Ang mammography ay isang uri ng medical imaging technique. Ito ay gumagamit ng low-dose x-ray equipment upang suriin ang loob ng mga suso. Ang mammography exam ay kilala bilang mammogram. Para saan ang mammogram? Tumutulong ito sa mga kababaihan na matukoy at masuri ang breast cancer. Mga bukol, pananakit, o anumang discharge sa utong ang pinakakaraniwang sintomas.
Mahusay na tool ang mammography para makita ng maaga ang breast cancers, benign tumors, at at mga cyst. Nakakatulong sa pagbabawas ng pagkamatay sa breast cancer ang maagang screening at diagnosis sa mga may high risk ng breast cancer, o may history ng breast cancer.
Para Saan ang Mammogram?
Mayroong dalawang pangunahing layunin kung para saan ang mammogram:
Screening Mammography
Nakikita ng screening mammography ang anumang pagbabago sa suso sa mga babaeng walang sintomas o bagong abnormalidad sa suso. Ang layunin ay ma-detect ang kanser bago pa man lumitaw ang anumang mga klinikal na sintomas.
Diagnostic Mammography
Ito ang isa pang layunin kung para saan ang mammogram. Sinisiyasat ng diagnostic mammography ang biglaang paglitaw ng bukol sa suso, breast discomfort, kakaibang hitsura ng balat, pangangapal ng utong, o discharge sa utong. Ito rin ay ginagamit upang masuri ang mga abnormal na natuklasan sa mammography screening. Sa pamamagitan ito ng karagdagang mga larawan ng mammogram na kasama sa diagnostic mammogram.
Mga Uri
Dahil sa teknolohiya at pag-unlad, nagkaroon ng pambihirang tagumpay ng tatlong iba’t ibang uri ng mammograms. Ito ay ang digital mammography, computer-aided detection, at breast tomosynthesis.
Digital mammography
Ito ay kilala rin bilang full-field digital mammography (FFDM).
Ang x-ray film ay pinapalitan ng electronics. Ang mga ito ang nagpapalit ng x-ray sa mammographic photographs ng suso sa digital mammography. Maihahambing ito sa mga ginagamit sa mga digital camera, at ang kanilang kahusayan ay nagbibigay-daan para sa mas mahusay na mga imahe habang gumagamit ng mas kaunting radiation.
Sinusuri ng radiologist ang mga mammogram na ito sa pamamagitan ng isang computer para sa long-term archiving. Sa mga karanasan ng pasyente, ito ay medyo tulad ng isang tradisyonal na film mammogram.
Computer-aided detection
Sa sistemang ito, naghahanap ng mga hindi pangkaraniwang bahagi ng density, mass, o calcification sa digitized mammographic pictures na maaaring magpahiwatig ng pagkakaroon ng kanser. Itinatampok ng CAD system ang mga rehiyong ito sa mga larawan, na nagbibigay ng senyas sa radiologist na suriing mabuti ang mga ito.
Breast tomosynthesis
Kilala ito bilang three-dimensional (3-D) mammography o digital breast tomosynthesis (DBT). Ang mga advanced na kagamitan sa breast imaging tulad nito ay nagtatala ng mga imahe ng dibdib mula sa iba’t ibang anggulo at muling pinagsama ang mga ito (“synthesize”) sa isang three-dimensional na set ng imahe.
Ang 3-D breast imaging ay maihahambing sa computed tomography (CT) imaging, na gumagamit ng sequence ng manipis na “mga hiwa” upang muling buuin ang katawan sa tatlong dimensyon.
Paano Ito Ginagawa?
Sa oras ng mammogram exam, dalawang matibay na paddle ang pumipisil sa mga suso ng babae upang ikalat ang breast tissue.
Karaniwang nangyayari ang compression na ito para sa tatlong dahilan:
- Pinapanatili nito ang dibdib sa lugar, kaya naiiwasan ang pag-blur ng x-ray image dahil sa paggalaw ng pasyente.
- Nakakatulong ito na balansehin ang tabas ng dibdib, na nagpapahintulot sa mga x-ray na gawin ang mas maikling distansya sa detector. Pinapababa nito ang radiation dose at pinahuhusay ang x-ray image quality.
- Hinahayaan nito na makita ang lahat ng tissue sa single plane upang mabawasan ang tyansa ng maliliit na anomalya na natatakpan ng nakapatong na tissue sa suso.
Ang isang x-ray machine ay gumagawa ng isang serye ng mga x-ray na dumadaan sa dibdib patungo sa isang detektor sa kabilang panig. Isang photographic film plate na kumukuha ng x-ray image sa film, o isang solid-state detector na naghahatid ng mga electronic signal sa isang computer upang lumikha ng mga digital detector images na kilala bilang mga mammogram.
Ang radiologist ay nag-i-scan para sa anumang mga palatandaan ng kanser o non-cancerous (benign) na mga sakit na maaaring mangailangan ng karagdagang pagsusuri, follow-up, o paggamot.
Ilan sa mga natuklasan na maaaring makita sa mga resulta ng x-ray ay ang mga sumusunod:
- Mga Calcification (calcium deposits) sa mga duct o iba pang mga tisyu
- Mga bukol o masa
- Asymmetric na mga lugar sa mammogram
- Mga siksik na lugar na matatagpuan lamang sa isang suso o isang partikular na lugar sa mammogram
- Biglaang paglitaw ng isang bagong siksik o makapal na lugar
Key Takeaway
Sa mammogram, nalalantad ang mga suso sa mababang level ng radiation.
Gayunpaman, mas malaki ang kagandahan ng mammography kaysa sa anumang potential risks na nauugnay sa pagkakalantad sa radiation. Ngayon ay nalaman mo kung para saan ang mammogram. Ang paggamit ng mga modernong makina na may kaunting dose ng radiation ay nagbibigay ng x-rays na may mahusay na image quality.
Matuto nang higit pa tungkol sa iba pang mga Medical Test dito.
[embed-health-tool-bmr]