Ang pag-aalaga sa sariling kalusugan ang pinakamahalaga. Kapag ang kalusugan ng isang tao ay nasa panganib o nakatagpo ng hindi inaasahang aksidente, tiyak na magastos iyon. Dito pumapasok ang health insurance, isang plano na kadalasang binabayaran ng karamihan sa mga pamilya at indibidwal. Alamin dito kung ano ang ang health insurance at kung kailangan ba ito.
Ang health insurance ay nagbibigay ng mga medikal na benepisyo. Ilan dito ang mahahalagang benepisyo sa kalusugan, proteksyon sa mataas na singil sa medical bills, at preventive care tulad ng bakuna. Kasama din dito ang check-up, at ibang katulad nito, at mas mababang pagbabayad para sa sakop na health care bago pa man maabot ang deductible.
Ano ang Sakop ng Basic Health Insurance?
Saklaw ng mga planong ito ang mga sumusunod na mahahalagang benepisyo sa kalusugan:
- Doctor’s services
- Prescription drug coverage
- Pregnancy and childbirth
- Inpatient and outpatient hospital care
- Mental health services
- Emergency services
- Laboratory services
- Preventive and wellness services
- Pediatric services (oral and vision care)
- Rehabilitative and habilitative services (tumutulong sa mga taong may mga pinsala, malalang kondisyon, kapansanan, at paggaling mula sa mental at pisikal na mga kasanayan)
Mayroon ding mga karagdagang benepisyo para sa ilang partikular na plan. Kabilang sa mga naturang benepisyo ang:
- Birth control coverage
- Breastfeeding coverage
- Dental coverage
- Vision coverage
- Medical management programs
Ito ang ilan sa essential health benefits na saklaw ng mga health insurance. May iba’t ibang plans na sumasaklaw sa higit pang mga serbisyo. Ito ay ibibigay sa isang indibidwal o sa mga pamilya na nagbabayad alinman sa isang private plan o isang plan na nakuha nila sa kanilang employer.
Ano ang health insurance plan na ito? Ang nasabing plan ay may kasamang standard form na tinatawag na Summary of Benefits and Coverage. Dito, mas madaling ihambing ng mga pamilya at indibidwal ang mga gastos at benepisyo sa iba pang insurance plans.
Magkano ang Gastos ng Health Insurance?
Ang halaga ng taunang premium ay umaabot mula 1400 pesos hanggang sa 60, 000 pesos kada taon, depende sa uri ng insurance.
Siyempre, ang mga ito ay isang average na gastos lamang kung magkano ang ginagastos ng mga tao sa kanilang health insurance. Bukod pa rito, ang mga nasabing gastos ay hindi inuri sa ilalim ng isang partikular na health insurance plan.
Bawat isa sa health insurance plans ay may iba’t ibang gastos. Dito dapat kilalanin ng mga tao ang terminong premium. Ang premium ay tumutukoy sa kailangang bayaran ng mga tao para makakuha at mapanatili ang kanilang sariling health insurance.
Maaaring piliin ng mga tao na bayaran ang buong premium o kalahati nito. Karaniwan na sa mga employer na magbayad din para sa kalahati ng premium. May mga indibidwal o pampamilyang coverage na babayaran ng federal government kung sila ay kwalipikado para sa premium na subsidy (hal. kung bumili ka ng premium sa pamamagitan ng Covered California).
Ang pagbabayad para sa mga premium ay karaniwang buwan-buwan. Pero, kung gaano kadalas ang mga pagbabayad at halaga ng health insurance ay mag-iiba bawat tao. Halimbawa, ang edad ay magiging isang kadahilanan, ang mga bata ay may mas maraming benepisyo kumpara sa adults (hal. dental at vision coverage), ang lokasyon kung saan nakatira ang isang tao, cost-sharing, at ang bilang ng mga miyembro ng pamilya na kasama sa coverage ay factors lahat.
Mga Karaniwang Offerings at Coverage ng Health Insurance
May tatlong uri ng mga plano na karaniwang iniaalok. Ito ay mga indemnity plan, managed care plans, at consumer-driven plans.
Indemnity plan
Ang taong may ganitong plan ay direktang magbabayad sa isang doktor, magpapakita ng kanilang insurance, at pagkatapos ay tatanggap ng kalahati ng kabuuang halaga mula sa insurance company. Hindi kasama sa ganitong uri ng plan ang preventive care (hal. annual physical exams).
Managed care plan
Ang ganitong uri ng health insurance ay karaniwang ibinibigay ng isang employer. Kasama sa managed health care plans ang mga sumusunod: HMO, PPO, POS, at EPO.
Consumer-driven plan
Ang ganitong uri ng plano ay nagbibigay sa isang tao ng pagkakataon na kontrolin kung saan napupunta ang kanilang pera pagdating sa kanilang health care cost. Ang downside nito ay ang mataas na presyo ng deductible.
Key Takeaways
Mabuting alamin kung ano ang health insurance. Ang health insurance ay isang mahalagang benepisyo para sa mga indibidwal at pamilya, dahil ito ay makakatulong sa kanila na makatipid ng malaking pera sa mga medikal na bayarin sa katagalan. Gayundin, ito ay magbibigay sa kanila ng mas magandang buhay dahil ang iba’t ibang benepisyo sa kalusugan ay bahagi ng isang health insurance plan. Matuto pa tungkol sa Health Insurance dito.