Ang glucose ay isang uri ng asukal na kailangan ng iyong katawan para sa enerhiya. Nakukuha ito sa pamamagitan ng pag-convert ng mga carbohydrates na kinakain mo sa glucose. Ang urine glucose test ay isang pagsusuri na ginagawa para malaman kung mataas ang level ng glucose sa iyong ihi. Mahalaga ito dahil ang mataas na level ng glucose ay pwedeng magresulta sa iba’t ibang komplikasyon, o maaaring maging nakakamatay. Basahin dito ang mga dapat malaman kung para saan ang urine glucose test.
Kadalasang ginagawa ang urine glucose test para ma-monitor ang glucose level ng diabetic o prediabetic na mga pasyente. Kung may mga sintomas tulad ng sobrang pagkauhaw, madalas na pag-ihi, pagkapagod, at iba pa, maaaring regular na magsagawa ng test ang doktor. Ito ay upang masuri ang glucose level sa iyong katawan. At pagkatapos ay magrereseta nang naaayon na gamot at dosage.
Para saan ang urine glucose test?
Ginagawa ang test na ito sa pamamagitan ng pagkuha ng urine sample mula sa pasyente. At pagkatapos ay gagawin ang testing sa laboratoryo.
Maaaring maging mataas ang sugar levels dahil sa unhealthy lifestyle o dahil sa genetic conditions. Bagamat walang paraan para maiwasang mangyari ang type 1 diabetes, tiyak na makakatulong ang napapanahong pagsusuri na maiwasan ang type 2 diabetes. Dagdag pa rito, mahalaga ito dahil kung hindi ma-monitor, ang mataas na sugar level sa dugo, maaari itong maging type 2 diabetes.
Maaari itong magkaroon ng karagdagang komplikasyon sa puso, bato, nerves at iba pa. Para saan ang urine glucose test? Mahalaga ang urine glucose test upang matiyak na hindi mangyayari ang komplikasyon at makatulong sa monitoring ng blood sugar levels. Kasama na rin na maiwasan ang hindi makontrol na pagtaas ng asukal sa dugo na nagreresulta sa mas malubhang mga sitwasyon.
Alamin natin ang iba pa tungkol sa test, ang pamamaraan at mga komplikasyon, kasama kung paano bigyang-kahulugan ang mga resulta kapag nakuha mo ito.
Bakit ginagawa ang urine glucose test?
Mahalagang masuri ang level ng glucose sa katawan dahil nakakatulong ito sa doktor na masuri ang kondisyon mo. Kung hindi papansinin, ang diabetes o mataas na sugar level ay maaaring maging malubhang sakit sa bato at maging sanhi ng nerve issues. Maaari rin itong makamatay kung mananatiling hindi nasuri at hindi ginagamot.
Tinitiyak ng urine glucose test na matukoy ito sa oras. Nakakatulong ito na malaman ng pasyente at doktor na ang blood sugar ay lubhang mataas at pwedeng humantong sa diabetes. Bilang karagdagan, nakakatulong din ito sa doktor na mas epektibong masubaybayan ang kondisyon ng isang pasyente na may diabetes.
Mahalagang isagawa ang pagsusuring ito upang maalis o magamot ang mataas na antas ng asukal sa dugo. Ang di-nagagamot na diabetes ay maaaring humantong sa ilang malubhang komplikasyon tulad ng stroke, atake sa puso, pagliit ng mga ugat, at iba pa. Karamihan sa mga kondisyong ito ay maaaring makamatay. Ang urine glucose test ay nagbibigay-daan sa doktor na matukoy kung paano kontrolin ang blood sugar level kung ito ay mataas.
Bakit dapat gawin ang urine glucose test?
Para saan ang urine glucose test? Ang glucose test ay karaniwang ginagawa kapag ang isang tao ay nagsimulang makaranas ng mga karaniwang sintomas ng mataas na sugar sa dugo o prediabetes tulad ng:
Mahalagang magpa-test kapag naghinala ka ng mataas na blood sugar. Ito ay upang masuri nang maaga ang diabetes. Kung hindi, ang mataas na level ng blood sugar, sa paglipas ng panahon ay maaaring humantong sa kondisyon na ang katawan ay hindi gumagawa ng sapat na insulin. Ito ay kung saan ang mga selula ay nagiging hindi mahusay na mag-imbak at gumamit ng glucose. Sa pagpapasuri at regular na interval, nasisiguro na ang pasyente ay hindi aabot sa ganoong bahagi.
Ang mga sintomas na ito ay sapat na upang maalerto at bumisita ka sa doktor. Sa wastong pagsusuri, ang doktor ay maaaring magrekomenda kung kinakailangan o hindi ang urine glucose test.
Mga Kinakailangan
Kinakailangang sabihin mo ang buong medical at genetic history bago isagawa ang pagsusuri. Mahalaga rin na sabihin ang anumang drug history, medical o hindi. Kasama rin ang anumang allergic conditions, kung ang mga ito ay partikular na nauugnay sa anumang uri ng gamot.
Ang mga ito, kasama ang pagsasabi ng lahat ng iyong mga sintomas, ay nakakatulong sa doktor na masuri nang tama ang kondisyon mo. Nakakatulong din itong makita kung kailangan mo ng urine glucose test o hindi. Higit pang nakakatulong ito sa doktor na malaman kung kailangan mo o hindi ng anumang uri ng gamot at ang dosage nito.
Upang ihanda ka para sa urine glucose test, maaaring hilingin ng doktor na huwag kang uminom ng partikular na gamot bago ang pagsusuri mo.
Pamamaraan
Simple lang ang pagsasagawa ng urine glucose test sa isang laboratoryo o mismong klinika ng doktor. Ang pasyente ay karaniwang binibigyan ng malinis at sterilized cup o container at hinihiling na kunin ang sample ng ihi dito.
Ang unang hakbang ay linisin ang iyong genital area. Pagkatapos nito, hayaang dumaloy ang ihi ng kaunti bago ito kolektahin sa kalagitnaan ng pag-ihi. Karaniwang sapat na ang kalahating tasa para sa pagsasagawa ng test. Siguraduhing hindi mo ito hawakan at ma-contaminate sa anumang paraan at maingat na takpan ito. Ibigay ang sample para ma-inspect bago ang pagsusuri.
Ang isa pang paraan ng testing ng glucose ay sa pamamagitan ng paggamit ng dipstick. Maaari kang bigyan nito ng isang healthcare person. Ang dipstick ay gawa sa color-sensitive pad. Sa sandaling ilagay ang mga patak ng ihi dito, nagbabago ang kulay nito. Nagpapahiwatig ito na mayroon kang mataas na glucose sa ihi.
Pag-unawa sa Test Results
Ang glucose level na 0 hanggang 0.8 millimoles bawat litro ng ihi ay itinuturing na normal. Kapag mas mataas pa dito, nagpapahiwatig ito ng health issue, kadalasan, diabetes. Kapag nalaman na ang glucose level, gagawin ang blood test para kumpirmahin ang diagnosis.
Gayunpaman, hindi ibig sabihin na ang mas mataas na level ng glucose ay nagpapahiwatig ng diabetes. May posibilidad na marami sa mga buntis ay magkaroon ng mas mataas na sugar level sa kanilang ihi. Dapat silang ma-screen para sa gestational diabetes sa ganoong kaso.
Maaaring lumabas ang isang bihirang kaso na renal glycosuria dahil sa mas mataas na glucose level sa ihi. Sa kasong ito, ang mga bato ay naglalabas ng glucose sa ihi. Ito ay isang natatanging kondisyon kung saan ang blood glucose levels ay maaaring manatiling normal, pero ang urine glucose levels ay mataas.
Ang abnormal level ng glucose sa ihi ay kadalasang nagiging dahilan para ang mga doktor ay magsagawa ng karagdagang pagsusuri upang matukoy ang eksaktong mga isyu.
Matuto nang higit pa tungkol sa Mga Pagsusuri sa Medikal dito.
[embed-health-tool-bmi]