backup og meta

Paano Ginagawa ang Angioplasty Surgery? Narito ang Kailangan Mong Malaman

Paano Ginagawa ang Angioplasty Surgery? Narito ang Kailangan Mong Malaman

Ang puso ay mahalagang bahagi ng katawan ng tao. Kaya naman, ang anumang medical procedure o operasyon kasangkot ito ay maaaring maging sanhi ng kaba at pag-aalala. Angioplasty ang isa sa ganitong procedure. Basahin dito kung paano ginagawa ang angioplasty upang makatulong na mapawi ang takot at pagkabalisa.

Ano ang angioplasty surgery? Paano ginagawa ang angioplasty?

Ang angioplasty ay medical procedure na inirerekomenda ng mga doktor kapag ang coronary arteries mo ay makitid o barado. Ang coronary arteries ay ang pangunahing mga daluyan ng dugo na naghahatid ng dugo sa puso kaya mahalaga na sila ay laging gumagana nang maayos.

Sa kasaysayan, ang angioplasties ay ginagawa gamit ang isang lobo upang palawakin ang mga naka-block o makitid na coronary arteries. Sa ngayon, ang angioplasty surgery ay ginagamitan ng short-wire mesh tube na tinatawag na stent, at ipinapasok sa artery. Ang stent na ito ay ipinupwesto, na nagpapahintulot sa dugo na malayang dumaloy sa arteries.

Bakit kailangan natin ito?

Ang ating puso ay nangangailangan ng patuloy na suplay ng dugo upang ito ay gumana nang maayos. Kaya naman, ang ating coronary arteries ay napakahalaga dahil sila ang responsable sa pagbibigay ng dugo sa ating puso.

Habang tumatanda tayo, ang ating coronary arteries ay kumikitid at tumitigas. Atherosclerosis ang karaniwang tawag dito. Ang pananakit ng dibdib o angina ay maaaring mangyari kapag hindi sapat ang daloy ng dugo sa ating mga puso. Kapag napatunayang hindi epektibo ang gamot sa pagpapagamot nito, irerekomenda ng iyong doktor na sumailalim ka sa angioplasty surgery. Sa matinding mga kaso, tulad ng atake sa puso, maaari ding magrekomenda ang mga doktor ng angioplasty surgery bilang emergency treatment. 

Paano ginagawa ang angioplasty?

Ginagamit ang local anaesthetic upang magsagawa ng isang angioplasty surgery.  Ibig sabihin nito na gising ka sa buong procedure. Sa pamamagitan ng incision sa iyong pulso, singit o braso, isang tube na tinatawag na catheter ang ipapasok. Dadalhin ang tube na ito sa artery gamit ang x-ray video. Kapag ang tube ay nakapwesto na, isang manipis na wire ang gagabayan sa loob ng tube na naghahatid ng isang maliit na lobo sa loob ng apektadong arterya. Ang lobong ito ay papalakihin upang palawakin ang arterya. Habang lumalaki ang lobo, dinudurog ang anumang naipon na fatty deposit. Ito ay nagbibigay-daan sa mas maraming dugo na dumaloy sa sandaling mag-deflate ang lobo.

Ang modernong angioplasty surgery ay ginagamitan ng stent. Ang stent ay ilalagay sa paligid ng lobo bago ito ipasok. Habang lumalaki ang lobo, ang stent ay ganoon din. Ang stent ay mananatili sa lugar sa loob ng arterya habang ang lobo ay nagde-deflate at naalis, na tinitiyak ang sapat na daloy ng dugo sa puso.

Mga panganib at komplikasyon

Narito ang ilang mga panganib at komplikasyon na nauugnay sa angioplasty surgery:

Maaaring kumitid muli ang arteries mo.

Kapag gumagamit ng stents, may maliit na tyansang muling magbara ang coronary arteries. 

Pamumuo ng dugo

Maaaring may mamuong dugo kahit tapos na ang procedure. Ang arteries ay maaaring sarahan ng mga clots na ito at maging sanhi ng atake sa puso.

Pagdurugo

Maaaring magkaroon ng pagdurugo sa oras ng pagpapasok ng catheter. Karaniwang nagdudulot lamang ito ng maliit na pasa. Sa ilang mga kaso, maaaring mangailangan ito ng operasyon o pagsasalin ng dugo.

Atake sa puso

Sa mga bihirang pagkakataon, maaari kang magkaroon ng atake sa puso sa oras ng procedure.

Pinsala ng coronary artery

Maaaring mapunit o masira ang iyong coronary artery habang sumasailalim sa procedure na nangangailangan ng emergency bypass surgery.

Mga problema sa bato

Ang angioplasty ay maaaring magdulot ng pinsala sa bato.

Stroke

Maaaring mangyari ang stroke sa oras ng procedure kung ang mga plaque ay kumalas. Pwedeng mamuo ang blood clots at mapunta sa utak. Bagaman napakabihira, ang blood thinners ay ginagamit upang higit na mabawasan ang panganib na magkaroon ng stroke. 

Abnormal heart rhythm

Ang puso ay maaaring tumibok nang abnormal sa panahon ng procedure. Ang mga problemang ito ay karaniwang pansamantala. Gayumpaman, kung minsan ay kinakailangan ang pangmatagalang pamamahala, tulad ng mga pacemaker o naaangkop na mga gamot.

Ligtas ba ito?

Ang mga angioplasty ay isa sa mga pinakakaraniwang procedure na nauugnay sa puso. Kadalasang itinuturing ito ng mga doktor na minimally invasive at sa pangkalahatan ay ligtas kung paano ginagawa ang angioplasty para sa karamihan ng mga tao.

Key Takeaway

Paano ginagawa ang angioplasty? Ang angioplasties ay isa sa mga pinakakaraniwang pamamaraan ng paggamot na inirerekomenda ng mga doktor para sa puso. Irerekomenda ng mga doktor ang procedure kung nakita nila na ang iyong coronary arteries ay makitid o barado. Ang  angioplasties ay karaniwang ligtas at tinitiyak na ang iyong puso ay nakakatanggap ng sapat na daloy ng dugo.
 

Matuto pa tungkol sa Medical Procedures at Surgery dito.

[embed-health-tool-heart-rate]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Overview: Coronary Angioplasty and Stent Insertion, https://www.nhs.uk/conditions/coronary-angioplasty/

Accessed March 26, 2021

 

Coronary Angioplasty and Stents, https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/coronary-angioplasty/about/pac-20384761

Accessed March 26, 2021

 

Angioplasty and Stent Treatment for the Heart, https://www.hopkinsmedicine.org/health/treatment-tests-and-therapies/angioplasty-and-stent-placement-for-the-heart

Accessed March 26, 2021

 

Angioplasty, https://medlineplus.gov/angioplasty.html#:~:text=Angioplasty%20is%20a%20procedure%20to,tiny%20balloon%20on%20the%20end

Accessed March 26, 2021

 

Understanding Angioplasty: When You Need It and When You May Not, https://www.health.harvard.edu/heart-health/understanding-angioplasty-when-you-need-it-and-when-you-may-not

Accessed March 26, 2021

Kasalukuyang Version

04/15/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Bone Marrow Transplant? Kailan Ko Ito Kailangan?

Ano Ang Buccal Fat Removal, At Ligtas Ba Ang Procedure Na Ito?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement