backup og meta

Alamin: Ano ang total protein test, at kailan ito kinakailangan?

Alamin: Ano ang total protein test, at kailan ito kinakailangan?

Ang protina ay isa sa pangunahing bahagi ng dugo at bumubuo ng mahalagang bahagi ng mga selula at tisyu. Ang protina ay maaaring maiuri sa dalawa – albumin at globulin. Pinipigilan ng albumin ang pagtagas ng likido mula sa mga daluyan ng dugo, habang ang globulin ay tumutulong sa pagpapalakas ng immune system. Ang dalawang klase ng protina na ito, kasama ang kabuoang komposisyon ng protina sa dugo, ay maaaring masukat nang wasto sa pamamagitan ng pagsusuri sa dugo na tinatawag na Total Protein Test.

Sinusuri din nito ang ratio ng A/G, iyon ay, ang ration ng albumin sa globulin. Karaniwang inirerekomenda ito ng mga doktor bilang bahagi ng medikal na paggamot para sa mga kondisyong tulad ng sakit sa bato, atay at mga sakit na nagdudulot ng pagkapagod at biglaang pagbaba ng timbang.

Bakit Kailangang Magsawa ng Total Protein Test?

Ang Total Protein Test ay kadalasang bahagi ng isang regular na pagsusuri sa kalusugan. Isa rin ito sa listahan ng mga medikal na pagsusuri na bahagi ng Comprehensive Medical Panel (CMP).

Inirerekomenda ang test na ito para sa pag-diagnose ng sumusunod na kondisyon sa kalusugan:

  • Medikal na kondisyon ng bato at atay
  • Mga sakit na nagdudulot ng pagkapagod at biglaang pagbaba ng timbang
  • Edema, isang uri ng pamamaga dahil sa sobrang likido sa mga tisyu

Total Protein Test: Mga Kinakailangan

Walang kinakailangang paghahanda bago mo isagawa ang TP blood test na ito maliban kung ikaw ay nasa kasalukuyang umiinom ng mga gamot tulad ng:

  • Androgens
  • Steroids
  • Dextran
  • Corticosteroids
  • Insulin
  • Growth Hormone
  • Estrogen
  • Progesterone
  • Ammonium Ions
  • Mga pills para sa birth control
  • Phenazopyridine

Ang mga gamot na ito ay maaaring makaapekto sa magiging resulta ng total protein test. Ipaalam sa iyong doktor kung sakaling umiinom ka ng alinman sa mga gamot na nabanggit. Sabihin din ang tungkol sa anumang bitamina, halamang gamot, supplements, o gamot na iyong iniinom.

Sasabihin ng iyong doktor kung mayroon kang dapat iwasan na pagkain o inumin bago ang TP test, o kung may kailangan pang sundin na iba pang detalye. Karaniwang pinapayuhan na uminom ng maraming tubig bago ang test dahil maaaring makaapekto ang dehydration sa kawastuhan ng resulta nito.

Total Protein Test: Pag-unawa sa Mga Resulta

Ang range ng kabuoang protein na kinokonsiderang normal ay nasa pagitan ng 6 at 8.3 gramo bawat deciliter (g/dL) ngunit napapailalim sa ilang pagkakaiba-iba ng lab kung saan isinagawa ang Total Protein Test.

Nagkakaroon ng pagkakaiba-iba dahil sa edad, kasarian, proseso ng test, at pagbubuntis. Ang mababang albumin ay nauugnay sa malnutrisyon at mga sakit sa atay, at maaari itong makaapekto sa mga inoperahang pasyente dahil sa matagal na paggaling ng mga sugat. Nauugnay naman ang mataas na albumin sa pagkakaroon ng impeksyon, paso, stress mula sa operasyon o atake sa puso.

Ang mababang antas ng albumin ay hinuhulaan din ang paggaling o pagiging epektibo ng mga paggamot para sa ulcerative colitis. Mas mababang antas ng albumin ay mas mababang pagkakataon ng paggaling o matagumpay na panggamot.

ano ang total protein test

Mataas na Total Protein

Ang sobrang protein sa dugo ay maaaring sintomas ng chronic infection, isang kondisyong medikal ng bone marrow tulad ng Waldentrom’s disease, o multiple myeloma. Maaaring pahiwatig ito ng viral hepatitis, HIV/AIDS, at hepatitis B o C, na nagdudulot ng pamamaga o impeksyon.

Mababang Total Protein

Maaaring magresulta sa mababang protina ang pagkakaroon ng mga kondisyong pangkalusugan na nakakaapekto sa pag-absorb ng protina. Ito ay maaaring mga digestive disorder tulad ng celiac disease, o mga karamdaman sa atay o bato tulad ng nephrotic disorder o glomerulonephritis.

Kabilang sa iba pang mga sanhi ang matinding pagkasunog, malnutrisyon, pagdurugo, pamamaga, o pagkaantala ng paggaling pagkatapos ng operasyon.

Mataas na A/G Ratio

Itinuturing ng mga eksperto na ang normal na ratio ng A/G ay bahagyang mas mataas kaysa sa 1. Maaari itong sintomas ng mga kondisyon tulad sa bituka, leukemia, atay, mababang antas ng thyroid, o bato o mga genetic na sakit.

Mababang A/G Ratio

Ang kabuoang Protein Albumin sa Globulin Ratio ay maaaring nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng mga tumor sa bone marrow, o pagkakapilat at pamamaga ng atay tulad ng cirrhosis. Maaari din itong maging senyales ng sakit sa bato o autoimmune disease na nangyayari kapag inaatake ng immune system ang malulusog na selula ng katawan.

Kailan mo Dapat Ulitin ang Test?

Kung abnormal ang resulta ng TP blood test, maaaring magkaroon ng mga karagdagang blood test upang pag-aralan ang protina na mataas o mababa, upang makagawa ng wastong diagnosis. Sa ganitong pagkakataon, ihahambing ng iyong doktor ang nakaraang resulta ng iyong blood test, kung mayroon man.

Papayuhan kang magkaroon muli ng TP test, blood test o urine test kung nagdududa ang doktor sa naging resulta nito. Halimbawa, maaari sila magrekomenda ng Serum Protein Electrophoresis (SPEP) kung mayroon kang mataas na lebel ng kabuoang serum protein.

Maaari ka rin payuhan ng iyong doktor na magsagawa ng test kung sakaling may iba pang mga dahilan na posibleng may partikular ka na kondisyong medikal na dinaranas.

Proseso ng Total Protein Test

Ikaw ay kukuhanan ng dugo mula sa isang ugat ng isang eksperto, kadalasan ito ay sa pamamagitan ng pagpasok ng isang karayom mula sa likod ng kamay o mula sa panloob na bahagi ng siko. Kinokolekta ang dugo sa maliit na bote ng injection.

Pagkatapos, ang sample ay sumasailalim sa test gamit ang mikroskopyo upang makabuo ng resulta. Ginagawa naman sa pamamagitan ng “heel stick” ang pagkuha ng dugo sa bagong silang na sanggol mula sa isang maliit na butas sa takong. Ang mga resulta ng TP test ay makukuha sa humigit-kumulang 10 oras.

Matuto nang higit pa tungkol sa pag-diagnose at pamamahala ng sakit sa bato rito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

11/16/2022

Isinulat ni Marenila Bungabong

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Mga mobile medical laboratory sa Pilipinas

Ano ang Urine Glucose Test at Paano Ito Ginagawa?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Marenila Bungabong · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement