backup og meta

Ano Ang Buccal Fat Removal, At Ligtas Ba Ang Procedure Na Ito?

Ano Ang Buccal Fat Removal, At Ligtas Ba Ang Procedure Na Ito?

Ano ang buccal fat removal na sinasabing ipinagawa ng mga sikat na celebrities sa Amerika? Isa sa umaming naka benepisyo sa prosesong ito ay ang modelong si Chrissy Teigen na naging prangka tungkol dito. Nag-post sa social media noong 2021 si Teigen na sumailalim sya sa buccal fat removal at masaya siya sa resulta. Para sa ibang tao, ang pagkakaroon ng bilog na istraktura ng mukha ay simbolo ng kabataan. Ngunit may ibang nagnanais na magkaroon ng mas malinaw na mga pisngi at jawline. Kung mas gusto mo ang sharp features maaaring interesado kang malaman kung pwede ang prosesong ito sa iyo.

Ano ang buccal fat?

Bawat tao ay may buccal fat, ngunit ang ilang mga tao ay may higit sa iba. Ang buccal fat ay taba sa pagitan ng cheekbones at jaw bones sa iyong mukha. Nakakatulong ang mga fat pads na ito sa pagbuo ng hugis ng iyong mukha. Ang buccal fat removal ay isang operasyon upang alisin ang taba sa bahaging ito ng iyong mukha. Maaari nitong i-highlight ang istraktura ng buto sa iyong mukha. Makikita ang diperensya lalo na sa iyong cheekbones at ang mga butas na bahagi sa pagitan ng iyong pisngi at jawline. Ang pamamaraan ay tinatawag ding cheek reduction.

Ang buccal fat removal ay isang uri ng plastic surgery

Ano ang buccal fat removal na isang uri ng plastic surgery. Layunin nito na alisin ang taba sa bahaging ito ng iyong mukha. Dahil ang plastic surgery ay isang personal na desisyon, mainam na isaalang-alang lamang ito kung talagang gusto mong baguhin ang iyong itsura. Mahalaga rin na alamin ang mga posibleng benepisyo at panganib ng pagkakaroon ng plastic surgery. Ang pamamaraang ito ay maaaring gawin kasama ng iba pang facial procedures tulad ng liposuction o facelift.

Kapag inihahanda ka para sa operasyon na ito, maglalagay ang iyong surgeon ng lokal na pampamanhid. Pagkatapos, ay gagawa ng maliit na paghiwa mula sa loob ng iyong pisngi at maingat na aalisin ang iyong mga buccal fat pad.‌ Makakauwi ka agad na may dalang mga gamot at mouthwash upang maiwasan ang impeksyon sa bibig.

Sino ang maaaring maka-benepisyo sa ano ang buccal fat removal? 

Ang layunin ng pag-alis ng buccal fat ay upang maging mas manipis ang iyong mga pisngi. Bagama’t ang mukha na natural na malambot at mataba ay itinuturing na mas mukhang bata, hindi lahat ay gusto ito. Ang ibang tao ay ayaw ng mabilog na mukha. Kung minsan ay maaaring gumamit ng make-up tricks upang magkaroon ng porma ang mukha. Ngunit kapag napagod ka na dito at talagang ayaw mo ng natural na porma ng iyong mukha, maaaring narito na ang solusyon para sa iyo.

Kung sa tingin mo na ang mabilog mong pisngi ay hindi magandang tingnan ay maaaring ikonsidera mo ang surgery na ito. Maaari mong isaalang-alang ang pamamaraang ito kapag:

  • Hindi mo gusto ang itsura ng kapunuan sa iyong mga pisngi.
  • Ikaw ay malusog at may mataas na timbang.

Maaaring hindi ka nababagay para sa pag-alis ng buccal fat kung ang iyong mukha ay makitid. Ang iyong edad ay isang konsiderasyon din dahil ang buccal fat ay natural na nababawasan sa pagtanda. Isang lisensyadong healthcare provider na may espesyal na pagsasanay ang pwedeng gumawa ng buccal fat removal surgery.

Permanente ba ang epekto ng buccal fat removal?

Permanente ang epekto ng pag-alis ng iyong buccal fat. Hindi na ito uling mabubuo pagkatapos ng operasyon. Gayunpaman, may iba pang bahagi ng taba sa loob ng parte  ito ng iyong mukha. Ang makabuluhang pagtaas ng iyong timbang ay maaaring maging sanhi ng paglaki uli ng mga bahaging ito ng iyong mukha.

Kapag sumobra ang natanggal na buccal fat ay maaaring bumagsak o mag-mukhang deflated ang iyong pisngi. Kung kaya dapat pumili ng magaling na plastic surgeon na gagawa ng operasyon. Tandaan na maaaring magpatanggal uli ng buccal fat kapag mataba pa rin ang iyong pisngi. Subalit, hind na pwedeng ibalik kung anuman ang natanggal.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Buccal fat removal

https://my.clevelandclinic.org/health/treatments/23396-buccal-fat-removal#:~:text=Buccal%20fat%20removal%20is%20generally,and%20you%20have%20a%20fever.

What to know about buccal fat removal

https://www.webmd.com/beauty/what-to-know-buccal-fat-removal#:~:text=If%20too%20much%20buccal%20fat,replace%20what%20you’ve%20removed.

Buccal fat removal

https://www.scmp.com/lifestyle/fashion-beauty/article/3205277/buccal-fat-removal-lea-michele-selfie-starts-rumours-about-cosmetic-facial-procedure-trending-among

What to do to reduce facial fat

https://www.medicalnewstoday.com/articles/326262#:~:text=Increased%20facial%20fat%20is%20typically,and%20prevent%20excess%20facial%20fat.

Buccal fat removal

https://www.plasticsurgery.org/cosmetic-procedures/buccal-fat-removal

 

Kasalukuyang Version

06/23/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Sinuri ang mga impormasyon ni Lorraine Bunag, R.N.

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Paano Ginagawa ang Angioplasty Surgery? Narito ang Kailangan Mong Malaman

Ano ang Bone Marrow Transplant? Kailan Ko Ito Kailangan?


Sinuri ang mga impormasyon ni

Lorraine Bunag, R.N.


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement