang pinsala sa utak. Ito ay karaniwang tumatagal lamang ng hanggang ilang araw o linggo. Bagama’t kung minsan ay nangangailangan ito ng emerhensiyang paggamot. Ang mga palatandaan at sintomas ng concussion ay karaniwang lumalabas kaagad pagkatapos ng pinsala. Gayunpaman, maaaring hindi mo alam kung gaano kalubha ang pinsala sa una. Kung minsan, ang ilang mga sintomas ay maaaring hindi agad maramdaman. Ang ilang mga tao ay maaaring magkaroon ng mas matagal na mga problema kapag nakaranas nito.

Ang mga karaniwang sintomas ng concussion ay kinabibilangan ng:

  • Pananakit ng ulo 
  • Mga problema sa konsentrasyon
  • Depekto sa memorya
  • Problema sa balanse at koordinasyon
  • Kawalan ng malay
  • Pagbaba ng mental stamina
  • Pagduduwal o pagsusuka
  • Pagkalito

Palatandaan: Paano malalaman kung may concussion

Sa mga bihirang kaso, ang concussion ay maaaring magdulot ng isang mapanganib na pamumuo ng dugo sa utak. Maaaring idiin niot ang utak laban sa bungo. Ang isang pasyente ay dapat madala agad sa emergency room kapag lumala ang mga sintomas tulad ng:

  • Kapag lumaki ang isang pupil ng mata kaysa sa isa
  • Lumalalang pananakit ng ulo
  • Mga seizure
  • Pananakit ng leeg
  • Hindi pangkaraniwang pagbabago sa pag-uugali
  • Pagka-antukin
  • Paulit-ulit na pagsusuka
  • Slurred speech
  • Problema sa pagkilala sa mga tao o lugar
  • Nadagdagang pagkalito
  • Panghihina o pamamanhid sa mga braso o binti

Dapat patuloy na suriin ang mga palatandaan ng concussion pagkatapos ng pinsala at ilang araw pagkatapos ng pinsala. Mahalagang magpatingin kaagad sa doktor kapag nagkaroon ng concussion dahil maaari itong lumala.

Pagsusuri: Paano malalaman kung may concussion

Sa concussion testing, sinusuri ang iyong cognition o ang kakayahan ng utak na mag-isip at magproseso ng impormasyon pagkatapos ng pinsala sa ulo. Ito ay isang kapaki-pakinabang na paraan upang ma-diagnose ang concussion. Ang maagang pagsusuri ay nagbibigay-daan para sa mas maagang pagpaplano at pamamahala ng concussion. Nakakatulong din ito sa mahusay na panunumbalik ng kondisyon ng utak pagkatapos ng pinsala sa ulo. Gumagamit ito ng verbal, written o computerized na pamamaraan upang matingnan ang mga brain functions tulad ng:

  • Pagka-alerto
  • Memorya
  • Atensyon at konsentrasyon
  • Bilis ng pag-iisip at paglutas ng problema
  • Kakayahang tandaan ang mga impormasyon
  • Balance at koordinasyon
  • Mga reflexes
  • Pagdinig

Medical tools: Paano malalaman kung may concussion

Bagama’t kapaki-pakinabang ang mga pagsusuring ito upang matukoy ang isang posibleng concussion, mahalaga pa ring magpasuri sa doktor. Upang matiyak, maaaring kumonsulta sa isang neurologist na gagawa ng kumpletong pagsusuri. Kabilang dito ang mga imaging tests tulad ng MRI o CT scan. Mahalaga ito upang suriin kung may hematoma or hemorrhage sa utak. Mayroon ding pagsusuri sa dugo na tinatawag na brain trauma indicator. Ang pagsusuri sa dugo na ito ay sumusukat sa mga partikular na protina sa dugo na inilabas pagkatapos ng banayad na traumatikong pinsala sa utak. Ang pagkakaroon ng mga protina na ito ay maaaring magpahiwatig ng pagdurugo ng utak.

REKOMENDASYON

Tandaan na hindi lahat ng nasaad ay makikita sa taong may concussion. Bukod dito ay iba-iba rin ang management para sa taong may concussion. Nirerekomenda na kumonsulta kaagad sa doktor kapag may injury, aksidente, o tama sa ulo.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

 

Concussion signs and symptoms

https://www.cdc.gov/headsup/basics/concussion_symptoms.html#:~:text=Balance%20problems%20or%20dizziness%2C%20or,or%20concentration%20or%20memory%20problems.

Concussion test

https://my.clevelandclinic.org/health/diagnostics/22267-concussion-test

Concussion

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/concussion/symptoms-causes/syc-20355594

Symptoms of mild TBI and concussion

https://www.cdc.gov/traumaticbraininjury/concussion/symptoms.html

Concussion

https://www.nidirect.gov.uk/conditions/concussion

Concussion

https://www.hss.edu/condition-list_concussion.asp

What to expect after a concussion

https://www.beaumont.org/conditions/what-to-expect

 

Kasalukuyang Version

08/15/2024

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Panganib ng Microplastic sa Kalusugan, Alamin!

Epekto ng Iodine Deficiency, Alamin!


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement