backup og meta

Alamin: Mga mobile medical laboratory sa Pilipinas

Alamin: Mga mobile medical laboratory sa Pilipinas

Mabibigyan ka ng laboratory services at ng iyong healthcare provider ng mas malalim na pagsusuri sa iyong kalusugan, kung dahil ba nasa tiyak na edad ka na o dahil sa mga kadahilanan tulad ng family history kaya mas mapanganib ka sa ilang kondisyon. May sakit ka man o nangangailangan ng physical check-up para sa trabaho, narito ang 15 na mobile lab sa Pilipinas na maaari mong i-book nang hindi umaalis sa inyong bahay.

Kailan dapat kumuha ng mobile lab o home service?

Nagresulta sa pagtaas ng demand sa in-home services ang COVID-19 pandemic, kung saan maaaring kumuha ng mga laboratory test at iba pang diagnostic solution sa mga nais na lugar.

Available ang mga home-based o mobile lab sa Pilipinas sa sinumang nangangailangan ng diagnostic procedure. Habang hindi makakapunta ang mga tao dahil sa kanilang schedule o dahil sa iba pang pangyayari, pinapayuhang manatili ang ilan sa bahay at iwasang pumunta ng ospital para sa mga lab procedure. Kabilang sa kanila ang mga immunocompromised patient, mga bedridden, o matatanda.

Posibleng payuhan na manatili sa bahay ang mga bagong labas na pasyente na maaaring nangangailangan din ng mga laboratory procedure.

Kung nais kumuha ng appointment sa alinman sa mga home service o mobile lab provider, narito ang 15 na mobile laboratory para sa iyong healthcare needs.

Metro Manila

St. Luke’s Medical Center

Maaaring kumuha ng mga laboratory work, teleconsultation, diagnostic test, at bakuna ang mga pasyenteng naninirahan sa Metro Manila. Nilagyan ang fully-air conditioned na sasakyan ng mga laboratory extraction chair at portable medical equipment para sa mga specialized test.

Dini-disinfect ang St. Luke’s Mobile Lab pagkatapos ng bawat paggamit, at mayroon din itong technician na nakasuot ng kompletong personal protective equipment (PPE) kapag inaasikaso nila ang mga pasyente.

Mag-book ng appointment sa St. Luke’s Product Information Hub. Upang tumawag, kontakin ang 0919-057-7744 o magpadala ng SMS sa 0919-160-7744

Healthbridge Medical Services, Inc.

Mayroong mobile diagnostic imaging at laboratory services ang Healthbridge Mobile Diagnostic Services. Kasama sa kanilang diagnostic imaging services ang sumusunod:

  • Portable X Ray
  • EKG
  • General Ultrasound

Nagbibigay din ang Healthbridge ng portable diagnostic services para sa mga homebound na pasyente, opisina, at assisted living facilities.

mobile lab sa Pilipinas

Hi-Precision Diagnostics

Hindi tayo maaaring mag-usap tungkol sa mga mobile lab sa Pilipinas nang hindi binabanggit ang High-Precision.

Isa ang Hi-Precision Diagnostics (HPD) sa pinakamalaking medical laboratory sa bansa, na nagbibigay ng pinakamalawak na sakop ng serbisyo mula routine laboratory test, imaging, multi specialty doctors’ clinics, at gumagawa din sila ng mga laboratory test na hindi madaling makuha sa bansa.

Nagbibigay sila ng home service appointment para sa kanilang laboratory services. Tumawag sa 8741-7777 para kumuha ng appointment. Maaari mo din bisitahin ang kanilang site sa www.hi-precision.com.ph 

The Medical City

May tinatawag na “TMC Lab on Wheels” na mobile laboratory services ang Medical City, na magbibigay sa iyo ng madali at napapanahong access sa wastong laboratory testing.

Nakapagbibigay ng madali at accessible na paraan ng pagkuha ng specimen ang mobile lab para sa maraming laboratory procedure ng mga pasyenteng hindi makapunta ng ospital.

Nagsasagawa ng mga sumusunod ang TMC Lab on Wheels:

  • Routine Hematology
  • Routine Blood Chemistry
  • RT-PCR
  • Routine Serological Testing
  • Routine Microscopy

Para kumuha ng appointment, tawagan ang kanilang laboratory hotline sa 8988-1000 ext. 6122 o 6421, o mag-email sa [email protected].

HomeLab

Maaaring kumuha ng request ang mga tao sa laboratory service ng HomeLab, at sumailalim sa maraming laboratory diagnostic test nang hindi pumupunta at pumipila sa mga health center at ospital. Mayroong medical technologist o phlebotomist na pupunta sa iyong bahay para suriin ka. Ipapadala sa iyong e-mail ang resulta ng standard laboratory test sa loob ng 24 hanggang 48 na oras.

Makipag-ugnayan sa HomeLab sa pamamagitan ng pag-download ng kanilang app sa App Store o Google Play.

Cardinal Santos Medical Center

Sunod sa listahan natin ng mga mobile lab sa Pilipinas ang Cardinal Santos Medical Center.

Mayroong Cardinal on Wheels mobile laboratory services ang Cardinal Santos, kung saan inilalapit nila sa iyong bahay ang expertise ng kanilang medikal na institusyon. Nirerekomenda ang Cardinal on Wheels sa mga pasyenteng naninirahan sa ilang lugar sa Metro Manila.

Nagbibigay sila ng mga sumusunod na service:

  • Blood Typing
  • Blood Chemistry
  • Cardiopulmonary Procedure
  • Complete Blood Count
  • Electrocardiography (ECG)
  • Fecalysis
  • Portable 2D Echo
  • Pain at Palliative Care
  • Urinalysis

Bisitahin ang kanilang website para malaman kung sakop ang iyong lugar.

Medicus Philippines

Nananatiling nakatuon ang Medicus sa pagbibigay ng mahusay na healthcare services sa malalayong lugar sa bansa sa pamamagitan ng mobile x-ray, ECG, at mga clinic services nito. Mayroon ding mga corporate booking ang Medicus para sa taunang Annual Physical Examination (APE) services para sa APE requirements ng mga kompanyang nangangailangan ng mass diagnostic screening.

Kasama sa iba pang mass diagnostic services para sa mga kompanya at lokal na pamahalaan ang random drug testing.

Mary Mediatrix Medical Center

Para sa mga naghahanap ng malapit na home service testing laboratories sa Batangas, nagbibigay ang mobile lab van ng Mary Mediatrix Medical Center sa Lipa City ng iba’t ibang mobile diagnostic procedure. May sariling diagnostic laboratory, X-Ray at ECG Machines, at kompletong medical equipment ang van para makapagbigay ng mass program sa mga kompanya tulad ng Pre-Employment / Medical Examination, Annual Physical Examination, at Doctor’s Consultation.

Healthlink Baguio

Isang medical diagnostic service provider sa Baguio City ang Healthlink Baguio, na nagbibigay ng medical consultation, pre-employment medical examinations, annual physical and medical exams, laboratory tests, x-ray, drug testing, ECG, ultrasound, at physical therapy.

Mayroon ding mobile laboratory services ang Healthlink kung saan maaaring mag-book ang mga kliyenteng taga-Baguio ng on-site annual physical exam pati na rin iba pang clinical at laboratory services. 

FortMed Medical Clinics

Binibigyan ng FortMed ang kanilang mga pasyente na hindi makabisita sa kanilang mga klinika ng kakayahan na makakuha pa rin ng healthcare services sa kanilang mga tahanan.

May home service din ang FortMed para sa mga laboratory test, EG, at vaccination, na may iba’t ibang diagnostic check-up packages ayon sa pangangailangan at budget ng tao.

Mag-book ng appointment sa 8897-9111 loc *300 o mag-email sa kanila sa [email protected].

mobile lab sa Pilipinas

Cebu

Hospital at Maayo Cebu

Nagbibigay ang Hospital at Maayo Cebu ng iba’t ibang komprehensibong medical test sa ilalim ng microbiology, biochemistry, hematology, histopathology, immunology, at clinical pathology. Nagsasagawa rin ng mobile diagnostic services ang laboratory unit para sa mga kompanya at industrial client.

G Lab

Bilang off-hospital laboratory sa Cebu, nais ng G Lab na makapagbigay ng mahusay na customer service na nagbibigay ng mabilis, wasto, at maaasahang clinical diagnostic at laboratory examinations para sa mga kliyente nilang migranteng manggagawa, empleyado ng kompanya, at mga pasyenteng may referral o reseta ng doktor. Mayroon din silang mobile laboratory services.

MHAM Medical and Diagnostics Center

Gustong magpa-check ng sarili ngunit hindi makaalis ng bahay o trabaho? Huwag mag-alala dahil inilalapit ng MHAM Diagnostics ang kanilang mabilis at kalidad na laboratory services sa iyo! Ilalabas ang mga laboratory result pagkatapos ng itinakdang oras at maaaring ipadala sa iyong email address.

  • Drive-thru laboratory services (blood extraction)
  • Home-service laboratory services (blood extraction)
  • Mobile laboratory services (blood extraction): para sa mga corporate mobile laboratory request

Key Takeaways

  • Tumaas ang demand para sa home-based services o mobile lab sa Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic.
  • Available ang mobile o home-based lab services sa lahat ng may diagnostic procedure requirements.
  • Pinapayuhan na kumuha ng home-based service kung immunocompromised, kagagaling lang na pasyente, matanda, o bedridden.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

10/19/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Ano ang total protein test, at kailan ito kinakailangan?

Ano ang Urine Glucose Test at Paano Ito Ginagawa?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement