Ang anesthesia ay isang gamot na ibinibigay ng mga doktor sa mga pasyente upang maibsan o maiwasan ang pananakit sa oras ng operasyon. Ang tawag ng ilang mga tao dito ay “pampamanhid” sa partikular na bahagi ng katawan. Kung minsan, ang anesthesia ay maaaring maging sanhi na mawalan ng malay. Alamin sa artikulong ito ang mga uri ng anesthesia.
Bago ang anumang procedure, titingnan ng anesthesiologist ang medical history ng pasyente. Ito ay para ma-check kung may mga allergen na maaaring mag-trigger ng allergic reaction. Ang mga espesyalistang doktor na ito ay may pananagutan sa pagbibigay at pamamahala sa uri at dosage ng anesthesia sa oras ng operasyon.
Bilang bahagi ng pamamahala, pinangangasiwaan din nila ang pangangasiwa at pagtugon sa ilang mga pagbabago at alalahanin na maaaring lumabas tulad ng mga sumusunod:
- Pamamahala ng pagkabalisa at sakit
- Paghinga ng pasyente
- Heart rate
- Presyon ng dugo
- Resulta ng mismong operasyon
Mga Uri ng Anesthesia
Sa pangkalahatan, ang mga doktor ay gumagamit ng anesthetic drugs upang makagawa ng anesthesia. May apat na karaniwang uri ng anesthesia na maaaring ibigay sa isang pasyente depende sa partikular na kondisyon:
-
General Anesthesia
Ito ang karaniwang uri ng anesthesia na sinasabi ng mga tao nagpapaantok sa kanila o nagpapawala ng malay. Kapag ito ay ibinigay, posibleng ang pasyente ay walang kamalayan o mga sensasyon sa panahon ng operasyon. Ito ay karaniwang ligtas na gamitin.
Maaaring ibigay ang general anesthesia sa pamamagitan ng intravenous (IV) line. Ipapasok ang isang maliit na IV catheter sa isang ugat, karaniwan ay sa braso. Ang ibang procedure ay gas inhalation sa pamamagitan ng mask o tube.
Ang mga side effects ay:
- Pagduduwal
- Sore throat
- Antok
-
Local Anesthesia
Ang local anesthesia ay isa pa sa mga uri ng anesthesia.Ginagamit ng mga doktor ang ganitong uri upang pansamantalang mapawi ang sakit sa isang partikular na bahagi ng katawan. Hindi tulad ng general anesthesia, nananatili kang may malay kapag binigyan ka ng ganitong uri ng anesthesia. Pwedeng i-inject ang local anesthetic sa bahagi o hayaan ito sa balat para sa minor na operasyon.
Kung ang mas malaking bahagi ay kailangang mamanhid o hindi sapat ang lalim ng local anesthetic injection, gagamit ang doktor ng regional anesthetic injection.
Higit pa rito, madalas itong ginagamit ng mga doktor kasabay ng sedation para sa minor outpatient surgery. Ang surgeon o anesthesiologist ay maaaring mag-iniksyon ng local anesthesia sa pagtatapos ng ilang operasyon. Ito ay para mabawasan ang sakit sa oras ng recovery.
Ang sumusunod na mga procedure sa local type ng anesthesia ay:
- Cataract surgery
- Dental or skin/dermatology procedures
- Maliit na mga tahi ng sugat
-
Regional Anesthesia
Pinipigilan ng regional anesthetic ang pananakit at pagpapamanhid ng mas malaking bahagi ng katawan, tulad ng paa o ang buong bahagi sa ibaba ng dibdib. Sa panahon ng operasyon, maaari mong piliin na gising o sedated, bilang karagdagan sa regional anesthetic. Depende ito sa kinakailangang dosage o mga antas na kailangan ng iyong katawan.
2 Mga Uri ng Regional Anesthesia
- Spinal Anesthetic: Ito ay ginagamit para sa mga operasyon sa lower abdomen, rectal area, o iba pang bahagi ng lower extremities. Maaaring maging sanhi ng pamamanhid sa ibabang bahagi ng katawan ang needle insertion.
- Epidural Anesthetic: Ang ganitong uri ay karaniwang inirereseta sa panahon ng labor at panganganak. Ang isang ina ay maaaring makatanggap ng infusion sa takdang oras sa pamamagitan ng isang maliit na catheter (hollow tube) depende sa pain tolerance. Ipinapasok ng mga doktor ang tube sa lugar sa ibabang likod na pumapalibot sa spinal cord, na nagiging sanhi ng pamamanhid sa ibabang bahagi ng katawan. Ang operasyon sa dibdib o tiyan ay maaari ding gamitan epidural anesthesia.