Ano ang tubal ligation?
Ang tubal ligation, na tinatawag ding female sterilization, ay isang anyo ng permanenteng birth control. Ano ang ligation? Kabilang dito ang pag-opera upang maputol o mai-block ang iyong fallopian tubes at maiwasan ang pagbubuntis.
Bawat buwan, ang mga ovary ng isang babae ay naglalabas ng isang itlog na naglalakbay sa pamamagitan sa fallopian tubes kung saan ito may maaaring mafertilize ng sperm ng lalaki, patungo sa matris. Ang ligation ay ang pamamaraan ng pagharang o pagsira sa mga bahagi ng fallopian tubes upang maiwasan ang pagkikita ng sperm at ng itlog .
Ito ay isang surgical method na maaaring gawin sa isang ospital o isang outpatient surgical clinic. Ang proseso ng ligation ay maaaring gawin:
- Pagkatapos ng cesarean delivery
- Kasama ng iba pang mga operasyon sa tiyan
- Anumang oras pagkatapos kumonsulta sa iyong healthcare provider.
Paano ginagawa ang tubal ligation?
Bago ang procedure
Bago sumailalim sa procedure na ito, mahalagang alamin mo kung ano ang mangyayari at lubos na maunawaan ang mga epekto at kung ano ang ligation. Ang tamang documentation ay mahalagang tandaan na pumayag ka sa procedure.
Tutukuyin ng health provider mo ang pinakamahusay na diskarte at sasabihin ang mga posibleng panganib at komplikasyon na nauugnay sa procedure.
Mga uri ng tubal ligation
Laparoscopic
Kung pinili mo ang tubal ligation na hiwalay sa pagbubuntis o panganganak, o mas kilala ng marami bilang interval ligation, gagamit ng iyong healthcare provider ng laparoscopic technique.
Isinasagawa ang laparoscopic technique sa pamamagitan ng paggamit ng laparoscope na syang magsisilbing mata ng doktor. Ipapasok ang laparoscope sa pusod, at gagawa pa ng isa o dalawang maliit na hiwa para sa iba pang gamit na kakailanganin tulad ng clip para putulin o harangan ang mga fallopian tubes ng pasyente.
Mas mabilis ang recovery time sa pamamaraang ito.
Minilaparotomy
Ang minilaparotomy ay ginagawa ng doktor sa pamamagitan ng paghiwa sa iyong tiyan. Kung ang procedure mo ay ginawa sa oras ng c-section, ang parehong hiwa para sa c-section ang gagamitin ng iyong doktor para sa tubal ligation. Kung ang tubal ligation ay gagawin sa panahon ng natural na panganganak, ang doktor mo ay gagawa ng isang paghiwa sa ilalim ng pusod mo. Ang iyong mga fallopian tubes ay puputulin o di kaya ay tatalian.
Pagkatapos ng procedure
Kapag natapos na ang surgical procedure, maaari kang makaranas ng discomfort sa incision area, kasama na ang:
- Cramps
- Pagkahilo
- Pagkapagod
- Pananakit ng balikat
Pagkatapos ng procedure, siguraduhing tandaan ang mga sumusunod. Kung lumabas ang mga ito, kontakin agad ang doktor mo.
- Mataas na temperatura na nasa 38 C
- Pagdurugo sa iyong bandage
- Discharge o mabahong amoy mula sa sugat
Siguraduhing panatilihing tuyo ang sugat nang hindi bababa sa 48 oras. Iwasang ma-strain ang sugat o kuskusin ito. Huwag pilitin ang katawan mo sa mga aktibidades kagaya ng pagbubuhat at pakikipag-sex. Kumunsulta sa iyong doktor para malaman kung kailan ka maaaring bumalik sa mga aktibidad na ito.
Kailan ka dapat magpa-tubal ligation?
Dahil permanente ang birth control method na ito, mahalagang piliin lamang ito kung talagang sigurado kang wala ng planong magbuntis sa hinaharap. Ang method na ito ay perpekto sa iyo kung:
- Ikaw at ang partner mo ay nagkasundo na hindi na magbubuntis sa hinaharap
- Isa kang adult na babae
- High-risk ang pagbubuntis para sa iyo
- Ikaw at ang iyong partner ay nais na maiwasan ang pagpasa sa isang genetic disorder
Ano ang mga posibleng risk at komplikasyon?
Ang laparoscopic tubal ligation method ay ligtas at epektibo. Base sa pag-aaral, sobrang bihira ang nagkakaroon ng komplikasyon sa procedure na ito. Gayundin ang bilang ng namamatay na may bilang na 1 o 2 sa loob ng 100,000 o 0.002% ayon sa statistics. Ang mga kaso ng mga komplikasyon ay kadalasang dahil sa mga dati nang kondisyon o mga problema sa anesthesia.
Ilan sa mga komplikasyon ay:
- Impeksyon
- Pinsala sa mga organ
- Lagnat
- Pagdurugo
Sa pambihirang pagkakataon ng pagbubuntis dahil sa tubal ligation failure, nasa panganib ka din ng isang posibleng ectopic pregnancy. Ang fertilization ng iyong itlog ay sa iyong fallopian tube sa halip na sa matris.
Ano ang mangyayari kung magbago ang isip ko pagkatapos ng procedure?
Bagamat posibleng sumailalim sa pangalawang operasyon upang i-undo ang tubal ligation, hindi ito palaging matagumpay. Sa mga kaso ng hindi matagumpay na tubal ligation reversal, maaari mong subukan ang in vitro fertilization, o iba pang paraan ng assisted fertilization.